You are on page 1of 16

LINGGUHANG GAWAING PAMPAGKATUTO

LAS_Q2 Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino 11 – Ikalawang Kuwarter - Ikatlong
Linggo
Pangalan : ___________________________ Baitang at Seksyon : ______________
Paaralan : ___________________________ Distrito : ______________________

ANG REHISTRO AT IBA’T IBANG BARAYTI NG WIKA

Kasanayang pampagkatuto:
• Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit
sa iba’t ibang sitwasyon (Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media,
Social Media, Enhinyerya, Negosyo, at iba pa) sa pamamagitan ng
pagtatala ng mga terminong ginamit sa mga larangang ito. (F11WG –
IIc – 87

• Nakasusulat ng mga tekstong nagpapakita ng mga kalagayang


pangwika sa kulturang Pilipino. (F11PU – IIc – 87)

Layunin:
• Natutukoy ang iba’t ibang rehistro at barayti ng wika na ginagamit
sa iba’t ibang sitwasyon at larangan;
• Naikaklasipika ang mga salita ayon sa larangang pinaggagamitan ng
mga ito;
• Nakasusulat ng isang sanaysay tungkol sa kalagayang pangwika sa
ating bansa hinggil sa mga rehistro at barayti ng wika; at
• Napapahalagahan ang barayti ng wika sa iba’t ibang sitwasyon.

A. Mga Konsepto

Ang Rehistro at Barayti ng Wika

HOLA! Bago natin simulan ang ating Talakayan sagutin


muna ang mga katanungang.

Ano ang Rehistro ng wika?

Ano ang iba’t ibang barayti ng wika?

1|Page Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
Bago natin simulan ang talakayan atin munang
balikan saglit ang Lingguwistikong Komunidad.
Ano nga ba ang lingguwistikong Komunidad?
Tara! Ating alamin.

Lingguwistikong Komunidad Ang wika ay ginagamit sa k


Nagkakaroon ng panlipunang dimensyon ang wika dahil
napagsasama sama nito ang mga tao upang makabuo ng
komunidad tungo sa pagtupad ng tungkulin, pagkilos at
kolektibongomunikasyon at ito ang dahilan upang makapag-
ugnayan ang bawat isa.

Ang ating wika ay may iba’t ibang barayti. Ito ay sanhi ng


pagkakaiba ng uri ng lipunan na ating ginagalawan,
heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian
at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa
pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng
iba’t ibang baryasyon nito, at dito nag-ugat ang mga barayti
ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.

1. Dayalek - Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan
na kanilang kinabibilangan.

Halimbawa:

 Tagalog- Bakit?
 Batangas- Bakit ga?
 Bataan- Bakit ah?
 Ilocos- Bakit ngay?
 Pangasinan- Bakit ei?

2|Page Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
2. Idyolek - Bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na
naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na
nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao.

Halimbawa:
 “Kabayan”- Noli De Castro
 “Magandang Gabi, Bayan”- Mike Enriquez
 “To the highest level na talaga to”- Ruffa Mae Quinto
 “Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
 “Hoy Gising!” ni Ted Failon
 “Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza
 “I shall return” ni Douglas MacArthur

3. Sosyolek - Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga
salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng
indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.

Halimbawa:
 Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
 Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit
ng gelpren mo)

4. Etnolek - Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga


etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol
ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi ng
pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.

Halimbawa:
 Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo
tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan Bulanim – salitang naglalarawan sa
pagkahugis buo ng buwan

5. Register - minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong


ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.
Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika sa mga terminong may
kaugnayan sa mga trabaho o iba’t ibang hanap-buhay o larangan. Kapag narinig ang
terminong ito ay matutukoy o masasabi ang larangan o sitwasyong karaniwang
ginagamit ng mga ito.

