You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Don Honorio Ventura State University


Villa de Bacolor, Pampanga

Layunin:
1. Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng komunikasyon;
2. Nalalaman ang iba’t-ibang uri, element at antas ng komunikasyon
3. Naipapakita ang ugnayan ng kultura at komunikasyon
4. Natutukoy ang mga gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino.

Kabanata 2:
MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
PANIMULA
ESENSYAL ang kakayahan sa mahusay na komunikasyon para sa lahat ng tao. Mahalaga ito sa
pang-araw-araw na pamumuhay ng bawat isa. Mahalaga ito maging sa mga ordinaryong
mamamayan at higit itong mahalaga sa mga propesyunal sa pagganap sa kanilang trabaho. Dahil
sa halagang ito ng komunikasyon, kinakailangang maging mahusay ang bawat isa sa lahat ng
pagkakataong siya’y nasasangkot sa mga komunikatibong sitwasyon (Bernales, et al., 2016).

A. BALIK-ARAL: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON


KOMUNIKASYON
Komunikasyon – isang gawaing kinakaharap araw-araw ng bawat isa magmula sa
pagsilang hanggang sa pananatili sa mundo, nagaganap ang pakikipagkomunikasyon
ETIMOLOHIYA NG SALITA
Komunikasyon – komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “communis”, ang salitang
“komunikasyon” naman ay hango sa Kastila, at naging panumbas sa Tagalog ang katawagang
pakikipagtalastasan. Ang communis ay nangangahulugang panlahat o para sa lahat.
Ayon sa aklat nina Bernales, et al (2016)., narito ang ilang pagpapakahulugan sa
komunikasyon batay sa mga sumusunod na eksperto:
Louis Allen (1958)
Ang KOMUNIKASYON ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng
unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy na pakikipag-usap, pakikinig at pag-
unawa.
Keith Davis (1967)
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa
isang tao patungo sa kanyang kapwa.
- Newman at Summer (1977)
Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon, o maging opinyon ng
mga kalahok sa proseso.

Keyton (2011)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KONKOM 103)
Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito
Birvenu (1987)
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman,
paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang.

2. MGA DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO


(Adler, et al., 2010: mula kay Bernales, et al., 2019)
a. Pangangailangan upang makilala ang sarili
- komunikasyon – malaking tulong upang mahubog ang pagkatao
b. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo
- daan ang komunikasyon upang ganap na makilala ang sarili ng isang tao,
nagsisilbi rin itong daluyan upang matagpuan nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kanyang
buhay sa hinaharap.
c. Pangangailangang praktikal
- maaaring hindi magawa o maisakatuparan ang iba’t ibang bagay kung walang
komunikasyon gaya lamang ng simpleng paghahanap sa isang lugar na hindi mo pa napundtahan
at iba pa.

3. KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
1. Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kapwa,
mas lalo tayong nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan.
2. Ito ang ginagamit ng tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa
mga suliraning panlipunan at maipaabot sa kinauukulan upang matugunan ang mga
pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
3. Ito ang paraan natin upang makipag-ugnayan sa ibang tao, para tayo ay magkaunawaan at
magkaintindihan.
4. Sa pamamagitan ng komunikasyon natutugunan at nagagampanan ang mga pang-araw-
araw na gawain sa buhay.
5. Nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan at makipagpalitan ng impormasyon sa
ibang tao.
6. Isa itong paraan upang mas maunawaan at maintindihan natin ang pananaw at opinyon ng
ibang tao.
7. Upang maipahayag, maihatid at maibigay ang impormasyon sa mabisang paraan.

B. MGA ANYO, ELEMENTO, AT ANTAS NG KOMUNIKASYON


Panimula
Sa anumang pagkakataon na pag-aaralan ang komunikasyon, mahalagang banggitin ang mga
kaugnay na paksa dito gaya ng tipo, elemento at antas nito. Pahapyaw lamang ang pagtalakay sa
mga ito para sa layuning pagbabalik-aral at pag-uugnay sa mga sumusunod na paksa.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KONKOM 103)

Ma’am Jane
1. Anyo ng Komunikasyon
A. Pormal at impormal na komunikasyon.
Ang pormalidad at impormalidad ng komunikasyon ay maaaring tayain batay sa
ekspektasyon sa magaganap na proseso at sa kung sino-sino at paano maisasagawa ang
prosesong ito.

