You are on page 1of 11

COLEGIO DE LAS NAVAS

Pambujan Campus
Pambujan, Hilagang Samar

Komunikasyon sa
Akademikong Filipino
SANAYANG PAPEL
Unang Semestre , SY 2021-2022

Ikatlong Linggo

Inihanda ni:

G. RONALDO N. VERANO
Instructor
1
Page
COLEGIO DE LAS NAVAS
Pambujan Campus
Pambujan, Hilagang Samar

Komunikasyon sa Akademikong Filipino


SANAYANG PAPEL
Unang Semestre , SY 2021-2022

Ikatlong Linggo
Ikatlong Aralin:

SIMULAN MO!

Pagkatapos ng klase at pag-aralan mo ang araling ito, ikaw ay inaasahang;


a. Naibibigay ang kahulugan ng Komunikasyon
b. Natutukoy ang mga Uri ng Komunikasyon: Verbal at di-Verbal
c. Naiisa-isa ang mga Modelong Pangkomunikasyon

Gawain 1: KomuNek (Komunikasyon at Konek)


Panuto: Magtala ng mga salitang may kaugnayan sa salitang “Komunikasyon”. Gamitin ang tsart
sa ibaba. Isulat nang maayos at nababasa ang iyong sagot sa isang yellow pad (maaaring
encoded. *size: A4, font: Arial, spacing: 1.5, format: MSWord).

KOMUNIKASYON
2
Page
Gawain 2: “Punan Mo Ako”
Panuto: Punan ang mga nawawalang titik upang makabuo ng salita na magkaugnayan sa mga
uri ng komunikasyon. Isulat nang maayos at nababasa sa isang yellow pad (maaaring encoded.
*size: A4, font: Arial, spacing: 1.5, format: MSWord) ang iyong mga sagot.

1. B_rb_l 6. Ga_ _w
2. _i-_er_a_ 7. K_ _la_ma_
3. M_ns_ _e 8. Da_da_i_
4. _ag_ _ sal_n 9. _dey_
5. _in_ig 10. _bi_aba_ag_

ALAM MO BA?
Panuto: Basahin at unawain ang kasunod na mga talata.

Ilan sa mga kahalagahan ng mabisang komunikasyon ay ang pagkakamit ng tao ng tagumpay,


kaunlaran, katahimikan, at pambansang kaligtasan. Ilan rin sa mga katuturan nito ay ang
pagsasalin, paghahatid ng balita, kuro-kuro, mensahe, kaalaman o impormasyon, damdamin,
iniisip o pangangailangan, at ideya mula sa tao patungo sa isang tagatanggap o sa isang
patutunguhan.

Itinuturing na isang dakilang tuklas tao ang komunikasyon. Nagagawa nitong mapakilos ang tao
upang kanyang mapaunlad ang sariling pamumuhay.

Dahil sa mabisang komunikasyon nakakamit ng tao ang tagumpay, kaunlaran, katahimikan, at


pambansang kaligtasan. Saklaw nito maging ang larangan ng pagtuklas at kalawakan. Kaya
naman, higit na progresibo ang mga bansang may maunlad at mabisang paraan ng
komunikasyon.

Sa sanayang papel na ito, tatalakayin ang kahalagahan komunikasyon sa pagpapaunlad ng


wikang sinasalita. Hindi lamang ang pagsulat na kakayahan ang dapat malinang sa mga mag-
aaral sa kolehiyo kundi lalong higit na ang kakayahan sa pasalitang pakikipagtalastasan gamit
ang wikang Filipino.

MAGTULUNGAN TAYO

Panuto: Pag-aralan nang may malalim na pag-unawa ang sumusunod na mga konsepto ng wika.
At pagkatapos, sagutin ang kasunod na mga tanong. Isulat nang maayos at nababasa sa yellow
3
Page
pad (pahinang harapan lamang) ang iyong mga sagot. (maaaring encoded. *size: A4, font:
Arial, spacing: 1.5, format: MSWord).