Mga Halimbawa ng Register:


 Mga salitang jejemon
 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t ibang propesyon gaya ng mga Doctor

 Ang mga abogado o taong nagtatrabaho sa korte ay maipakikilala ng


sumusunod na mga jargon:
Exhibit Suspect Appeal court Complainant justice

3|Page Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
 Ang mga guro o mga taong konektado sa edukasyon ay maipakikilala
ng sumusunod:

Lesson plan curriculum Test textbook

 Ang mga sumusunod naman ay mga jargon sa disiplinang


Accountancy.
Account balance Debit credit Net income gross income

6. Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang


“nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal
na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang
ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang
wika lamang.

Mga Halimbawa ng Pigdin:

 Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)


 Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
 Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
 Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda
ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)
 Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti
upang mataas ang iyong grado.)

7. Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng


indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika
ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol
(ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong
Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).

Mga Halimbawa ng Creole:

 Mi nombre – Ang pangalan ko


 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi

4|Page Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
Ano ang gamit ng wika sa iba’t ibang larangan?
Narito ang ilang Halimbawa:
Tara! Alamin natin.

Ayon kay Marietta Alagad-Abad, ang barayti ng wika ay tumutukoy sa uri o


klase ng wikang ginagamit sa isang partikular na teksto o diskors. Nakikita
mo ang kaibahan ng isang teksto sa isa pang teksto dahil sa uri ng wikang
ginagamit sa nasabing teksto. Ang uri ng teksto ay dumidepende sa uri o
barayti ng wikang ginagamit sa teskto. Samakatwid, ang tekstong
panghumanidades ay gumagamit ng wikang masining; ang tekstong pang-
agham ay gumagamit ng wikang sayantipik; ang tekstong pang-agham panlipunan ay
gumagamit ng wikang pansosyal. Ang barayti ng wika ay naaayon din sa antas nito; kaya
mayroon tayong wikang pambansa, wikang opisyal, wikang lalawiganin, wikang kolokyal o
karaniwan, at wikang islang o balbal.
Ang wika ay ma aari ring uriin ayon sa propesyon o disiplina tulad ng: wikang medikal,
wikang pambisnis, wikang akademik, at teknikal. Maaari namang makilala ang barayti ng
wika ayon sa mga institusyong gumagamit nito tulad ng wikang pampaaralan, wikang
pansimbahan, wikang pampamahalaan, atbp. Sa ngayon, mayroon ding tinatawag na wika
ng bakla at wika ng lasing.

5|Page Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
Ngayon alamin naman natin ang 3 Dimensyon ng
Register upang mas maunawang mabuti.
Tara! sabay-sabay nating Tuklasin .

Ano- ano ang Tatlong Dimensyon ng Register?

Halimbawa :

6|Page Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
Bakit mahalag ang wika sa ating buhay?

Mahalaga ang gampaning-papel ng wika sa ating buhay. Ngunit dahil lagi na


natin itong ginagamit, hindi natin gaanong naoobserbahan ang tungkulin nito.
Natural na lamang sa ating ito tulad ng ating paghinga at paglakad.
Wika ang sumasalamin sa kaluluwa ng isang indibidwal. Wika ang simbulo
ng kanyang damdamin, ng pag-iisip, ang naglalahad ng kanyang nadarama,
ng nais gawin at maging mithiin sa buhay. Wika ang nagdadala ng ideya ng
tao. Ito ang instrumento ng paglikha ng makabuluhan at malikhaing pag-iisip.
Ito ang dahilan ng pag-unlad ng karunungang pantao.
“…habang pinangangalagaan ng isang bayan ang kanyang wika,
pinangangalagaan niya ang marka ng kanyang kalayaan gaya ng
pangangalaga ng tao sa kanyang kalayaan habang pinanghahawakan niya
ang sariling paraan ng pagiisip.” – Jose Rizal

“Ang wika ay proseso ng malayang palikha; ang mga batas at tuntunin nito ay
hindi natitinag, ngunit ang paraan ng paggamit sa mga tuntunin ng paglikha
ay malaya at nagkakaiba-iba. Maging ang interpretasyon at gamit ng mga
salita ay kinasasangkutan ng proseso ng malayang paglikha.” – Noam
Chomsky

“Kapag kinausap mo ang tao sa wikang kanyang nauunawaan, ito’y


patungo sa kanyang isip. Kapag kinausap mo siya sa kanyang wika, ito’y
patungo sa kanyang puso” – Nelson Mandela

Kung gayon, kinakailangang ang isang tao’y may sapat na kakayahang


magamit ang isang wika. Kailangang pagtuunan ng pansin upang sanayin ang
sarili
sa bawat tungkulin sapagkat may mga pagkakataong kinakailangang gamitin
ang tungkulin sa isang sitwasyon at may mga pagkakataon ding
kinakailangang gamitin ang dalawa o higit pang tungkuling pangwika sa isang
sitwasyon.