Mga salik na dapat isaalang-alang;


1. Uri ng wikang gagamitin (pormal- pino, matalino at ayon sa rehistro ang wika ng mga
partisipant)
- Direkta o di-maligoy na at seryosong tono na pagpapahayag. (pormal at impormal)

2. Balangkas ng komunikasyon
- Tumutukoy ang balangkas sa pagkakasunuod-sunod ng mga segment ng komunikasyon.
Pormal – depinido o tiyak ang balangkas
Impormal – may laya

B. Berbal at ‘di-berbal na komunikasyon

Berbal – Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon aynaibabahagi o naihahatid sa
pamamagitan ng mgasalita. Maaaring pasulat o pasalita. (sa mga rally – mga nakasulat sa
banner)

Di-berbal – Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o


naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw gaya ng senyas, ng pagtaas ng kamao,
pagkakapit-bisig at iba pa.

2. Elemento ng Komunikasyon
Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon;
a. Sender (Nagpapadala)
b. Mensahe
1) mensaheng pangnilalaman
2) mensaheng relasyunal o di-berbal

c. Daluyan / Tsannel - isikal na daluyan kung saan ipinapadala ang mensahe mula sa
nagpadala sa tumanggap.

d. Reciever (Tagatanggap)

e. Sagabal
1) Semantikong sagabal – ito ay mga salita na may dalawa o higit pang kahulugan
2) Pisyoslohikal na sagabal – matatagpuan mismo sa katawan ng nagpadala o
tagatanggap ng mensahe, halimbawa kapansanan sa paningin o pagsasalita.
3) Pisikal na sagabal – kapaligiran (halimbawa: ingay, init)
4) Teknolohikal na sagabal – mga ginagamit sa pakikipagkomunikasyon – koneksyon
(internet)

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KONKOM 103)

Ma’am Jane
5) Sikolohikal na sagabal – pagkakaiba -iba ng mga kinalakhang paligid at nakagawiang
kultura.
f. Tugon
g. Epekto
h. Konteksto - ito ang sitwasyon kung saan nabuo ang proseso ng komunikasyon. Kasama
dito ang mga emosyonal, sosyal, mga kadahilanan na nararapat, atbp.

3. Antas ng Komunikasyon

A. Intrapersonal – isang self-meditation na anyo ng komunikasyon na kinakausap ng tao


ang kanyang sarili sa pagnanais na higit na maging produktibong indibidwal.
B. Interpersonal – ito ang ugnayang komunikasyon sa pagitan ng dalawang tao na umaasa
sa mensaheng inihatid at tugon sa kausap.
C. Pampubliko - sa komunikasyong ito nagaganap ang linyar na komunikasyon na ibig
sabihin, natatapos ang komunikasyon kapag naiparating na ng nagpapadala ng mensahe
sa kanyang tagapakinig. Dalawa o higit pang katao ang kasangkot. (seminar, conference
at miting de avance)
D. Pangmadla- magkatulad ito sa pampubliko ngunit nagkakaiba lamang sa kagamitan sa
paghahatid ng impormasyon dahil sa komunikasyong ito, ginagamitan ito ng elektroniko
tulad ng cellphone, telebisyon at radio.

C. ANG KULTURA AT KOMUNIKASYON


KULTURA – tumutukoy sa sining, batas, moral, mga kaugalian at iba pang masalimuot
na kabuuang binubuo ng karunungan, mga paniniwala, sining, batas, moral mga kaugalian at iba
pang mga kakayahan at mga ugaling nakamit ng tao bilang miyembro ng lipunan.
Dalawang Kategorya ng Kultura Batay sa Pagpapadala ng Mensahe (Edward Hall, 1959)
1. Low-context culture – ginagamit ng direkta ang wika upang ihayag ang ideya,
nararamdaman, saloobin at opinyon ng isang indibidwal na kabilang sa ganitong kultura.
2. High-context-culture – ang pagpapakahulugan sa mga salita ay hindi lamang
nakabatay sa salitang ginagamit ng isang indibidwal. Bagkus, malaki rin ang papel ng mga di-
berbal na palatandaan (clues), pamantayan, kasaysayan ng relasyon, /ugnayan at ng konteksto ng
komunikasyon upang maiwasang masaktan ang damdamin ng kausap at mapanatili ang relasyon
sa kapwa.
D. KOMUNIKASYONG PILIPINO

