You are on page 1of 9

MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO

I. Pangkalahatang Ideya (Overview)

Umunlad ang mundo bunga ng pakikipagkomunikasyon ng tao sa kanyang kapwa.


Sapagkat walang taong nabubuhay nang mag-isa, lagi’t lagi siyang naghahanap ng
pangangailangang makisalamuha sa iba.

Araw-araw nagaganap ang komunikasyon sa tao, pasalita man o pasulat. Ang mga
bagay, bagama’t hindi nakapagsasalita ay may sinasabing kahulugan na maaaring iba-iba
sa nagbibigay interpretasyon sa bagay na iyon. Tuwa ang hatid na kahulugan ng
pagbibigay ng bulaklak sa taong umiibig. Dalamhati naman sa taong nawalan ng mahal
sa buhay.

II. Nilalayon ng mga Resulta ng Pagkatuto (Intended Learning Objectives)


A. Nailalarawan ang mga iba’t ibang panahon na may kaugnayan sa mga iba’t ibang
gawing pangkomunikasyon;
B. Nabibigyang halaga sa sariling paraan ng mga Pilipino ang mga iba’t-ibang gawing
pangkomunikasyon,
C. Nakagagawa nang makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na
akma sa iba’t ibang konteksto.

III. Paunang Gawain (Topic Opener)


1. Ano-ano ang madalas nap ag-usapan ninyo ng iyong kaibigan? Kamag-aral?
Pamilya? Guro?
___________________________________________________________
2. Gaano kadalas nagaganap ang hindi pagkakaintindihan ng iyong mga kausap?
___________________________________________________________
MEME

 Ang Terminolohiyang ito ay sinimulang kinilala sa libro ng biologist na si


Richard Dawkins na The Selfish Gene noong 1976.
 Hango sa salitang MIMEME na ang ibig sabihin ay MIMICRY.
 Tinukoy ito bilang yunit ng impormasyon na may kinalaman sa kultural na
ebolusyon ng tao.

Ayon kay Dawkins, 1976; sa Alegado, et al., 2018, ang parte ng pag-aaral na ito ay
mas madaling natutukoy ang impluwensya ng isang tao sa isa pang katauhan sa
pamamagitan ng isa pang tagakopya o “idea replicator” na mas kilala bilang
“Meme”.

Sa isinagawang pag-aaral nina Ponayo, et al., (2018) tungkol sa impluwensya ng


Meme sa mga mag-aaral , lumabas na maaaring ikonsidera ng mga mag-aaral ang
Meme bilang paraan ng pagpapahayag ng kanilang mga ideya sa online world.

Halimbawa ng Meme:

A. Tsismisan
- Noong ika-12 na siglo, ang salitang GOSSIP O TSISMIS ay hango sa
sinaunang Ingles na kung saan ang pinagmulan ng salitang ito ay
god sibs.
- god-sibbs- tumutukoy sa mga ninong o ninang na pinag-uusapan
ang mga nangyari sa binyag o kahit anong okasyon ng kamag-
anak. (Berkos , 2003)
- Pagkalipas ng ikaapat na siglo, ang terminong ito ay nagkaroon ng
panibagong kahulugan na tinawag na idle chat o pagkukuwento
dahil walang magawa.
Noong Panahon Ng Kastila
Ang tsismis ay may mabuting naidudulot sa mga tao. Sa pamamagitan ng
pagkakalat ng mga nasagap na impormasyon sa iba’t ibang tao upang mahuli ang
magnanakaw sa ispesipikong bayan. Ito ay hango sa salitang Kastila na CHISME ang
salitang tsismis. (Castronuevo at Regala , 2015)

NAHAHATI SA DALAWANG PANANAW ANG TSISMIS

POSITIBO -naging daan ang tsismis sa


pagkakaroon ng kaibigan at
nakapagbibigay-aliw.

NEGATIBO - sapagkat tsismis ay isang


masamang libangan na naglalaman
ng buhay ng tao.

B. Umpukan
Ayon sa pinoydictionary.com, ang umpukan ay maliit na grupo ng tao. Sa
komunikasyon, ang umpukan ay nakagawiang paraan ng pakikipagkuwentuhan
na binubuo ng maliit na pangkat.
Ayon kay De Vera (nasa Pe-Pua, 1989), ang pakikipagkuwentuhan ay
waring mahusay na paraan ng pagkuha ng datos tungkol sa mga bagay na
mahirap aminin ng tao sapagkat sa pakikipagkuwentuhan, malaya ang isa na
magpahayag ng anumang opinyon o karanasan.
Komunikasyon

- mula sa salitang LATIN na COMMUNICARE na ang ibig sabihin ay magbahagi


o magbigay
- pagpapalitan ng ideya o opinion, paghatid at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng telepono, telegram, kompyuter, radio, telebisyon at iba pa.

DALE (1969)
“Ito ay pagbabahagi ng ideya at damdamin sa estado ng pagkaunawaan”.

