Professional Documents
Culture Documents
Pambujan Campus
Pambujan, Hilagang Samar
SIMULAN MO!
Gawain 1
Panuto: Batay sa iyong naipong kaalaman at karanasan sa buhay, isa-isahin ang sa palagay mong mga patakaran
at alituntunin ng paaralang ito (CDLN). Sikapin mo itong maipaliwanag sa pinakamaikli ngunit sa
pinakatamang paraan. Isulat nang maayos at nababasa ang iyong sagot sa isang yellow pad (maaaring
encoded. *size: A4, font: Arial, spacing: 1.5, format: MSWord).
Gawain 2
Panuto: Batay pa rin sa iyong ipong kaalaman (stock knowledge), gamit ang sarili mong mga salita, bigyang
kahulugan ang wika, dayalek, at idyolek. Isulat nang maayos at nababasa sa isang yellow pad (maaaring
encoded. *size: A4, font: Arial, spacing: 1.5, format: MSWord).
ang iyong mga sagot.
ALAM MO BA?
Panuto: Basahin at unawain ang kasunod na mga talata.
Ang mga paaralan, halos lahat ay may mga patakaran at alituntuning sinusunod. Ang mga ito ang kanilang
sandigan sa pagpapatakbo/pamamahala. Sa pamamagitan nang pagtalima at pagsunod sa mga ito, maayos at
matagumpay na naipadadaloy ng pamunuan ang mga programa at serbisyo na kanilang inihahain sa mga kleyente
ng paaralan. Ang pagsunod at pagtalima sa mga patakaran at alituntunin ng paaralan, ay isang angkop at
mahusay na hakbang para makamit ng paaralan ang misyon (mission), bisyon (vision), at mga ninanais na
makamit (goals) nito sa hinaharap.
Ang mga patakaran ng paaralan ay maaaring hinggil sa pamamahala sa mga resources o mga yaman tulad
ng mga tao (manggagawa), pananalapi (MOOE), physical plant, mga gamit at kasangkapan ng paaralan. Mayroon
ding dapat alituntuning sinusunod ang mga estudyante/mag-aaral para sa kaayusan ng kanilang mga pag-aaral
tulad ng pagsusuot ng ID, uniporme, paggawa ng mga takdang-aralin, pagpasok sa paaralan, kung paano
magkakaroon ng mga grado, at marami pang iba.
Samantala, sa ating pang-araw-araw na buhay naman, kailangan natin ng iisang wikang nauunawaan ng
lahat ng mga Pilipino para magkaintindihan. Kaya sa anumang kurso o larangang ating pinag-aaralan, ang Wika, at
asignaturang Filipino ay kailan ma’y hindi mawawala. Sa pamamagitan ng pag-aaral nito higit pa nating
maipagmamalaki ang ating pagka-Pilipino, sapagkat ang wika ay sinasabing kaluluwa ng isang bansa.
Ano nga ba ang wika, at paano ito naiiba sa iba pang katawagang pangwika gaya ng dayalek, idyolek at iba
pa? Kailangan ang isang malawakang pag-aaral ng pag-aanalisa kaugnay rito. Linawin natin ang ilang
mahahalagang konseptong ito.
1
MAGTULUNGAN TAYO
Panuto: Pag-aralan nang may malalim na pag-unawa ang sumusunod na mga konsepto ng wika. At pagkatapos,
sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat nang maayos at nababasa sa yellow pad (pahinang harapan
lamang) ang iyong mga sagot. (maaaring encoded. *size: A4, font: Arial, spacing: 1.5, format: MSWord).
Ang wika (Webster 1974, 536) ay isang sistema ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao sa
pamamagitan ng mga pasulat o pasalitang simbulo.
Ayon naman kay Archibald A. Hill, ang wika ang pangunahin at pinaka elaboreyt na anyo ng simbolikong
gawaing pantao. Ang mga simbolong ito ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasaayos sa mga klase at patern na lumilikha ng isang komplikado at simetrikal nan a istruktura. Ang mga
simbolong ito ay mayroon ding kahulugang arbitraryo at kontrolado ng lipunan.
Samantala, ang dayalek ay varayti ng wika na sinasalita at nauunawaan sa iisang lugar. Ito ay tinatawag
ding lalawiganing-wikang na pare-parehong sinasalita, binibigkas at naiintindihan ng lahat ng taong gumagamit ng
wikang ito. Ang mga tao sa isang lugar ay nagkakaintindihan ng usapan dahil iisang dayalek ang kanilang
ginagamit. Ngunit ang taong mula sa ibang lugar, ang wikang ito ay mahirap nila itong maunawaan dahil hindi nga
ito nila dayalek.
Ang idyolek naman ay tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. Ito ay paraan kung
paano magsalita ang isang tao, kung paano niya buuin ang kanyang mga pangungusap, kung paano gamitin ang
wika. May iba’t ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito, ay ang gulang,
kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.