Panimula
Kailan nga ba maituturing na oo ang Oo at hindi ang Hindi kapag ang Pilipino ang
nagsasabi nito?
Mga Salitang May Kaugnayan sa “Pahiwatig” Bilang Pangkagawiang Kultura ng mga
Pilipino
1.Pahaging – isang mensaheng sinasadyang sumala o magmintis, kumbaga parang isang
balang dumaan ng palihis sa tainga at umalingawngaw sa hangin.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KONKOM 103)

Ma’am Jane
2. Padaplis – isang mensaheng lihis dahil sadyang nilalayon lamang na makanti o
masanggi nang bahagya ang kinauukulan, gaya ng isang palaso na sumagi at nag-iwan lamang
ng kaunting galos.
3. Parinig – isang malawak na instrumentong berbal para sa pagpapabatid ng niloloob ng
nagsasalita na nakatuon hindi lamang sa kaharap kundi sa sino mang nakikinig sa paligid.
4. Pasaring – tumutukoy ito sa mga berbal na ‘di tuwirang pahayag ng puna, paratang at
iba pang mensaheng nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa
usapan.
5. Paramdam – isang mensaheng pinaabot ng tao o sinasabing gumagalang espiritu, sa
pamamagitan ng manipestasyon na nahihinuha sa pakiramdam
6. Papansin – tumutukoy ito sa mga mensaheng humihingi ng atensyon , kadalasang
ginagawa kapag pakiramdam ng nagmemensahe ay kulang siya sa sapat na pansin.
7. Paandaran – isang mekanismo ng pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon at umiikot
sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit-ulit na binabanggit sa sandaling
may pagkakataon.

E. ‘DI-BERBAL NA KOMUNIKASYONG PILIPINO


Panimula
Bukod sa komunikasyong berbal, ang mga Pilipino ay may iba’t ibang paraan din ng
pagpapahayag ng damdamin gamit ang komunikasyong di-berbal tulad ng ibang lahi: (ang
pagbibigay-halimbawa dito ay ayon sa naoobserbahang gawi ng mga Pilipino)
1. kinesika (movement)
2. proksemika (espasyo)
3. paralanguage/vocalics (ungol)
4. chronemics (oras)
5. haptics (sense of touch)
6. pictics (facial expression)
7. olfactics (amoy/smell)
8. colorics (kulay
9. iconics (signs/symbols)
10. oculesics (eye movement)

Samantala, sa nakagawiang pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay naipapakita gamit ang


kilos o galaw ng katawan gaya ng mga sumusunod:
a.. Pagtatampo (tampo) – ito ay damdaming dala ng pagkabigo sa isang bagay na
inaasahan sa isang malapit na tao gaya ng kapatid, magulang, kamag-anak, kasintahan o
kaibigan.
b. Pagmumukmok (mukmok) – ito ay komunikasyong naipaparating sa pamamagitan
ng pagsaswalng-kibo. Ito ay bunga ng pagpagkasuya, at pagdaramdam. Palatandaan nito ang
pagsasantabi ng sarili sa sulok, o paglayo sa karamihan.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KONKOM 103)

