You are on page 1of 3

BADURIA, HEINA LYLLAN P.

Agosto 8, 2019
ALM 1 FILIPINO I

Ang Limang Antas ng Wika

Ang limang (5) antas ng wika ay nahahati sa dalawang pangkat:

1. Pormal na Wika

Ito ay tinuturing na mataas na antas ng wika na kung saan ay lehitimo kung ituring at

kadalasang ginagamit sa opisina, sa mga paaralan, at halos lahat ng bahagi ng ahensiya

ng gobyerno at lipunan. Nagiging mapanuri, maingat, at mapili sa mga ginagamit na

salita sa pakikipagtalastasan. Dito ay napapansin ang tumataas na antas ng wika ayon sa

katalinuhan kaugnay sa pang akademiko, iskolar, at pampropesyunal. Kabilang sa

pangkat nito ang:

a) Pambansang Wika/Lingua Franca

Ito ang pangunahing wika na alam at ginagamit ng isang bansa at ng mga

mamamayan nito. Sa Pilipinas, ang pambansang wika na ginagamit ay, wikang

Filipino. Kahit na binubuo ng iba’t ibang isla at iba’t-ibang probinsya ay nagkakaisa

at nagkakaintindihan pa rin ng wika. Binubuo ito ng mga salita na kabilang sa wikang

Filipino. Ilang halimbawa ay: malaya, anak, paru-paro, kutsara, atbp.

b) Pampanitikan

Ang wika ay naisasama rin sa anyong panitikan tulad ng mga tula, kanta, palabas, at

iba’t-ibang uri ng mga sulating naratibo. Naipapahayag ng isang nagtatalumpati ang

kanyang mga sinasabi sa pamamagitan ng malikhaing paggamit ng mga

matatalinhagang salita. Isang halimbawa nito ay ang epikong Florante at Laura sa


nilikha ni Francisco Balagtas na siya ring ginagawang play ng ilang mga teatro

ngayon.

2. Impormal na Wika

Ito ay kadalasang wika na maririnig para lamang sa pang-araw-araw na pakikipagusap o

pakikipag komunikasyon. Kadalasan ng maririnig ito sa mga magkapamilya,

magkaibigan, magkarelasyon, o minsa’y sa mga miyembro ng isang impormal na

samahan o grupo. Kabilang sa mga antas na kabilang sa pangkat na ito ay:

a) Lalawiganin

Ito ang wika na ginagamit ng isang indibidwal o grupo ng tao batay sa kanyang lugar

na pinaninirahan. Kadalasan ay nagmumula mula sa mga rehiyon o probinsya. May

sariling termino o mga salita ang bawat rehiyon o probinsya. Kasama rito ang

pagkakaiba-iba ng tono, diin, at bilis ng pananalita. Halimbawa, ang mga Bicolano ay

kadalasang may mabigat na diin at bilis sa kanilang pakikipag-usap kung ikukumpara

sa mga Tagalog. Isa pang halimbawa ay ang pagkakaiba sa salita ngunit parehas

lamang ang ibig sabihin. “Batag” ang tawag ng mga Bikolano sa Tagalog na

katumbas nito na “saging.”

b) Balbal

Tinuturing na pinakamababang uri ng antas ng wika, o tinatawag ring “salitang

kalye” kung saan ito’y nabuo mula sa kagustuhan ng isang grupo ng tao na

magkaroon ng sariling pagkakakilanlan. Halimbawa rito ay ang nabuong “Beki

language.”

c) Kolokyal
Ito ang antas ng wika na may mga salitang kadalasang ginagamit sa pangaraw-araw

na pakikipag-usap. Halimbawa nito ay pare, tol, tapsilog, atbp.

You might also like