You are on page 1of 2

BADURIA, HEINA LYLLAN P.

October 14, 2019


1-ALM FILIPINO I

1. Kahulugan Ng Komunikasyon
- Ayon kay Ayon kay Semorlan (1997:32) ang komunikasyon ay ang proseso ng pagbibigay at
pagtanggap. Mensahe ang ibinibigay at mensahe rin ang tinatanggap. Sa pamamagitan nito
nabubuo ang pagkakaunawaan ng mga tao sa lipunan dahil naipahahayag ng bawat isa ang kani-
kanilang ideya at saloobin.

- Ayon kina Lorenzo et al. (sa Pagkalinawan, 2004:3), ang komunikasyon ay ang pagbibigyan ng
mga ideya na kinapapalooban ng tagapagsalita, tagapakinig at ang pag-unawa.

- Ipinahayg ni Webster, ang komunikasyon ay ang pagpapahayag ng mga saloobin na siyang


ginagawa sa pasulat man o pasalita. Naging tulay ang komunikasyon sa mga taong nagkalayo at
nagagawang bigkisin ang mga damdaming nagkahiwalay.

- Ayon sa American College Dictionary ni Barnhart, ang komunikasyon ay ang pagpapahayag at


pagpapalitan ng ideya, opinyon sa pamamagitan ng pagsusulat, pagsasalita o pagsenyas.

- Ayon din kina Espina at Borja (1999:6) ang komunikasyon ay isa ring makabuluhang
kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw
ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang umuusbong ang isang matatag na
pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Dahil dito may pagkakaisa rin sa
kanilang mga mithiin sa buhay.

- Ayon kina Sauco at Atienza (2001:3) ang komunikasyon ay isang paraan ng pakikitungo ng tao
sa kanyang kapwa, isang bagay na kailangan sa pakikisalamuha niya sa isang lipunang kanyang
ginagalawan, isang paraan ng pakikibagay ng tao sa kanyang kapaligiran.

- Ipinaliwanag naman ni Arrogante (1988) na ang salitang pakikipagtalastasan ay galing sa


salitang-ugat na talastas na nangangahulugang “alam”, at sa kabilaang panlaping pakikipag-…-
an na may kahulugang ‘pagsasagawa ng isang kilos na ang gumagalaw o gumagawa ay hindi iisa
kundi dalawa o higit pa”.
2. Pundamental na pananaw ng komunikasyon
a. Ang komunikasyon ay isang proseso
b. Ang komunikasyon ay isang istema
c. Ang komunikasyon ay interkasyonal at transaksyonal
d. Ang komunikasyon ay maaaring ay intensyonal o di-intensyonal

3. Komponent ng Komunikasyon
 Tagahatid
 Mensahe
 Hadlang
 Tsanel
 Tagatanggap
 Pidbak
 Kapaligiran
 Konteksto

4. Mga Uri ng Komunikasyon


a. Intrapersonal
b. Interpersonal
c. Pampublikong Komunikasyon
d. Interkultural na Komunikasyon
e. Machine-Assisted
6. Anyo ng Komunikasyon
a. Berbal
b. Di-Berbal
1.1 Oculesics
1.2 Haptics
1.3 Kinesics
1.4 Objectics
1.5 Olfactorics
1.6 Colorics
1.7 Pictics
1.8 Iconics
1.9 Chronemics
1.10 Vocalics

You might also like