KATUTURAN AT KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON


Ang komunikasyon ay pagsasalin, paghahatid ng balita, kuro-kuro, mensahe, kaalaman o
impormasyon, damdamin, iniisip o pangangailangan, at ideya mula sa tao patungo sa isang
tagatanggap o sa isang patutunguhan.

Ayon kay Josefina Mangahis et al. (2008), sa aklat na Komunikasyon sa Akademikong Filipino,
ang komunikasyon ay hango sa salitang Latin na communi atus na ang ibig sabihin ay
“ibinabahagi.” Sa ganitong sitwasyon, ang dalawang panig ay magbabahaginan ng kanilang
ideya sa paraang kasangkot ang pagsasalita, pakikinig, pag-unawa, pagbasa, at pagsulat.

lto ay isang proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan ng ideya, impormasyon,


karanasan, at mga saloobin ng isang tao sa kanyang kapwa.

Masasabi ring ang komunikasyon ay isang likas na minanang gawaing panlipunan na


nagbabago-bago tulad ng mga tao at ng panahon, dahil ito ay isang prosesong dinamiko, tuloy-
tuloy, at nagbabago.

Samakatwid, ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng lahat ng uri ng


mensahe na kinasasangkutan ng magkatambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig, at pag-
unawa. May nagsasalita man, kung walang nakikinig at umuunawa, ay walang nagaganap na
komunikasyon.

Bago maganap ang komunikasyon, ang mananalita o communicator ay kailangang magkaroon


ng sasabihin, samakatwid, dapat muna siyang dumaan sa proseso ng pag-iisip o ideation. Ito
4
Page

ang pagbuo ng mensaheng nais na ihatid. Pagkatapos, kailangan isipin ng mananalita kung ano
ang gagamitin niya sa paghahatid—senyas o wika. Sa kasalukuyan, wika ang pinakagamitin sa
paghahatid ng anumang uri ng mensahe. Ito ang pinakamabuti sapagkat maaaring gamitin sa
paraang pasulat at pasalita.

Ang komunikasyong pasalita ay nagiging mas mabisa kung ito ay tinutulungan ng kilos o galaw.
Layunin ng isang mananalita na maihatid nang malinaw ang kanyang mensahe. Malaking bahagi
ng maayos na pakikipagtalastasan ay nakasalalay sa kahusayan sa paggamit ng wika ng
mananalita at sa lawak ng kanyang talasalitaan. Ang Iimitadong talasalitaan ay nagbibigay rin ng
limitadong pagkakataon na makagamit nang tama at angkop na mga salita ang mananalita
upang maipahatid ang tamang mensahe.

Kung paanong tatanggapin ang mensahe ay naaayon sa katinuan ng kalagayan ng tumatanggap


—naririnig ba nang malinaw ang mensahe, nauunawaan ba, at nabibigyang-kahulugan ba ang
naririnig? Ang reaksiyon ng tumatanggap ng mensahe ay nakasalalay sa mga bagay na
binanggit.

MGA LAYUNIN NG KOMUNIKASYON


Ang komunikasyon ay gumaganap ng kanyang tungkulin sa sangkatauhan ayon sa sumusunod
na mga layunin.
1. Magbigay ng daan tungo sa pag-uunawaan ng mga tao
2. Makapagkalat ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na mga kaalaman
3. Magbigay-diin o halaga sa mga paksa o isyung dapat mabigyang-pansin, talakayin, at
dapat suriin ng mga mamamayan
4. Magbukas ng daan sa pagpapahayag ng ibalt ibang kaisipan, damdamin, at saloobin ng
mga tao
MGA URI NG KOMUNIKASYON
Sa pagnanais ng tao na makipag-unawaan sa kanyang kapwa na kasama niya sa lipunang
kinabibilangan ay apat na uri ng komunikasyon ang kanyang ginagamit.
Komunikasyong Verbal—Uri ng komunikasyong gumagamit ng wika na maaaring pasulat o
pasalita. Pasulat ang uri ng komunikasyong nababasa at pasalita yaong mga binibigkas at
naririnig. Ito ang pinakagamiting uri ng komunikasyon.
Komunikasyong Extra-Verbal—Uri ng komunikasyong gumagamit ng tamang tono o timbre ng
boses sa pagsasalita o pagpapahayag ng kanyang saloobin o damdamin. Ang mababa at
malumanay na tinig ay tanda ng paggalang sa matatanda samantalang ang malakas na boses,
mataas na tono, at mabilis na ritmo ay ginagamit sa pagbibigay ng babala o paghingi ng tulong.
Komunikasyong Di Verbal—lto naman ay uri ng komunikasyong hindi gumagamit ng wika, sa
halip, kilos at galaw ng katawan ang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Halimbawa nito ang
5
Page

