You are on page 1of 3

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City
Kalinisan: 2
Kompleto: 3
Pangalan: _____________________________________________________ Malikhain: 2
Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Petsa: ________________________________________________________
Guro: ________________________________________________________

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Sanggunian: Phoenix Publishing House: Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika
at Kulturang Pilipino
Paksa: Register / Barayti ng Wika Uri ng Gawain: Concept Notes
Homogeneous, Heterogeneous at Linggwistikong Komunidad Gawain Bilang: 4
Layunin:
A. Nakapagbibigay ng angkop na halimbawa sa bawat sitwasyong nabanggit.
B. Nakapagbabahagi ng sariling mensahe gamit ang barayti ng wika.
C. Nakabubuo ng isang maikling bidyo na kinapapalooban ng paggamit sa barayti ng wika.
.
PANIMULA
Masasabing "homogenous" ang wika kung pare-parehong magsalita ang lahat ng gumagamit
ng isang wika (Paz, et. al. 2003). Samantala, maituturing naman na heterogeneous ang wika dahil
sa pagkakaiba - iba ng salik panlipunan tulad ng mga sumusunod:
 edad  hanapbuhay o trabaho
 antas ng pinag-aralan  kasarian
 kalagayang panlipunan  rehiyon o lugar
 pangkat-etniko o tinatawag ding etnolingguwistikong komunidad

Kaya naman, ang iba't ibang salik na ito ay nagreresulta sa pagkakaroon ng iba't ibang barayti ng
wika.
MGA BARAYTI NG WIKA
Isa – isa nating kilalanin ang bawat barayti ng wika:
 Dayalek – Ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang
partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan.
Halimbawa: Tagalog sa Rizal Tagalog sa Teresa, Morong, Cardona at Baras
Palitaw - Diladila
Mongo - Balatong
 Idyolek (Identity Dialect) – Sa barayting ito, lumulutang ang katangian at kakanyahang natatangi ng
taong nagsasalita. Barayti ng wika na nagiging identity o pagkakakilanlan ng isang indibidwal.
Halimbawa: Noli De Castro – “Magandang Gabi, Bayan!”
Mike Enriquez - “Hindi naming kayo tatantan!”
 Sosyolek (Social/Group Dialect) – Ito ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan
o dimensiyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
Halimbawa: Gay Lingo – “Indiana Jones” (nang – indyan)
Jejemon – “MuZtah?” (Kumusta?)
 Etnolek (Ethnic Dialect) – Ito ang barayti ng wika mula sa etnolinggwistikong grupo. Ang salitang
etnolek ay nagmuka sa pinagsamang etniko at dialek. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na
ng pagkakakilanan ng isang pangkat – etniko.
Halimbawa: Ang kalipay na ang ibig sabihin ay tuwa o ligaya.
Ang palangga na ang ibig sabihin ay mahal.
 Register – Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang
ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
Halimbawa: “Hindi ako makakasama, wala akong datung.” – kapag kaibigan ang kausap
“Hindi po ako makakasama dahil wala po akong pera.” – kapag guro na ang kausap
 Ekolek - Barayti ng wika na nalilikha sa tahanan.
Halimbawa: Ama o Ina – ngayon ay momsy o mudra na ang tawag.
Ate o kuya – bro/sis/tol ang usong gamitin na mga salita ngayon.
 Jargon - barayti ng wika na tinatawag din bilang natatanging bokabularyo ng isang partikular na
pangkat na gawain o propesyon.
Halimbawa: Banghay Aralin at Kurikulum
 Pidgin- Tinatawag na makeshift language o nobody’s native language.
Halimbawa: Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
 Creole- Kapag ang Pidgin ay naging unang wika na o naging nativized language.
Halimbawa: Buenas dias – Magandang umaga

LINGGWISTIKONG KOMUNIDAD
 Ang Linggwistikong Komunidad ay ang iba't-ibang uri ng mga wikang ginagamit sa komunidad sa
paglipas ng panahon. Nagkakaintindihan sila sa tuntunin nito, at naibabahagi ng bawat isa ang parehong
pagpapahalaga at damdamin sa sa paggamit nila ng wika sa pakikitungo sa isa't-isa.
 Halimbawa ng Linggwistikong Komunidad
 Grupong pormal - isang halimbawa nito ay isang Bible study group na nangangaral ng Salita ng Diyos.
 Grupong impormal - isang karaniwang halimbawa nito ay barkada.
 Sektor - kung saan ang mga manggagawa na malay sa kanilang karapatan at tungkulin sa bayan na
nagbubuklod sa pagsapi sa kilusang paggawa.
 Yunit - team ng basketbol; organisasyon ng mga mag-aaral sa paaralan.

Gawain Blg. 1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Ano-anong salik ang pinagmumulan ng pagkakaiba o ng mga barayti ng wika?
2. Ano ang dayalek? Ang idyolek? Ang sosyolek? Ang etnolek? Ang register?
3. Ano ang jargon? Paano mo malalaman ang propesyyon o gawain ng mga taong nag-uusap batay lang sa
kanilang jargon?

Gawain Bilang 2
Panuto: Punan ang mga kahon ng halimbawang nagmula sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga
karanasan.

Halimbawa ng Iba’t Ibang Barayti ng Wika



Punan ang kahon ng Punan ang kahon ng isang Punan ang kahon ng isang Punan ang kahon ng
tatlong gay lingo na pangungusap na pangungusap na nakasulat sa limang jargon ng
alam mo at ang sinasabing conyo o sosyal. paraang jejemon. trabahong ninanais
kahulugan ng bawat mong makuha balang
isa. araw.
Punan ang kahon ng Isulat mong muli ang Punan ang kahon ng isang Punan ang kahon ng
pangalan ng taong pangungusap sa ibaba. salitang gamit sa lalawigan isang salita na
may kilalang idyole. Isipin mong ang kausap na may ibang kahulugan sa maituturing na
Sumulat ng pahayag mo ay ang bestfriend mo. Tagalog ng Maynila etnolek.
na madalas marinig
mula sa kanya. “Pinayagan ako ng aking
ina at ama na dumalo sa
pagdiriwang ng iyong
kaarawan.”

Gawain Bilang 3
Pangkatang Gawain (Impormatibong bidyo)
Panuto: Pagsasagawa ng isang bidyo kinapapalooban ng sitwasyon/scenario na nagpapakita ng paggamit ng
mga barayti ng wika. Kinakailangang makita ang siyam na barayti ng wika sa loob ng 5 minuto.
Tandaan: Pinuno na lamang ng bawat pangkat ang magpapasa.
Huling Pasahan: Ika – 19 ng Setyembre, 2022, alas tres ng hapon gamit ang LMS.
File Name: 11 ABM 3 – Pangkat ___

Pamantayan sa Paggawa
Paggamit ng Wastong Barayti ng Wika – 60%
Malikhain/natatangi - 30%
Kaayusan ng Diwa - 10%

KABUUAN 100%

Gabay na Tanong
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan batay sa iyong natutuhan.

1. Paano nalilikha ang iba’t ibang barayti ng wika?


2. Sa anong sosyolek naman nabibilang ang pagsasalita mo? Ipaliwanag.
3. Paanong makakatulong ang mga kaalaman mo ukol sa barayti ng wika?

You might also like