You are on page 1of 11

Ang Wika sa Panahon ng

mga Katutubo
Ayon kay Padre Chirico, may sarili ng sistema ng pagsulat
ang mga katutubo noon at ito ay ang tinatawag na Baybayin.
Ito ang paraan ng pagsulat ng mga katutubo. Ang Baybayin
ng mga katutubo ay binubuo ng labingpitong (17) titik:
tatlong patinig at 14 na katinig.
Kakaiba ito kasalukuyang paggamit natin dahil kung nais bigkasin
ang katinig kasama ang /e/ o /i/, nilalagyan ng tuldok sa itaas at
kung nais namang bigkasin ang katinig kasama ang /o/ o /u/,
nilalagyan ng tuldok sa ibaba. Kung nais kaltasin, ang anumang
patinig kasama ng katinig sa hulihan ng salita ay ginagamitan ito
ng kruz(+) pananda sa pagkaltas ng huling tunog. Ginagamit
naman ang dalawang pahilis (//) sa dulo ng pangungusap bilang
hudyat ng pagtatapos nito.
Pagsulat
Sa pagsulat ng mga katutubo, gumagamit sila ng isang maliit
na pirasong bakal na pinatulis ang dulo. Ang katas ng mga
halamang-gubat ang ginagamit nilang tinta at sa katawan ng
puno o dahon sila nagsusulat.
Ang Wika sa Panahon ng
mga Kastila
Ang sinaunang Tagalog ay isinulat sa paraang silabiko o
pantigan. Mayroon itong 17 titik: 3 patinig at 14 na katinig. Iba
ito sa alpabeting Romano na magkabukod ang tunog patinig at
katinig na nangangailangan ng pagsasama ng dalawa o higit pa
upang makabuo ng pantig, ang mga titik sa baybaying Tagalog ay
pinagsama ng katinig at patinig (ganap ng pantig) na nag-iiba-iba
lamang ang bigkas depende sa pagkakaroon ng ng tuldok at sa
posisyon nito.
 Sa pagsakop ng mga dayuhan nang humigit-kumulang tatlong daan
taon, napalaganap ang Kristiyanismo na isa sa kanilang layunin.
 Nagkaroon ng suliranin hinggil sa komunikasyon kaya ang Hari ng
Espanya ay nagtatag ng mga paaralang magtuturo ng wikang Kastila
sa mga Pilipino.
 Hindi ito natuloy dahil sa paglabag ng mga prayle.
 Ang mga misyonerong Kastila ang nag-aral ng mga wikang
katutubo.
 Ayon sa kanila, may magandang epekto ito sa kanila. Una, mas madaling
matutuhan ang wikang katutubo. Ikalawa, higit na magiging kapani-
paniwala at mabisa kung ang isang banyaga ay nagsasalita ng katutubong
wika.
 Ang unang atas ng Hari sa mga kleriko ay gamitin ang wikang katutubo
upang madaling mahikayat ang mga Pilipino sa Kristiyanismo. Subalit hindi
ito nasuond.
 Mayo 25, 1956, iniatas ni Gobernador Tello na dapt turuan ang mga Indyo
ng wikang Espanyol.
 Ayon naman kay Carlos I at Felipe II, kailangang may kasanayan at kakayahan
sila sa paggamit ng wikang katutubo at Kastila.
 1550, iniatas ni Carlos I na ituro ang doktrinang Kristiyana sa pamamagitan ng
wikng Kastila sa paraang hindi sila mahihirapan upang matutuhan nila ang
dapat nilang matutuhan.
 Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang kautusan upang umunlad
ang pananampalataya ng taong bayan.
 Hindi naging matagumpay ang kautusang nabanggit kung kaya si Carlos II ay
lumagda ng isang dekrito at nagtakda ng parusa sa hindi susunod.
 Disyembre 29, 1792 nilagdaan ni Carlos IV ang isa pang dekrito na
nag-uutos na gamitin ang wikang kastila sa mga paaralan itatatag.
 Mula 1867-1899 14 na atas na nagatatakda sa paggamit ng wikang
Espanyol ngunit lahat ng ito ay nabigo.
 Ayon sa nilalaman ng dekreto na hindi maaaring humawak ng
anumang tungkulin sa pamahalaan ang mga katutubong hindi
marunong magsalita, sumulat o bumasa as espanyol upang mapilitan
ang mga Pilipino na pag-aralan ang wika nila.
Ayon kay Marcelo H. del Pillar, sinabotahe ng mga relihiyoso ang programang
pangwika sa kabila ng pagnanais ng monarka na mabigyan ng sapat na
edukasyon ang mga katutubo.
2 pamanang pangwikang naiwan ng mga Espanyol
1. Romanisasyon ng silabaryo ng mga wikang ginagamit sa Pilipinas na
nagpahintulot ng mas madaling komunikasyon ng mga Pilipino sa daigdig na
gumagamit na rin ng sistemang iyon.
2. Ang yaman ng bokabularyong Espanyol na nakapasok sa talasalitaan ng mga
katutubong wika sa Pilipinas.

You might also like