Professional Documents
Culture Documents
II. Ang modyul na ito ay nakalaan para sa mga mag- aaral ng Navotas Polytechnic College,
A.Y. 2020
IV. Kahalagahan o Pananaw: Ang modyul na ito ay ginawa upang lubusang matutuhan mo ang
tunay na kahulugan ng komunikasyon, ang mga kabutihan naidudulot nito sa iyo at sa iba
gayundin sa mundong ginagalawan mo.
Ang salitang komunikasyon ay nagmula sa salitang Latin na communi atus na ang ibig
sabihin ay “ibinahagi”. Kung iuugnay natin ang kahulugan nito sa terminong komunikasyon,
mangangahulugan ito na ibinabahagi ng isang tao ang kanyang idea o mga impormasyong
alam niya sa iba.
Sa aklat na Speech Communication ni Saundra Hybels tinalakay din ang ibang kahulugan
ng komunikasyon na may kaugnay sa larawan sa unahan.
1. Ang komunikasyon ay transmisyon ng signal na nanggagaling sa isang tao patungo sa
iba.
Hal. May nakita kang bagong kamag- aral at nagsabi sa iyo na,
“Hi, ako si Marie. Ikaw, ano ang iyong pangalan?”
“ako si Annie ”.
Sa pagsagot sa tanong na ito ay masasabi nating nagkakaroon ng komunikasyon
dahil sa ibinabahagi ni Annie ang kanyang pangalan kay Marie.
2. Ang komunikasyon ay nasasangkot ng tuwirang paggamit ng simbolo patungo sa
isang layunin o hangarin.
Ang komunikasyong pantao ay maaaring hatiin sa dalawang uri. Ito ay berbal at di-berbal na
komunikasyon.
1. Berbal – ito ay nagaganap sa pamagitan ng wika. Tulad ng napag- aralan mo na ang wika ay
tumutukoy sa partikular na komunikasyong ginagamit, isang arbitraryo, napagkasunduang
simbolo na naghahatid ng mensahe sa isang tao patungo sa iba. Samakatwid, maaari itong
pasalita o pasulat.
Maaari ring gamitin ang mga sensora bilang tsanel ng di-berbal na komunikasyon tulad ng pang-
amoy, panlasa, paningin, pandinig, paghawak.
Sa aklat na “Louder Than Words: non Verbal Communication ni Alton Barbour, binanggit niya na
7% ng komunikasyon ay nakabase sa salita; 38% sa lakas, taas-baba, tono ng boses/ tinig at 55% ay base
sa ekspresyon ng mukha at sa mga non-verbal na komunikasyon.
Samantalang ang pag- aaral ni Paul Ekman (1960) tungkol sa ekspresyon ng mukha ay
nagpapakita ng galit, lungkot, saya, panghihinayang, takot, sorpresa atbp.
Sinabi naman ni Edwad t. Hall (1959), isang antropologo na sa isang normal na pag-uusap, 65%
ng mensahe ng komunikasyong nagaganap ay naililipat sa pamamagitan ng di- berbal na komunikasyon.
7. Iconics – (simbolo)- Sa ating paligid ay marami kang makikitang simbolo o icons na may malinaw
na mensahe.
Halimbawa:
A. sa pintuan ng mga palikuran anong simbolo ang nagpapahiwatig na ito ay
Pambabae o Panlalaki
B. bawal manigarilyo
C. sa mga lansangan ito ang mga simbolong makikita
No Uturn pedestrian lane
8. Kulay – ang kulay ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin
Hal. Sa mga interseksyon ng daan- ano ang ibig sabihin ng ilaw na dilaw, berde at pula
9. Paralanguage – ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita, nakapaloob din dito ang
pagbibigay diin sa mga salita, bilis ng pagbigkas, paghinto sa loob ng pangungusap, lakas ng
boses at taginting ng tinig.
Hal. Sumisigaw, naiinis, tumatawa
Gawaing Pag-unawa
Ngayon sagutin mo ang pagsasanay na ito. Tingnan natin kung marunong ka nang kumilala ng
mga body language.
Ano ang kahulugan ng mga sumusunod na body language? Hanapin ang pinakmalapit na
kahulugan. Isulat sa patlang ang letra ng sagot bago ang bawat bilang.
Hanapin sa kolum B ang sagot.