7|Page Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
B.

I. Panuto: Alamin kung anong rehistro o larangan ng wika ang pahyag o kung anong
barayti ng wika ito napabilang. Isulat ang iyong sagot sa ibinigay na patlang.
__________________1. Pumunta ng bundok ang mga armadong tao para sa isang
operasyong isasagawa.
__________________2. “Gihigugma ko ikaw”
__________________3. Aha, ha, ha! Nakakaloka! Okey! Darla!
_________________4. My God! It’s so mainit naman dito.
__________________5. Laylaydek Sika.
__________________6. Wa facelak girlash mo.
__________________7. “To the highest level na talaga to”
__________________8. Repapips, ala na ako datung eh!
__________________9. Oh my God! It’s so mainit naman dito
__________________10. Hindi ikaw galing kanta

__________________11. I gat planti kain kain abus long bikbus


__________________12. Mi nombre
__________________13. Sali ako laro ulan
__________________14.MAgkain tayo sa mall.
__________________15. Ah, ha, ha! Nakakloka!

II. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng salitang OPERASYON sa iba’t ibang barayti ng wika.
Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.

Halimbawa: Salitang BATO

 Sa Konstruksyon ang bato ay nangangahulugang Hollow block


 Sa Pag-aalahas ito naman ay ang mamahaling hiyas o diyamante; at
 Sa Medisina naman ito ay nangangahulugang kidney

8|Page Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
Salita Larangan Kahulugan Gamitin sa
Pangungusap
1. Paggawa
OPERASYON 2. Medisina
3. Kalakalan
4. Militar

C.

Panuto: Gumawa at pumili ng isang jingle, rap o talumpati na naglalaman ng mga


rehistro at barayti ng wika. Maaring maging karagdagang nilalaman ang mga
nakalista sa ibaba. Iklasipika mo lamang ito kung saan nararapat mapasailalim ang
mga salita.
Iparinig ito sa mga kaibigan at pabigyan ito ng puntos ayon sa sumusunod na
pamantayan. (Isuma ang iyong puntos ayon sa bilang ng mga taong nakarinig ng
iyong ginawang jingle, rap o talumpati).
Para sa karagdagang puntos magdikit o mag send via messenger ng mga
pagpapatunoy sa gawain.

9|Page Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
(Jingle, Talumpati o Rap)

PUNTOS PAMANTAYAN
Gustong-gusto ko ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat naipaliwanag
5 dito kung paano maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan
ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon.

Gusto ko ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat naipaliwanag dito kung


4 paano maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng
kalakalan, pamahalaan at edukasyon.

Hindi ko nagustuhan ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati bagamat naipaliwanag


3 kung paano maipalalaganap ang angkop na wikang dapat gamitin sa larangan ng
kalakalan, pamahalaan at edukasyon.

Hindi ko nagustuhan ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat hindi


2 malinaw na naipaliwanag kung paano maipalalaganap angkop na wikang dapat
gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon.

Walang dating para sa akin ang nilalaman ng jingle/rap/talumpati sapagkat hindi


1 naipaliwanag nang maayos at kulang sa kaisipan kung paano maipalalaganap ang angkop
na wikang dapat gamitin sa larangan ng kalakalan, pamahalaan at edukasyon.

10 | P a g e Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
D.