Ma’am Jane
c. Pagmamaktol (maktol) – akto ng pagpapahayag na ang layunin ay ipakita ang
pagrereklamo, paghihimagsik o pagtutol sa paggawa ng isang bagay na labag sa kalooban. Ito ay
kakikitaan ng pag-ungol, pagbuka-buka ng labi o pagbulong na kadalasang sinasadyang ipakita
sa taong pinatatamaan ng mensahe.
d. Pagdadabog (dabog) - ito ay ‘di-berbal na komunikasyon na likas sa kulturang
Pilipino na ang pinakamalaking element ay paglikha ng ingay gaya ng pagpadyak ng paa,
pagbalibag ng pinto, pagbagsak ng mga bagay at iba pang ingay na intensyonal na ginagawa ng
taong nagdadabog.
F. GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO
1. TSISMISAN
- batay sa etimolohiya nito, galing sa salitang kastila na “chismes” na tumutukoy sa
kaswal na kumbersasyon tungkol sa buhay ng ibang tao na ang impormasyon ay maaaring totoo
o madalas ay hindi.
- Ayon kay Dr. Frank McAndrew (2008) ng Know College, nilinaw niya na ang tsismis
ay hindi palaging negatibo. Ito ay positibo rin. Katunayan, binanggit niyang hindi talaga
maiiwasan ang ganitong gawain sapagkat batay sa mga pag-aaral, ito ay likas at normal na
bahagi ng buhay ng tao.
2. UMPUKAN
- isang gawaing pangkomunikasyon na kinabibilangan ng dalawa o higit pang kalahok
kung saan ang bawat isa ay nagbabahaginan ng impormasyon.
- nagaganap sa umpukan ang kumustahan ng mga Pilipino ukol sa mga buhay-buhay
magmula sa usapin ng kani-kanilang pamilya, trabaho, kaibigan, kalusugan, pangyayari sa
barangay o bayan, usaping politika, hanggang sa pagpaplano ng mga bagay-bagay.
Isa sa mga kilalang umpukan sa bansa ay ang SALAMYAAN sa Lungsod ng
Marikina

- Ayon sa pag-aaral ni Prop. Jayson Petras (2010), ipinaliwanag nito ang kasaysayan ng
salamyaan bilang bahagi ng kalinangang Marikenyo at ipinaliwanag ang bisa nito bilang
talastasang bayan.
- Ayon sa pag-aaral ni Petras (2010), ang salamyaan ay isang silungan kung saan ang mga
Marikeny ,partikular na ang mga matatanda ay magkakasamang nagkukwentuhan, nagsasalo-
salo at namamahinga.
3. TALAKAYAN
- tumutukoy sa pagpapalitan ng kuro-kuro ng mga kalahok sa nasabing usapan na
binubuo ng tatlo o higit pang katao.
- kalimitang tinatalakay ang mgaproblema na layuning bigyan-solusyon o kaya ay
mga patakarang nais ipatupad.
Mga Halimbawa ng Pormal na Talakayan
a. PANEL DISCUSSION
- isang pormal na ginagamit sa isang pulong , o kumbersasyon.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KONKOM 103)

Ma’am Jane
- maaari itong birtwal o personal na talakayan tungkol sa isang paksang
pinagkasunduan
b. SIMPOSYUM -
- isang uri ng pormal na akademikong pagtitipon kung saan ang mga kalahok ay
pawang eksperto sa kani-kanilang larangan.
c. LECTURE-FORUM
- isang anyo ng forum na isinasagawa upang magbigay ng lecture sa isang
espisipikong paksa.
4. PAGBABAHAY-BAHAY
- Kalimitan itong ginagawa sa mga sitwasyong nangangailangan ng impormasyon
ang isang indibidwal o organisasyon ukol sa kalagayan o sitwasyon ng komunidad gamit
ang pagtatanong-tanong bilang metodo.
5. PULONG-BAYAN
- isinasagawa ng publiko at mga kinauukulan.
- SA KULTURANG Pilipino, ang pulong-bayan ay isang pangkomunikasyong
Pilipino na isinasagawa kung may nais ipabatid ang mga kinauukulan tungkol sa
kasalukuyang kalagayan ng komunidad.
- ito ay isang pagtitipon ng isang grupo ng mga mamamayan sa itinakdang oras at
lunan upang pag-usapan nang masinsinan at pagdesisyonan kung maaari ang mga isyu,
problema, kabahalaan, programa at iba pang usaping pangpamayan na madalas
isinasagawa kapag may mga programang nais isakatuparan o problemang nais lutasin (San
Juan, et al., 2019.
6. MGA EKSPRESYONG LOKAL
Ayon sa paglalarawang ginawa nina San Juan, et al. (2018) - ang mga
ekspresyong lokal ay mga salita o pariralang nasasambit ng mga Pilipino dahil sa
bugso ng damdamin gaya ng galit, yamot, gulat, pagkabigla, pagkataranta, takot,
dismaya, tuwa o galak. May mga ekspresyon din ng pagbati, pagpapasalamat o
pagpapalam sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas.
Ang ekspresyong lokal ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at
gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya.
Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng mga tao sa pagpapahayag ng
damdamin o pakikipag-usap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat
salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. Ito rin ang
nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika.
Mga halimbawa:
Susmaryosep! Ano ba ‘yan! Manigas ka!
Ina ko po! Bahala na. Hay naku!
a. Mga paliwanag sa mga ekspresyong lokal batay sa kontekstong Pilipino (San Juan,
et al., 2019)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KONKOM 103)

