You are on page 1of 8

Kabanata 2: MGA GAWING Louis Allen (1958)

PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO


- Ang KOMUNIKASYON ay kabuuang
PANIMULA
ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng
ESENSYAL ang kakayahan sa mahusay na unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng
komunikasyon para sa lahat ng tao. Mahalaga ito sa patuloy na pakikipag-usap, pakikinig at pag-
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. unawa.
Mahalaga ito maging sa mga ordinaryong
mamamayan at higit itong mahalaga sa mga Keith Davis (1967)
propesyunal sa pagganap sa kanilang trabaho. Dahil
- Ang komunikasyon ay isang proseso ng
sa halagang ito ng komunikasyon, kinakailangang
pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula
maging mahusay ang bawat isa sa lahat ng
sa isang tao patungo sa kanyang kapwa.
pagkakataong siya’y nasasangkot sa mga
komunikatibong sitwasyon (Bernales, et al., 2016).
Newman at Summer (1977)
A. BALIK-ARAL: KAHULUGAN AT - Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON impormasyon, ideya, opinyon, o maging

1. Kahulugan ng KOMUNIKASYON opinyon ng mga kalahok sa proseso.

Panimula
Birvenu (1987)
Komunikasyon – isang gawaing kinakaharap araw- - Ang komunikasyon ay isang proseso ng
araw ng bawat isa magmula sa pagsilang hanggang pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman,
sa pananatili sa mundo, nagaganap ang paniniwala at ideya sa pagitan ng mga
pakikipagkomunikasyon nabubuhay na nilalang.

ETIMOLOHIYA NG SALITA
Keyton (2011)
Komunikasyon – komunikasyon ay hango sa - Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan
salitang Latin na “communis”, ang salitang sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito.
“komunikasyon” naman ay hango sa Kastila, at
naging panumbas sa Tagalog ang katawagang 2. MGA DAHILAN NG
pakikipagtalastasan. Ang communis ay PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO
nangangahulugang panlahat o para sa lahat.
(Adler, et al., 2010: mula kay Bernales, et al.,
Ayon sa aklat nina Bernales, et al (2016)., narito ang 2019)
ilang pagpapakahulugan sa komunikasyon batay sa
mga sumusunod na eksperto:
a. Pangangailangan upang makilala ang sarili 5. Nalilinang ang kakayahang makipag-
uganayan at makipagpalitan ng
- komunikasyon – malaking tulong upang
impormasyon sa ibang tao.
mahubog ang pagkatao
6. Isa itong paraan upang mas maunawaan at
b. Pangangailangang makisalamuha o maintindihan natin ang pananaw at opinyon
makihalubilo ng ibang tao.

- daan ang komunikasyon upang ganap na 7. Upang maipahayag, maihatid at maibigay

makilala ang sarili ng isang tao, nagsisilbi rin itong ang impormasyon sa mabisang paraan.

daluyan upang matagpuan nito ang mga bagay na


may kaugnayan sa kanyang buhay sa hinaharap. B. MGA ANYO, ELEMENTO, AT ANTAS NG

c. Pangangailangang praktikal KOMUNIKASYON

- maaaring hindi magawa o maisakatuparan Panimula

ang iba’t ibang bagay kung walang komunikasyon Sa anumang pagkakataon na pag-aaralan ang
gaya lamang ng simpleng paghahanap sa isang lugar komunikasyon, mahalagang banggitin ang mga
na hindi mo pa napundtahan at iba pa. kaugnay na paksa dito gaya ng tipo, elemento at

3. KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON antas nito. Pahapyaw lamang ang pagtalakay sa mga


ito para sa layuning pagbabalik-aral at pag-uugnay
1. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na
sa mga sumusunod na paksa.
pakikipag-usap at pakikisalamuha sa
kapwa, mas lalo tayong nagkakaroon ng 1. Anyo ng Komunikasyon

pagkakaintindihan at pagkakaunawaan. A. Pormal at impormal na komunikasyon.