A B
_____ 1. Pagbibigay ng high five a. Galit
_____ 2. Paglalakd ng padabog b. Naghahanap ng away/ pagiging agresibo
_____ 3. Pagkindat c. Pagsuko, surrender
_____ 4. Pagtatakip ng ilong d. Napuwing, bagong gising
_____ 5. Pagtulog habang nagsasalita e. Pag- akit/ pang- akit
_____ 6. Paghalukipkip f. Mabaho ang naaamoy
_____ 7. Pagtatakip ng mukha g. Kapaguran
_____ 8. Pag- amba sa kausap h. Pagkatuwa
_____ 9. Pagtaas ng dalawang kamay i. Pagkahiya o nahihiya
_____ 10. Pagkusot ng mata j. Pag di sang-ayon
Feedback:
kapag naiwasto mo na ang pagsasanay. Malalaman mo ngayon kung lubusan kang natuto sa
aralin o uulitin mong aralin ang aralin.
MGA PRINSIPYO
1. Ang komunikasyon ay isang proseso
Isang proseso ng komunikasyon na kinapapalooban ng marami pang proseso. Hindi
lamang ito kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Ang pagpapadala ng
mensahe ay tinatawag na encoding at ang pagpapadala ay tinatawag na decoding. Masasabi din
natin na ang proseso ng komunikasyon ay hindi maaaring one way lamang. Ito’y prosesong
closed circuit.
2. Ang komunikasyon ay dinamiko
Tulad ng tao ang kumunikasyon ay tumatanda din. Ulitin man nating muli ang mga
salitang una nating pinag-aralan, ito’y nag-iiba dahil nag-iiba din ang panahon. Dapat tandaan
natin na ano man komunikasyon, ito ay naiimpluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at
mga taong sangkot sa proseso. Kaya ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil sa
impluwensya ng mga pagbabagong ito.
GAWAIN PANG-UNAWA
Ngayon naman ay magsasanay tayo tungkol sa aralin natutunan ninyo.
Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Kung wasto ang pahayag isulat ang TAMA,
kung ang diwa ay mali, isulat ang tamang katawagan dapat humalili sa salitang may salungguhit upang
maging tama ang pahayag.
May mga katanungan pa ba, kung wala na ay tutuloy na tayo sa ating panghuling pagsusulit.
ng sa ng ng o na ang
II. Paano mo napagtatagumpayan ang iyong pakikipagtalo sa iyong sarili. Iguhit ito at
ipaliwanag.
III. Gumawa ka ng sariling video na magpapakita ng pantominang gumagamit ng iba’t ibang di-
berbal na komunikasyon. Gumawa ka ng kwento tungkol dito.
Mga Sanggunian:
Acopra, J., Soriano, MAL., Ruiz M.J. et al (2018). Kontekstwalisadong Filipino sa Malayuning
komunikasyon. Mindshaper Co. Inc. Intramuros, Manila.
Austero, C., Mateo, E., Suguran, T. et al (2014). Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Rajah Publishing
House. Sta. Mesa, Manila
Bernales, R., Cordero, ME., Cabanlong, A., et al (2018) Malayuning Komunikasyon. Mutya Publishing
House, Potrero, Malabon City.
Bernales, R., Bernardino, E., Cantillon, A., et al (2014) Wika at komunikasyon sa Nagbabagong Panahon,
Mutya Publishing House., Potrero, Malabon City
Bernales, R., Angeles, C., Balanza, M.A., et al (2013) Akademikong Filipino para sa Kompetetibong
Pilipino. Mutya Publishing House Inc., Malabon City
Mangahis, Jc., Nuncio, R., Jaoillo, C. (2008) C&E Publsihing Inc., Quezon City
Talaan ng Kasagutan: Modyul 2 – Konsepto ng Komunikasyon
Paunang Pagsubok
1. D 2. A 3. C 4. B 5. C
1. H 2. A 3. E 4. F 5. G
6.J 7. I 8. B 9. C 10. D
1. Intrapersonal 6. Dalawa
2. Tama 7. Tama
3. Tama 8. Tama
4. Tama 9. Sosyedad
5. Mensahe 10. Nageencode
Pagkakabuo 30%
Presentasyon 10%
Kabuuan 100%
BInabati kita. Sana ay lubusan kang natuto sa ating mga aralin sa Modyul 2.