Ma’am Jane
“Susmaryosep!” – (pinaikling Hesus, Maria at Hosep)
“Bahala na ( mula sa Bathala na)
b. Ilang ekspresyong lokal mula sa ibang wika sa Pilipinas (San Juan, et al. ,2018)
Timog Katagalugan
“Ewan ko!” (Ginagamit kung walang masabing tiyak na sagot o umiiwas magsabi ng salitang
maaaring makapanakit)
“Tanga!” ( depende sa pagkakasabi na maaaring pag-uyam o pagbibiro)
Kabikulan
“Diyos mabalos!” (Diyos na ang bahalang magbabalik sa iyong kabutihang loob)
“Inda ko saimo!” ( nagpapahayag ng pagkadismaya)
“Alla!” (pagkagulat, pagkamangha)
Bisaya
“Ay ambot!” ( ewan ko sa ‘yo)
“Samok ka!” (naguguluhan sa isang tao)
“Ay tsada!” ( pagkalugod sa isang bagay)
Batanes (pagbati ng mga Ivatan)
“Capian ka pa nu Dios!” ( pagpalain ka ng Diyos)
“ Dios mamajes!” (Diyos na ang magbabalik sa ‘yo)
“Dios maapu!” (katumbas ng D’yos ko!)
Ang mga ganitong ekspresyong lokal ng mga Pilipino ay hindi nawawala. Katunayan,
nagkakaroon din ng ebolusyon o pag-unlad ang mga ito bunga ng pagiging dinamiko at
malikhain ng wika. Ang mga ekpresyong Diyos ko day at Juice ko Lord na mula sa D’yos ko
po! ay ilan sa mga patunay nito.
Sa kasalukuyan, karaniwan na ring maririnig sa mga kabataan lalo na sa mga milenyal
ang mga ekpresyong gaya ng mga sumusunod: Charot; echos; charing; E di wow!; Ikaw na!; na
kung saan bawat isa ay may sariling kahulugan, paraan ng pagbigkas, gamit at konteksto sa
lipunan kung saan sila umiiral (San Juan, et al., 2019).
c. Mga Naiambag ng Ekspresyong Lokal (local expression) sa Pag-unlad ng
mga Pilipino sa Larangan ng Pakikipagkomunikasyon
1) Naging dinamiko ang wikang Filipino.
- ang pagbabago ng wika ay isa sa mga katangian ng wikang buhay. At sa
patuloy na pagdagdag ng mga salita o pagbibigay ng bagong kahulugan
nito, ay lalong lumalago ang wikang Filipino.
2) Pagyaman ng bokabularyo Filipino.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KONKOM 103)

Ma’am Jane
- ang mga nabubuong ekspresyon ay nakatutulong sa malawak na
pagpipilian ng mga tao sa salitang nais nilang magamit sa
pakikipagpahayagan.
3) Nagaganap ang modernisasyon ng wikang Filipino.
- sa kasalukuyan, patuloy ang pag-unlad ng wikang Filipino dahil may mga
bagong sibol na mga ekspresyon na nagmumula sa mga milenyal o kabataang Pilipino.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KONKOM 103)

Ma’am Jane

You might also like