2. Ito ang ginagamit ng tao upang matalakay Ang pormalidad at impormalidad ng
ang mga bagay na mayroong kinalaman sa komunikasyon ay maaaring tayain batay sa
mga suliraning panlipunan at maipaabot sa ekspektasyon sa magaganap na proseso at sa kung
kinauukulan upang matugunan ang mga sino-sino at paano maisasagawa ang prosesong ito.
pangunahing pangangailangan ng
mamamayan. Mga salik na dapat isaalang-alang;
3. Ito ang paraan natin upang makipag-
ugnayan sa ibang tao, para tayo ay 1. Uri ng wikang gagamitin (pormal- pino,
magkaunawaan at magkaintindihan. matalino at ayon sa rehistro ang wika ng mga
4. Sa pamamagitan ng komunikasyon partisipant)
natutugunan at nagagampanan ang mga - Direkta o di-maligoy na at seryosong tono
pang-araw-araw na gawain sa buhay. na pagpapahayag. (pormal at impormal)
2. Balangkas ng komunikasyon d. Reciever (Tagatanggap).
- Tumutukoy ang balangkas sa e. Sagabal
pagkakasunuod-sunod ng mga segment ng
1) Semantikong sagabal – ito ay mga salita
komunikasyon.
na may dalawa o higit pang kahulugan

Pormal – depinido o tiyak ang balangkas 2) Pisyoslohikal na sagabal – matatagpuan


Impormal – may laya mismo sa katawan ng nagpadala o tagatanggap ng
mensahe, halimbawa kapansanan sa paningin o
B. Berbal at ‘di-berbal na komunikasyon pagsasalita.

3) Pisikal na sagabal – kapaligiran


Berbal – Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang (halimbawa: ingay, init)
impormasyon aynaibabahagi o naihahatid sa
4) Teknolohikal na sagabal – mga ginagamit
pamamagitan ng mgasalita. Maaaring pasulat o
sa pakikipagkomunikasyon – koneksyon (internet)
pasalita. (sa mga rally – mga nakasulat sa banner)
5) Sikolohikal na sagabal – pagkakaiba -iba
Di-berbal – Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ng mga kinalakhang paligid at nakagawiang kultura.
ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa
f. Tugon
pamamagitan ng kilos o galaw gaya ng senyas, ng
pagtaas ng kamao, pagkakapit-bisig at iba pa. g. Epekto

h. Konteksto - ito ang sitwasyon kung saan nabuo


2. Elemento ng Komunikasyon
ang proseso ng komunikasyon. Kasama dito ang
mga emosyonal, sosyal, mga kadahilanan na
Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso
nararapat, atbp.
ng komunikasyon;
a. Sender (Nagpapadala) 3. Antas ng Komunikasyon

b. Mensahe A. Intrapersonal – isang self-meditation na


anyo ng komunikasyon na kinakausap ng
2 URI NG MENSAHE tao ang kanyang sarili sa pagnanais na higit
1) mensaheng pangnilalaman na maging produktibong indibidwal.
2) mensaheng relasyunal o di-berbal B. Interpersonal – ito ang ugnayang
komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao
c. Daluyan / Tsannel - isikal na daluyan kung saan na umaasa sa mensaheng inihatid at tugon
ipinapadala ang mensahe mula sa nagpadala sa sa kausap.
tumanggap.
C. Pampubliko - sa komunikasyong ito ng konteksto ng komunikasyon upang maiwasang
nagaganap ang linyar na komunikasyon na masaktan ang damdamin ng kausap at mapanatili
ibig sabihin, natatapos ang komunikasyon ang relasyon sa kapwa.
kapag naiparating na ng nagpapadala ng
mensahe sa kanyang tagapakinig. Dalawa o
D. KOMUNIKASYONG PILIPINO
higit pang katao ang kasangkot. (seminar,
Panimula
conference at miting de avance)
Kailan nga ba maituturing na oo ang Oo at
D. Pangmadla- magkatulad ito sa pampubliko
hindi ang Hindi kapag ang Pilipino ang nagsasabi
ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa
nito?
paghahatid ng impormasyon dahil sa
komunikasyong ito, ginagamitan ito ng Mga Salitang May Kaugnayan sa “Pahiwatig”
elektroniko tulad ng cellphone, telebisyon at Bilang Pangkagawiang Kultura ng mga Pilipino
radio. 1. Pahaging – isang mensaheng sinasadyang sumala
o magmintis, kumbaga parang isang balang dumaan
C. ANG KULTURA AT KOMUNIKASYON ng palihis sa tainga at umalingawngaw sa hangin.

