You are on page 1of 2

BADURIA, Heina Lyllan P.

Setyembre 16, 2019


ALM 1 Filipino I

TIMELINE NG WIKANG FILIPINO

 Panahon ng Pre-kolonyal na pagsakop ng Espanyol


 Panahon ng Alibata – dito ay prominente ang paggamit ng baybayin na kung saan
ay binubuo ito ng labimpitong (17) titik:tatlong (3) patinig at labing-apat (14)
nakatinig.

 Panahon ng Kolonyal na pagsakop ng mga Kastila


 Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila sa
mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle
 Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo at aklat-panggramatika,
katekismo at mgakumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nilang katutubong
wika
 Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng pananampalataya
subalit hindi naman ito nasunod.
 Marso 2, 1634 -- muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa pagtuturo
ng wikang Kastila sa lahat ng katutubo.
 Hindi naging matagumpay ang mga kautusangnabanggit kung kaya si Carlos II ay
naglagda ng isang dekrito na inuulit ang mga probisyon sa mga nabanggit na
batas.
 Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na nag-uutos na
gamitinang wikang Kastila sa mga paaralang itatatag salahat ng mga pamayanan
ng Indio.
 Ang dating alibata ay napalitan ng Alpabetong Romano na binubuo naman ng 20
titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig.

 Panahon ng Propaganda
 Nagkaroon ng mga Pilipinong manunulat na namulat sa nasyonalismo at
nagtatagag ng La Solidaridad. Ito ay sina: Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena,
Antonio Luna, at Marcelo H. del Pilar.
 Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog.
 1897 – Sa Saligang batas na Biak-na-bato ay pinagtibay ang paggamit ng wikang
Tagalog bilang opisyal na wika.

 Panahon ng mga Amerikano


 1901- Sa pamamagitan ng Philippine Commission, opisyal na wikang panturo ang
Ingles sa mga paaralan.
 1931 – Ipinagutos ng Kalihim ng Public Instruction na wikang bernakular ang
gamitin bilang wikang panturo sa elementarya simula taong-aralan 1932-1933
 1935 – Isinaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 ng Konstitusyon na ang Kongreso ay
gagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang
Pambansa na batay sa isang umiiral ng wikang katutubo
 1936 – Itinatatag ni Pangulong Manuel L. Quexon ang Surian ng Wikang
Pambansa upang mamuno sa pagpili at pag-aaral sa wikang Pambansa kung saan
ang layunin nito ay ang pagsasagawa ng pananaliksik, gabay, at alituntunin na
magiging batayan sa pagpili ng wikang Pambansa.
 1937 – Nabuo ang Kautusang Tagaganap Blg. 134 na nag-aatas ng wikang
Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin upang makabuo ng Wikang
Pambansa
 1940 – Inilabas ang Kautusang Tagaganap Blg. 203 na nagpapahintulot sa
paglilimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa.
Pinasimulan ang pagtuturo ng wikang Pambansa sa lahat ng paaralan.
 1959 – Idineklara ang Kagawaran ng Edukasyon ni Kalihim Jose Romero ng
Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na wikang Pambansa.
 1973 – Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Batasang Pambansa ay nakasaad ang
pagsasagawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at paggamit ng pambansang
wikang Filipino. Hangga’t hindi nababago ang batas, ang opisyal na mga wika ay
Ingles at Filipino.
 1987 – Sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na ang wikang Pambansa ng Pilipnas ay
tatawaging Filipino.
 1988 – Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 kung saan lahat ng ahensiya at
departamento ng gobyerno ay gagamit ng wikang Filipino sa mga transaksyon at
komunikasyon.
 1990 – Sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 21 ay nagtatagubilin na gamitin ang
wikang Filipino sa panunumpa ng katapatan sa Saligang-Batas at sa bayan.
 1996 – Sa CHED Memorandum Blg. 59 ay nagtadhanan ng siyam nay unit na
pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon.
 1997 – Itinatatag sa Proklama Blg. 1041 na ang buwan ng Agosto ay magiging
Buwan ng Wikang Filipino.
 2001 – Ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino 2001 Revisyon ng
Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

You might also like