ekspresyon ng mukha, galaw ng mata, kamay, at paa.


Ang mukha ang pinakamahalaga sa pakikipagtalastasang hindi ginagamitan ng wika. Ang mata
at bibig ay mahalaga sa pagpapadama ng damdamin. Ang matang naniiiisik ay nagpapadama ng
galit, ang matang malamlam ay nagmamakaawa. Ang ngiti ay palatandaan ng kasiyahan o
pagsang-ayon, at iba pa.
Komunikasyong Simboliko—Ito ay komunikasyong binubuo ng mga mensaheng naibibigay ng
mga bagay na ginagamit na nakapaglalarawan ng mga nakatagong katangian at personalidad ng
isang tao. Ang mga ito ay maaaring naipakikita sa pamamagitan ng:
 Kasuotan o damit
 Alahas o palamuti sa katawan
 Make-up
 Kulay na napili

Mga Modelo ng Komunikasyon


May iba’t ibang modelo ng komunikasyon na nagpapakita ng mga teorya at simulain ng
komunikasyon. Kabilang dito ang modelo ni David Berlo, Shannon-Weaver, Schramm, at iba pa.
Isang paraan upang maipakita ang mga teorya at simulain sa komunikasyon ang biswal na
representasyon nito sa pamamagitan ng modelo o dayagram. Ginagamit ang modelo o
dayagram upang higit na maipaliwanag at mabigyan ng linaw ang proseso ng komunikasyon.
Batay sa mga naunang pagtalakay tungkol sa proseso ng komunikasyon, larawan sa
pamamagitan ng modelo o dayagram ang simpleng daloy ng komunikasyon na ginagawa kapag
nagpapadala ng mensahe sa tulong ng cell phone. Gumawa ng ilustrasyon ng modelo sa
espasyo sa ibaba.
Sa layuning maging maayos at makabuluhan ang pakikipagkomunikasyon, iba’t ibang modelo ng
komunikasyon ang magagamit ayon na rin sa uri at layunin ng pakikipagtalastasan. Narito sa
ibaba ang ilan sa mga modelong ito.
1. Modelo ni David Berlo (1960)
Ipinakita ni Berlo ang kanyang modelo sa pamamagitan ng dayagram na SMCR. Tingnan ang
ilustrasyon sa ibaba.
6
Page
Para kay Berlo, kapag mahusay ang kasanayan sa komunikasyon ng parehong tagapagsalita at
tagatanggap, higit na nagiging epektibo ang paghahatid at pag-unawa sa mensahe. Kung ang
guro ay eksperto sa kanyang larangan, may magandang tinig, may masiglang pagtalakay sa
teorya, subalit kung ang mag-aaral bagama’t matalino, masipag, at litereyt ay walang interes sa
tinatalakay na teorya at para sa kanya’y walang saysay ito, hindi rin mararating ang
komunikasyong hinahangad.
Ayon pa rin sa kanya, mahirap matukoy ang kalalabasan ng komunikasyon kaya tinukoy niya
ang mga salik na nakaaapekto rito—kasanayan sa komunikasyon, kaalaman, sistemang
panlipunan, kultura, at pag-uugali.
Ang kasanayan ng tagapagsalita ay may malaking gampanin sa kaganapan ng komunikasyon
sapagkat magkakaroon siya ng pagkakataong mailahad ang kanyang layunin o intensiyon, at
kakayahang masabi ang gustong sabihin. Hindi lamang ang pagsasabi ang kanyang isinasaalang-
alang kundi paano hahanapin ang tamang salitang gagamitin na mauunawaan din ng
tagatanggap. Ang kagalingan sa paggamit ng wika ay nagbibigay ng kalamangan sa tagapagsalita
sapagkat nakapagsasabi siya at nakapagpapahayag ng mga ideya. Ang kanyang kasanayan sa
komunikasyon ay nagagamit niya sa pagbuo ng tamang gramatika, pagpapaunlad ng malawak
na bokabularyo. tamang paggamit ng tuntunin at batas sa pagsasalita at pagsulat, at paggamit
ng koda (verbal o nonverbal).