KULTURA – tumutukoy sa sining, batas, moral, 2. Padaplis – isang mensaheng lihis dahil sadyang
mga kaugalian at iba pang masalimuot na kabuuang nilalayon lamang na makanti o masanggi nang
binubuo ng karunungan, mga paniniwala, sining, bahagya ang kinauukulan, gaya ng isang palaso na
batas, moral mga kaugalian at iba pang mga sumagi at nag-iwan lamang ng kaunting galos.
kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang 3. Parinig – isang malawak na instrumentong berbal
miyembro ng lipunan. para sa pagpapabatid ng niloloob ng nagsasalita na
Dalawang Kategorya ng Kultura Batay sa nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino
Pagpapadala ng Mensahe (Edward Hall, 1959) mang nakikinig sa paligid.

1. Low-context culture – ginagamit ng direkta ang 4. Pasaring – tumutukoy ito sa mga berbal na ‘di
wika upang ihayag ang ideya, nararamdaman, tuwirang pahayag ng puna, paratang at iba pang
saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang mensaheng nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga
sa ganitong kultura. nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.

2. High-context-culture – ang pagpapakahulugan sa 5. Paramdam – isang mensaheng pinaabot ng tao o


mga salita ay hindi lamang nakabatay sa salitang sinasabing gumagalang espiritu, sa pamamagitan ng
ginagamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin manipestasyon na nahihinuha sa pakiramdam
ang papel ng mga di-berbal na palatandaan (clues), 6. Papansin – tumutukoy ito sa mga mensaheng
pamantayan, kasaysayan ng relasyon, /ugnayan at humihingi ng atensyon, kadalasang ginagawa kapag
pakiramdam ng nagmemensahe ay kulang siya sa a. Pagtatampo (tampo) – ito ay damdaming dala ng
sapat na pansin. pagkabigo sa isang bagay na inaasahan sa isang
malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-
7. Paandaran – isang mekanismo ng
anak, kasintahan o kaibigan.
pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at umiikot
sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang b. Pagmumukmok (mukmok) – ito ay
tahasan at paulit-ulit na binabanggit sa sandaling komunikasyong naipaparating sa pamamagitan ng
may pagkakataon. pagsaswalng-kibo. Ito ay bunga ng pagpagkasuya,
at pagdaramdam. Palatandaan nito ang pagsasantabi
ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan.
E. ‘DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONG
c. Pagmamaktol (maktol) – akto ng pagpapahayag
PILIPINO
na ang layunin ay ipakita ang pagrereklamo,
Panimula paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang

Bukod sa komunikasyong berbal, ang mga bagay na labag sa kalooban. Ito ay kakikitaan ng

Pilipino ay may iba’t ibang paraan din ng pag-ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong na

pagpapahayag ng damdamin gamit ang kadalasang sinasadyang ipakita sa taong

komunikasyong di-berbal tulad ng ibang lahi: (ang pinatatamaan ng mensahe.

pagbibigay-halimbawa dito ay ayon sa d. Pagdadabog (dabog) - ito ay ‘di-berbal na


naoobserbahang gawi ng mga Pilipino) komunikasyon na likas sa kulturang Pilipino na ang

1. kinesika (movement) pinakamalaking element ay paglikha ng ingay gaya

2. proksemika (espasyo) ng pagpadyak ng paa, pagbalibag ng pinto,

3. paralanguage/vocalics (ungol) pagbagsak ng mga bagay at iba pang ingay na

4. chronemics (oras) intensyonal na ginagawa ng taong nagdadabog.

