You are on page 1of 1

Empong. Emsaida W.

GE ELECT-1

Magandang hapon po sa aking mga tagapakinig sa aking guro at sa aking mga kamag-aral.
Ako po si emsaida welsi empong at narito po ako sa inyong harapan upang magbigay ng isang
talumpati!
Talumpati tungkol sa uri ng komunikasyon
Ano nga ba ang komunikasyon? Para sayo? Para sa akin at para sa ating lahat.
Komunikasyon, ang komunikasyon ay ang proseso ng pagbibigay at pagtanggap ng mensahe.
Tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang nagsasalita at isang nakikinig. Dahil sa
komunikasyon nagpapalipat-lipat sa mga indibidwal ang mga impormasyon, kaalaman,
kaisipan, ekspresyon at damdamin. Nagbubunga ang ganitong pagpapalitan ng pagkaunawa
at kaunlaran ng isang lipunan.
Ang komunikasyon ay maaaring isagawa sa dalawang uri ito ay ang berbal at di berabal na
komunikasyon.
Ngayon dumako naman tayo sa dalawang uri ng komunikasyon. Ang dalawang uri ng
komunikasyon ay berbal at di berbal na komunikasyon. Ano nga ba ang pagkakaiba ng berbal
at di-berbal na komunikasyon.
Ang berbal na komunikasyon ay sumasailalim sa estraktura ng wika. Ito ay maaring pasulat
kung ikaw ay nagbabasa at pasalita kung naririnig o binibigkas. Halimbawa nito ay mga liham,
diyaryo, debate at patalastas. Halimbawa rin ng isang berbal na komunikasyon ay ang
talumpati na syang ginagawa ko ngayon.
Sa komunikasyong berbal, ginagamit natin ang wika na syang nagsisilbing daan para
mailabas ng isang indibidwal ang kanilang mga saloobin at nararamdaman tungkol sa mga
bagay bagay. Tinutulangan tayo ng wika para masanay at matuto sa mga bagay bagay.
Samantala ang di berbal na komunikasyon naman ay isang pangkaraniwang paraan ng
pakikipagkomunikasyon. Hindi ito ginagamitan ng wika. Ito ang komunikasyon na
nagpapahayag ng damdamin o saloobin sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha,
simbolo at iba pa. Sa di-berbal na komunikasyon kilos at galaw ang ginagamit upang
mapabatid ang isang pahayag. Halimbawa na lang nito ay ang pagtango, pagtaas ng kilay, pag
ikot ng mga mata, paghikab at pagtaas ng kamay.
Anot ano pa man, ano mang uri ng komunikasyon ang iyong gagamitin mahalaga na
maiparating mo ng malinaw at malinis ang mensahe ng sa gayon ay maunawaan ng mabuti ng
tumatanggap ang iyong nais iparating. Mahalaga na maipahayag ng maayos ang iyong
mensahe ng sagayon hindi malilito ang kausap mo o sa gusto mong iparating at pag hindi
malinaw ang iyong mensage maaring magkaroon ng hidwaan o hindi pagkakaintindihan. Kaya
lagi nating tatandaan na satuwing tayo ay nakikipagusap sa isang tao dapat maiparating ng
maayos ang mensahe ng sagayon maganda rin ang magiging resulta ng feedback na galing sa
naiparatingan ng mensahe.

Hanggang dito nalang po maraming salamat!!

You might also like