BERELSON AT STEINER (1964)


“Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali o damdamin at kasanayan sa
paggamit ng simbolo”.

THEODORSON (1969)
“Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali o damdamin mula sa isang tao o
pangkat ng mga tao patungo sa kanyang kapwa, karaniwang isinasagawa sa
pamamagitan ng mga simbolo”.

Berbal at Di- Berbal na Komunikasyon


1. Berbal na Komunikasyon - uri ng Komunikasyon na ginagamitan ng wika. Maaaring
nasa anyong pasalita o pasulat.
2. Di- Berbal na Komunikasyon - uri ng Komunikasyon na hindi gumagamit ng wika.
Kabilang sa komunikasyong ito ang kilos, amoy, kulay at iba pa na nagbibigay ng
kahulugan.

DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON
a. Chronemics - Ito ay paggamit ng oras bilang mensahe sa
komunikasyon.
b. Proxemics - Ito ay paggamit ng distansya o espasyo sa
sarili sa ibang tao.

c. Kinesics - Ito ay tinatawag ding body language. Ito ay


komunikasyong gumagamit ng katawan
bilang mensahe.

d. Haptics - Ito ay tumutukoy sa paggamit ng sense of


touch kapag nagpapahatid ng mensahe.

e. Iconics - Ito ay paggamit ng simbolo bilang mensahe


sa pagpapahayag ng komunikasyon.
f. Colorics - Ito ay komunikayong ginagamitan ng kulay
sa pagpapahayag ng mensahe.

g. Paralanguage - Ito ay komunikasyong batay sa paraan ng


pagbigkas ng pahayag.

h. Oculesics - Tumutukoy ito sa paggamit ng mata sa


pagpapahayag ng mensahe, may kahulugan
ang panliliit ng mata, panlalaki at pagkindat.

i. Olfactorics - Komunikasyong gumagamit ng pang-amoy


sa paparating na mensahe.

j. Pictics - Ito ay ekspresyon ng mukha sa


pagpapahayag ng mensahe.
k. Vocalics - Paggamit ng tunog sa pagpapahayag ng
mensahe.

Mga Ekspresyong Lokal

Ayon kina Garcia, et al. (2012), ang mga wikang pasenyas, wikang paaksyon at
wikang ginagamitan ng bagay ay mga uri rin ng di-berbal na komunikasyon na maaaring ituring
bilang ekspresyong lokal.

Ang ekspresyong lokal ay nakagawiang pakikipag-ugnayan ng tao sa kapwa na


likas lamang sa isang partikular na lugar. Gaya ng wikang pasalita na bagama’t pareho sa baybay
ay nag-iiba-iba rin ito ng kahulugan batay sa kultural na konteksto nito.

Ilan pa sa mga gawing pangkomunikasyon ay pakikipagkuwentuhan, pagtatanong-


tanong, pagbabahay-bahay at pulong-bayan. Lahat ng gawing pangkomunikasyon ay maaaring
pamamaraan sa pananaliksik o pangangalap ng datos.

Sapagkat ang henerasyon sa kasalukuyan ay pinalilibutan ng teknolohiya , halos lahat ng


tao ay nagmamay-ari ng iba’t ibang social media account. Hindi kataka-taka na ang ekspresyong
ginagamit sa pagsasalita ay nagmumula sa social media.

Lodi Kyah pembaryah

Petmalu OTW

Werpa Qiqil

Paqod c acoe Orbs


IV. Pagsusuri (Self- Check Test)
Sa iyong palagay , bakit may mga pagkakataong hindi naiintindihan ng
tagatanggap ng mensahe ang ipinapadala ng tagapaghatid?
_________________________________________________________

V. Pagtiyak sa Kaalaman (Evaluation)

Gawain Blg. 1. Ilarawan ang mga sumusunod

1. Tsismis

2. Umpukan

3. Di-Berbal

4. Ekspresyong Lokal
5. Meme

Gawain Blg. 2. Sa inyong facebook account, maghanap ng tatlong (3) meme at i-edit
ito upang makabuo ng makabuluhang mensahe tungkol sa pagpapanatili ng Filipino sa Kolehiyo.

A.

B.
C.

Gawain Blg. 3. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan at pangatuwiranan. Ilagay


ang sagot sa kasunod na patlang.

1. Ano ang kahalagahan at gamit ng meme?


___________________________________________________________________

2. Paano mo pinahahalagahan ang Filipino gamit ang mga gawing pangkomunikasyon gaya
ng tsismisan at umpukan?
___________________________________________________________________

3. Ang pag-usapan ba ang buhay ni Rizal ay maituturing na tsismis? Pangatwiranan.


___________________________________________________________________

4. Paano nakatutulong ang di-berbal na komunkasyon sa pagpapahayagng ideya o


impormasyon?
___________________________________________________________________

5. Sa paanong paraan makikilala ang mga lokal na ekspresyon bilang pagkakakilanlan ng


mga Pilipino?
___________________________________________________________________

You might also like