5. haptics (sense of touch)


6. pictics (facial expression)
F. GAWING PANGKOMUNIKASYON NG
7. olfactics (amoy/smell)
MGA PILIPINO
8. colorics (kulay)
9. iconics (signs/symbols) 1. TSISMISAN
10. oculesics (eye movement)
- batay sa etimolohiya nito, galing sa
Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon salitang kastila na “chismes” na tumutukoy sa
ng mga Pilipino ay naipapakita gamit ang kilos o kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang
galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod: tao na ang impormasyon ay maaaring totoo o
madalas ay hindi.
- Ayon kay Dr. Frank McAndrew (2008) ng 3. TALAKAYAN
Know College, nilinaw niya na ang tsismis ay - tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro
hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin. ng mga kalahok sa nasabing usapan na binubuo ng
Katunayan, binanggit niyang hindi talaga tatlo o higit pang katao.
maiiwasan ang ganitong gawain sapagkat batay sa
- kalimitang tinatalakay ang mgaproblema
mga pag-aaral, ito ay likas at normal na bahagi ng
na layuning bigyan-solusyon o kaya ay mga
buhay ng tao.
patakarang nais ipatupad.
2. UMPUKAN
Mga Halimbawa ng Pormal na Talakayan
- isang gawaing pangkomunikasyon na
a. PANEL DISCUSSION
kinabibilangan ng dalawa o higit pang
kalahok kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan - isang pormal na ginagamit sa isang
ng impormasyon. pulong, o kumbersasyon.

- nagaganap sa umpukan ang kumustahan - maaari itong birtwal o personal na


ng mga Pilipino ukol sa mga buhay-buhay magmula talakayan tungkol sa isang paksang pinagkasunduan
sa usapin ng kani-kanilang pamilya, trabaho, b. SIMPOSYUM
kaibigan, kalusugan, pangyayari sa barangay o
- isang uri ng pormal na akademikong
bayan, usaping politika, hanggang sa pagpaplano ng
pagtitipon kung saan ang mga kalahok ay pawang
mga bagay-bagay.
eksperto sa kani-kanilang larangan.
Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang
c. LECTURE-FORUM
SALAMYAAN sa Lungsod ng Marikina
- isang anyo ng forum na isinasagawa upang
Ayon sa pag-aaral ni Prop. Jayson Petras
magbigay ng lecture sa isang espisipikong paksa.
(2010), ipinaliwanag nito ang kasaysayan ng
salamyaan bilang bahagi ng kalinangang 4. PAGBABAHAY-BAHAY
Marikenyo at ipinaliwanag ang bisa nito bilang
- Kalimitan itong ginagawa sa mga
talastasang bayan.
sitwasyong nangangailangan ng impormasyon ang
isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan
Ayon sa pag-aaral ni Petras (2010), ang
o sitwasyon ng komunidad gamit ang pagtatanong-
salamyaan ay isang silungan kung saan ang mga
tanong bilang metodo.
Marikeny, partikular na ang mga matatanda ay
magkakasamang nagkukwentuhan, nagsasalo-salo 5. PULONG-BAYAN
at namamahinga.
- isinasagawa ng publiko at mga
kinauukulan.
- SA KULTURANG Pilipino, ang pulong- Mga halimbawa:
bayan ay isang pangkomunikasyong Pilipino na
Susmaryosep! Ano ba ‘yan! Manigas ka!
isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga
kinauukulan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Ina ko po! Bahala na. Hay naku!
komunidad. a. Mga paliwanag sa mga ekspresyong lokal
- ito ay isang pagtitipon ng isang grupo ng batay sa kontekstong Pilipino (San Juan, et al.,
mga mamamayan sa itinakdang oras at lunan upang 2019)
pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung “Susmaryosep!” – (pinaikling Hesus, Maria at
maaari ang mga isyu, problema, kabahalaan, Hosep)
programa at iba pang usaping pangpamayan na
- Ang ekspresyong ito ay malimit na marinig sa
madalas isinasagawa kapag may mga programang
mga nakatatanda (lola, nanay, tiyahin) na
nais isakatuparan o problemang nais lutasin (San
kanilang nasasambit kapag sila ay nagulat o
Juan, et al., 2019.)
nag-aalala.
6. MGA EKSPRESYONG LOKAL - Sa kasaysayan, may kaugnayan ito sa
Ayon sa paglalarawang ginawa nina San Katolisismong dala ng mga Espanyol sa
Juan, et al. (2018) - ang mga ekspresyong lokal ay Pilipinas
mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino - Sa pamamagitan ng ekspresyong ito, malalaman
dahil sa bugso ng damdamin gaya ng galit, na ang mga Pilipino ay humihingi ng tulong sa
yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot, Diyos (Hesus) gayundin sa Kanyang mga
dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng magulang (Maria at Hosep)
pagbati, pagpapasalamat o pagpapalam sa iba’t
“Bahala na” (mula sa Bathala na)
ibang lugar ng Pilipinas.
- Nagpapahiwatig ng katapangan sa panig ng
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at
nagsasalita
ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa
- May pagka-negatibo ngunti mararamdaman ang
lohika at iba pang uri ng pilosopiya.
positibong kung susuriin ang lalim nito dahil
Ito ay mga parirala o pangungusap na hindi ito sasabihin ng isang Pilipino kung wala
ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng itong paano o kahandaan
damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay - Sa ekpresyong ito, mararamdaman din na
hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at ipinapaubaya sa Diyos kung anuman ang
hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi magiging resulta ng pangyayari
bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang nagbibigay ng - Nangangahulugan din ito ng pagtanggap sa
kaibahan sa ibang wika. limitasyon ng tao sa bawat bagay at
binubuksan ang ideyang sa buhay ang Diyos wika. Ang mga ekpresyong Diyos ko day at Juice
lang ang tunay nakakaalam ko Lord na mula sa D’yos ko po! ay ilan sa mga
patunay nito.
b. Ilang ekspresyong lokal mula sa ibang wika sa
Pilipinas (San Juan, et al. ,2018) Sa kasalukuyan, karaniwan na ring
maririnig sa mga kabataan lalo na sa mga milenyal
Timog Katagalugan
ang mga ekpresyong gaya ng mga sumusunod:
“Ewan ko!” (Ginagamit kung walang masabing Charot; echos; charing; E di wow!; Ikaw na!; na
tiyak na sagot o umiiwas magsabi ng salitang kung saan bawat isa ay may sariling kahulugan,
maaaring makapanakit) paraan ng pagbigkas, gamit at konteksto sa lipunan