Para sa higit na ikauunawa sa idyolek, tunghayan ang usapang ng mga sumusunod na pares ng mga
nagsasalita:
Usapan 1
Jun : Sang-ayon ka ba sa death penalty?
July : Oo, sang-ayon ako. Panahon na para maturuan ng leksiyon ang mga taong gumagawa nang masama.
Laganap ang kriminalidad sa bansa. Paano mapoproktektahan ng alagad ng batas ang karaniwang
mamamayan kung patuloy nilang patatawarin ang mga kriminal?
Usapan 2
Cel : Anong masasabi mo sa lethal injection?
Cristy : Magastos, pero maging selya elektrika o lethal enjection ay kailangang ipatupad sa mga nahatulan ng
kamatayan.
Bilang mga estudyante sa asignaturang ito, kailangan talagang pag-aralan o alamin ang konseptong
varayti o varyasyon ng wika para sa higit na makabulugang paggamit ng wikang Filipino. Sinasabi na ang bawat
wika ay binubuo ng higit sa iisang varayti. Ang varayti ay itinuturing na higit na mas masaklaw na konsepto kaysa
tinatawag na istilo ng prosa o istilo ng wika. Ang ilang halimbawa ng varayti ay ang sumusunod;
1. Dayalek – ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa heograpikong komunidad, o kuminidad sa isang
lugar. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang particular na rehiyon,
lalawigan, pook, Malaki man o maliit.
Hal. a. Maasin a paksiw. (San Roque)
b. Maasinon an paksiw. (Allen)
c. Maasin it paksiw. (Gamay)
2. Sosyolek – ang varayting ito ay sinasalita ng mga tao sa isang lipunan. Tinawag itong sosyal na varayti ng
wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay wika ng mga estudyante, wika
ng mga matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga kasapi ng LGBT, at iba pang
pangkat.
Ang sosyolek ay maaari ring may okupasyunal na rehistro, tulad ng mga sumusunod;
3. Ang idyolek naman ay tawag sa kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. Ito ay paraan kung
paano magsalita ang isang tao, kung paano niya buuin ang kanyang mga pangungusap, kung paano
gamitin ang wika. May iba’t ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na
ito, ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan.
MAGAGAWA MO
Mga tanong:
1. Magtala ng limang (5) patakaran o alituntunin ng iyong paaralan, at ipaliwanag kung bakit ito mahalaga.
2. Batay sa iyong pagkaunawa sa mga paksang tinalakay, at gamit ang sariling mga salita, bigyang kahulugan
ang sumusunod:
a. idyolek c. dayelek
b. sosyolek d. wika
3. Maglista ng hindi kukulangin sa 20 salita dayalek (mo), at sa tapat nito isulat ang katumbas sa Filipino.
KARAGDAGANG GAWAING-BAHAY
Panuto : Paghambingin mo ang iyong ginawa na pagpapakahulugan sa wika, dayalek, idyolek at sosyolek doon sa
mga kahulugang iyong pinag-aralan. Suriin ang mga ito kung mayroon kang mga pagkukulang o kung
tama
na ang iyong mga sagot. At kung mayroon man mga pagkakamali, itama mo. Ang tumpak mong mga
isinulat ay panatilihin panatilihin mo sa iyo, pagkat ito’y tanda na mayroon kang natotohan.
COLEGIO DE LAS NAVAS
Pambujan Campus
Pambujan, Hilagang Samar
Gawain 1
Panuto: Suriing mabuti ang sumusunod na mga pahayag at kilalanin kung saang register ng wika ito nagmula?
Ito ba ay nagmula sa register/rehistro ng mga guro, register ng mga abogado, mga kasapi ng LGBT, o ng
iba pang grupo?
ALAM MO BA?
Register ng Filipino
Panuto: Muli nating balikan at pag-usapan ang mga paksang-aralin sa itaas. Sikaping isulat sa iyong kuwaderno
ang mga mahahalagang kaisipang ating matatalakay. Pagkatapos, pagtulungan nating sagutin ang mga
katanungan sa gawain 2.
PAGSASANAY
Panuto: Suriin nang may pang-unawa ang paglalarawang ginamit sa kasunod na basahin. Alamin kung anong
register ang ginamit. Patunayan ang iyong sagot.
Ang bilis lumaki ni Mark! Ang bigat na niya. At maingay pa! Nang marinig ko siyang magsabi ng “Mama”
muntik na akong maiyak sa tuwa! (Ang sarap pala maging Mama!). Daddy naman niya, sinusundan niya kahit
saang magpunta. Marunong na siyang mag- bye-bye at mag-clap hands. Ang bilis matuto! ( Alam mo naman iba
na ang mga babies ngayon!) Sa sobra nga niyang eager to explore, kung ano-ano ang hinahawakan at isinusubo.
He’s exposed to so many germs, buti na lamang malakas ang kanyang resistensya, kaya hindi siya sakitin.