Panuto: Suriin ang mga pahayag na nasa loob ng kahon at sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

Sikat Linya
1. Vice Ganda May Nag Txt!
Party! Party!
2. Korina Sanchez Handa kana ba?
3. Conyo Please do not Leave “tabo” on
the floor Only kolehiyalas make
tusok the fishballs
4. Jejemon R u goin 2 c me 2day? ‘’’’eEWh
koOYAh! mZtah PowH KaYoWz”
5. Gay lingo o salitang beki Purita kalaw
Julie Andrews

1. Kung ang mga pahayag na nasa itaas ay madalas mong marinig at paminsan-
minsan ay nakasanayan mo ng gamitin. Paano ito makakaapekto sa iyong
pakikipag-usap at sistema ng komunikasyon sa iyong tahanan lalo na sa mga
nakakatanda?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Kung ang mga pahayag na nasa itaas ay madalas mong marinig at paminsan-
minsan ay nakasanayan mo ng gamitin. Paano ito makakaapekto sa iyo bilang
isang mag-aaral sa loob ng klase, lalo na sa pakikipag-usap mo sa iyong mga
guro?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

11 | P a g e Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
E. Gawaing Pagganap
Panuto: Gumawa ng poster-islogan, batayan mga tanong na ito:
• Paano mo mailalarawan/mapahahalagahan ang iyong unang wikang naiintindihan? Paano
naiiba ang paraan mo ng pagsasalita sa iba pang taong nagsasalita rin ng wikang ginagamit
mo? Magbigay ng halimbawa ng sitwasyon sa iyong buhay, maaring sa bahay, paaralan at
kung saan pa.

12 | P a g e Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
SUSI NG PAGWAWASTO

13. Pidgin
12. Creole
13 | P a g e 11.Creole Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL
10. Pidgin School/Station HNCHS
9.Sosyolek
District: NORTH DISTRICT
8. Sosyolek
District: NORTH DISTRICT
School/Station HNCHS
Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL 14 | P a g e
Gawain 3
1. Nakakaapekto ito sa pakikipag-ugnayan natin sa ating mga magulang ,
nakakatandang kapatid o sa buong pamilya kung patuloy natin itong
tatangkilikin o gagamitin sa pakikipag-usap, at nakadudulot ito ng kawalan ng
respeto sa isa’t isa. Hindi masamang gumamit, gamitin o gayahin natin ang mga
salitang ito ngunit sa tamang tao, lugar, kanino at kailan mo ito gagamitin may
mga bagay na hindi pwede at pwedeng gawin tulad ng pakikipag-usap natin sa
ating pamilya.
2. Nakakaapekto ito sa respeto o paggalang at pakikipag-ugnayan lalo kung ang
guro mo ay hindi makasabay sa mga salitang ginagamit mo. Tulad sa pamilya o
sa mga nakakatanda kailangan natin ilagay sa tama ang mga gagamitin nating
salita o barayti ng wika. Sa silid-aralan bawat isa may iba’t ibang kinsanayan at
barayting ginagamit hindi ito hadlang sa pakikipag komunikasyon sa kapawa
hanggat nakakaintindi o nagkakaintindihan ang bawat isa ngunit kailangan
nating tandaan hindi sa lahat ng panahon ito ang gagamit natin dahil ito ang
nauuso. Sapagkat kailangan nating mas matutunan gamitin ang dalawang
midyum na wikang ginagamit sa silid-aralan at lalo na sa pakikipag-sap/
pakikipag-ugnayan natin sa ating guro gumit ng tamang salita o wika sa
pakikipag-usap.
REFERENCES

Sanggunian
A. Aklat
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927 Quezon Avenue, Quezon City:
Phoenix Publishing House, 2016.
B. Web Sites
http://filipinoforfilipinos.blogspot.com/2016/10/rubric-sa-ginawang-isloganposter.html
https://takdangaralin.ph/barayti-ng-wika/at Retorika (Filipino III)

15 | P a g e Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT
https://quizizz.com/admin/quiz/5dcbea1288a941001df07439/register-ng-wika

16 | P a g e Writer/s: FAITH STEPHIN A. BAGNOL


School/Station HNCHS
District: NORTH DISTRICT

You might also like