2. Modelo ni Claude Shannon at Warren Weaver (1949)


Sina Sannon at Weaver ay tumuklas ng paraan kung paanong higit na mapadadali ang
komunikasyon sa pamamagitan ng kaniiang “Mathematical Theory of Communication.”
Batay sa kanilang teorya, ang paghahatid ng mensahe ay nangangailangan ng electronic signal.
Ang kanilang modelo ay binubuo ng information source na pinagmumulan ng mensahe, ang
transmitter, ang tsanel, ang receiver, at ang destinasyon. Isinama rin nila ang ingay (noise) sa
kanilang modelo. Ang kanilang pag-aaral ay isang motibasyon para marating ang kaayusan at
katumpakan ng transmisyon at pagtanggap ng mensahe. Ang kaayusan ay tumutukoy sa bits ng
impormasyon bawat segundo na naipapasa. Samantala, ang katumpakan ay ang kaliwanagan ng
resepsiyon sa pagtanggap ng mensahe. Tinawag din itong modelo ng transmisyon sa
komunikasyon. ipinakita nila ito sa pamamagitan ng dayagram sa kabilang pahina.
7
Page
Ang pag-aaral nina Shannon at Weaver ay may dalawang oryentasyon. Ang isa ay hinggil sa
inhenyeriya ng transmisyon at resepsiyon. Ang ikalawa ay konsiderasyon kung paanong ang
accuracy ng komunikasyon ay nakararating sa mga tao gayong iba-ibang karanasan at attitude
mayroon ang mga ito. Pangunahing Dokus ng modelong ito ang teknolohiya bilang “source” o
pinanggagalingan ng “ingay” sa komunikasyon.
Samantala, ang mga konseptong magkakaiba sa pagitan ng mga uri sa ipunan, kaligirang
kultural, karanasan, pag-uugali, paniniwala, at ng iba pang salik ay maaaring maging sanhi ng
ingay o noise sa komunikasyon.
Sa pagitan ng tagapagpadala at tagatanggap, makikitang diretso ang agos ng mensahe.
Datapwa’t hindi laging ganito, may mga pumapasok na sagabal (noise) mula sa pagpapadala
hanggang sa pagtanggap.

3. Modelo ni Wilber Lang Schramm (1954)


Si Wilber Schramm ang tinaguriang “Father of Communication Study” na nagbigay ng
kahalagahan sa proseso ng encoding at decoding. Parang isang proseso ng two-way circular
communication sa pagitan ng tagapagpadala at tagatanggap. Kung ang kay Shannon at Weaver
ay isang teoryang matematikal-teknolohikal, ang kay Schramm naman ay sinamahan ng human
behavior sa proseso ng komunikasyon. Ipinakita niya ang teorya sa pamamagitan ng dayagram
na ito. Isinama niya ang feedback at Iawak ng karanasan upang tukuyin ang modelo.