“Tanga!” (depende sa pagkakasabi na maaaring pag- kung saan sila umiiral (San Juan, et al., 2019).

uyam o pagbibiro) c. Mga Naiambag ng Ekspresyong Lokal (local

Kabikulan expression) sa Pag-unlad ng mga Pilipino


sa Larangan ng Pakikipagkomunikasyon
“Diyos mabalos!” (Diyos na ang bahalang
magbabalik sa iyong kabutihang loob) 1) Naging dinamiko ang wikang Filipino.

“Inda ko saimo!” (nagpapahayag ng pagkadismaya) - ang pagbabago ng wika ay isa sa mga


katangian ng wikang buhay. At sa patuloy na
“Alla!” (pagkagulat, pagkamangha)
pagdagdag ng mga salita o pagbibigay ng bagong
Bisaya kahulugan nito, ay lalong lumalago ang wikang
Filipino.
“Ay ambot!” (ewan ko sa ‘yo)
2) Pagyaman ng bokabularyo Filipino.
“Samok ka!” (naguguluhan sa isang tao)
- ang mga nabubuong ekspresyon ay
“Ay tsada!” (pagkalugod sa isang bagay)
nakatutulong sa malawak na pagpipilian ng mga tao
Batanes (pagbati ng mga Ivatan) sa salitang nais nilang magamit sa
pakikipagpahayagan.
“Capian ka pa nu Dios!” (pagpalain ka ng Diyos)
3) Nagaganap ang modernisasyon ng wikang
“Dios mamajes!” (Diyos na ang magbabalik sa ‘yo)
Filipino.
“Dios maapu!” (katumbas ng D’yos ko!)
- sa kasalukuyan, patuloy ang pag-
Ang mga ganitong ekspresyong lokal ng
unlad ng wikang Filipino dahil may mga
mga Pilipino ay hindi nawawala. Katunayan,
bagong sibol na mga ekspresyon na nagmumula
nagkakaroon din ng ebolusyon o pag-unlad ang mga
ito bunga ng pagiging dinamiko at malikhain ng
sa mga milenyal o kabataang Pilipino.

You might also like