8
Page
Para kay Schramm, ang mensahe ay maaaring maging masalimuot mula sa iba’t ibang
kahulugang ibinibigay/natututuhan ng tao. Ang kahulugan ay maaaring denotasyon o
konotasyon. Ang diksiyonaryong kahulugan o denotasyon ay maaaring pareho sa maraming tao
subalit ang kahulugang konotasyon ay maaaring magkaroon ng maraming kahulugan para sa
mga tao batay sa personal na karanasan at ebalwasyon.
Ang kanyang modelo ay nagpapahintulot din sa pagpapakahulugan ng mensahe na may
impluwensiya ng kagamitang pisikal (telepono, telebisyon, mikropono, at iba pa); semantics
(distraksyon, gulang, attitude, at iba pa); at ingay (noise).
Naniniwala siya na ang mga tao ay dapat magkaroon ng komunikasyon sapagkat kailangan nila
ng mga impormasyon tungkol sa kanilang lipunan upang makagawa ng desisyon at pangunahing
pangangailangan ang mga silid-aklatan upang makapag-imbak ng impormasyon.

4. Iba pang Modelo


Ang Symbolic lnteractionist ni George Herbert Mead (1910) na nagsabing ang lawak (extent)
ng pag-alam (knowing) ay lawak ng pagbibigay-ngalan—ang karunungan ay abilidad na bigyan
ng Ieybel ang mga bagay na ating na-eengkuwentro/nakikita.
Ang “Who says what, to whom, in which channel, to whom with what effect” ni Harold
Lasswell (1957) ay tumukoy sa mga elemento ng transmisyon o paghahatid ng mensahe.
Ang “Mediational Theory of Meaning” ni Charles Osgood (1976) na nagpaliwanag hinggil sa
kahulugan ng anumang impormasyon na maaaring tukuyin sa pamamagitan ng tatIong
dimensiyon. — ebalwasyon (kung ito’y mabuti o masama) – lakas (potency) (gaano ito kalakas)
— gawain (gaano ito kabilis)
Ang teorya ni Braddock (1958) (nagpalawak sa teorya ni Osgood) na nagbigay ng katanungan
hinggil sa kaganapan ng komunikasyon.
 Sa anong kalagayan? (circumstances)
 Para sa anong layunin? (purpose)
 Para sa anong epekto? (effect)

MAGAGAWA MO
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang Komunikasyon?
2. Kailan masasabing epektibo ang isang komunikasyon?
9

3. Bakit mahalaga ang komunikasyon?


Page
Basahin at u nawain ang mga sumusunod na pangungusap. Tukuyin ang uri ng komunikasyon na
ginamit.
1. Laging kulay pula ang suot niyang damit.
2. Nakipagkindatan siya sa kanyang kaibigan nang sila ay magkasalubong.
3. lba’t ibang kulay ng kolorete ang ipinapahid niya sa labi gabi-gabi.
4. “Magandang umaga,” ang masaya Miyang bati sa guro.
5. Nagsisigaw ang ale nang agawin ng lalaki ang kanyang bag.
6. Napahiyaw ang bata nang malaglagan siya ng butiki sa batok.
7. Tumango lamang siya nang tanungin.
8. Itinaas niya ang kanang kamay matapos magsalita ng guro.
9. Itim ang isusuot niyang damit sa loob ng isang taon.
10. Araw-araw siyang nagsusuot ng iba’t ibang magagandang alahas.
11. Humingi ng paumanhin ang bath sa babaeng di niya sinasadyang natapakan.
12. Hindi magkamayaw ang mga tao nang biglang dumating ang paborito nilang artista.
13. Biglang sinuntok ng lalaki ang kaharap nang malamang ito ang nanakit sa kanyang anak.
14. Umawit siya sa harap ng mga panauhin.
15. Laging maong na pantalon ang suot niya tuwing papasok sa pabrika.

Isa-isahin ang mga modelong pangkomunikasyon at isulat ang maikling diskripsyon ng bawat
modelo.
1. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________.
2. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________.
3. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
______________________________________________________________.
4. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
_______________________________________________________________.
5. ________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________.

Mga Sangunian:
10

https://www.elcomblus.com/ang-katuturan-at-kahalagahan-ng-komunikasyon/
Page

https://www.elcomblus.com/mga-modelo-ng-komunikasyon/
Page 11

You might also like