You are on page 1of 6

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

Ang wika ayon kay Gleason Henry, ito at isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog
na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
Ano ang wika ?
KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA
Ano po ba ang wika ?
Paano at kelan naman po nagsimula ang wika ?
Ito ay mahalaga sa ating mga Pilipino na malaman kung paano nagsimula bilang Tagalog naging
Pilipino, at ngayon nga ay Filipino na.

Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang
maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat
etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz
ang nagsasabing isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas."

1935--

Taong 1935 sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3)

1936

Taong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian upang mamuno sa pag-aaral at
pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng pananaliksik, gabay at
alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Filipinas. Si Jaime de Veyra
ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang
batayan ng Wikang Pambansa."

1940--

Taong 1940, ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na
nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang
Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa
buong bansa.

1954

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamasyon Blg.12 na nagpapahayag na


ipagdiriwang ang Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon sang
ayon sa rekomendasyon ng Surian ng Wikang Pambansa. Ang araw ni Balagtas (Abril 12) ay
kabilang sa itinakdng Linggo ng Wika.

1955--

Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang proklamsyon Blg. 186 bilang pagsusog sa
Proklamasyon Blg.12 serye ng 1954 upang ilipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun-taon mula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.

1967-1968

Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg.96, na


nagtatadhanang ang lahat ng gusali edipisyo at tanggapin ng pamahalaan ay pangalanan sa
Pilipino.

Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg..172 na


nagbibigay diin na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng
pamahalaan ay nararapat nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.

1973--

noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa Artikulo 15


Seksiyon 2 at 3 na ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hanggat hindi binabago
ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipin

1974

Pinalabas ng Nanunungkulang Kalihim Tagapagpaganap Roberto V. Reyes ang pahintulot sa


Surian ng Wikang Pambansa na makapagdaos ng mga lingkurang pagsasanay, seminar, gawaing
kapulungan at iba pang kauring gawain tauhan ng lahat na tanggapang pampamahalaan, sa lahat
ng guro, propesor, pinuno'y tagapangasiwa ng mga paaralan.

Noong panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C.


Aquino muling binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon
6 na: Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika."

1991, Agosto

Idiniklara ng KWP (Komisyon sa Wikang Pilipino) ang gagamitin mula sa SWP (Surian ng Wikang
Pilipino).

KWP- mga tao na patuloy na nagsasaliksik at nagaaral sa wika.

Dayagram ng Alpabetong Pilipino


ALIBATA---- 17 Letra
Dayagram ng Alpabetong Pilipino
ABECEDARIO---- 19 Letra
Pagdating ng Kastila.
Nadagdag ang E at U
Dayagram ng Alpabetong Pilipino
ABAKADA---- 20 Letra Disyembre 30, 1937
Pagdating ng Kastila.
Nadagdag ang R
Dayagram ng Alpabetong Pilipino
PINAGYAMANG ALPABETO---- 31 Letra
/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ /i/

/hota/ /i/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/ /ere/ /erre/ /ese/

/te/ /u/ /ye/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /seta/.


/A/ /B/ /C/ /CH/ /D/ /E/ /F/ /G/ /H/ /I/ /J/ /K/ /L/

/ LL/ /M/ /N/ // /NG/ /O/ /P/ /Q/ /R/ /RR/ /S/

/T/ /U/ /V/ /W/ /X/ /Y/ /Z/.

Dayagram ng Alpabetong Pilipino


MAKABAGONG ALPABETO---- 28 Letra
1971
1987
Dayagram ng Wikang Pambansa
Tagalog
1897
Pilipino
1959
Filipino
1987
Wikang gamit sa Eskwelahan
Ingles (Panahon ng kastila)

Katutubong Wika (1925)

Tagalog (Wikang Pambansa)

Katutubong Wika
Paano po at bakit nagbabago ang ating alpabeto ?
Alibata

Ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig at labing-apat na katinig.

Ang direksyon ng pagsulat ay isa pa ring suliranin sapagkat walang iskolar ang makapaglahad ng
di-mapag-aalinlanganang katunayan a katibayan na makapagpapatotoo hinggil dito. Gayon man,
ipinapalagay na malamang na tama ang teorya ni Padre Pedro Chirino na ang mga sinaunang
Pilipino ay sumusulat nang pabertikal mula taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa pakanan.
Alibata

Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang
kanilang balaraw o anumang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at
halaman bilang tinta.

Bunga ito ng mapanirang gawain ng mga unang misyonerong Kastila na dumating sa ating
kapuluan dahil ipinalagay nilang ang mga iyon ay gawa ng demonyo. Ang ibang piraso ng
literaturang pre-kolonyal ay naipasa sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang paraan
na lamang.
Alibata------>Abecedario

Sa pagdating ng mga Kastila, napalitan ang lumang alibata ng alpabetong Romano. Itinuturing
ngang isa sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga Kastila ang romanisasyon ng ating
alpabeto. Tinuruan ng mga Kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng alpabetong Romano. Ang
mga titik ay tinawag nang pa-Kastila, alalaong bagay nakilala sa tawag na Abecedario. Ganito
ang tawag sa mga titik sa Abecedario
/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ /i/

/hota/ /i/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/ /ere/ /erre/ /ese/

/te/ /u/ /ye/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /seta/.


Alibata------>Abecedario

Naging palasak ang paggamit ng Abeedario noong panahong iyon. Ilan lamang sa ito sa
nakasulat sa palabaybayan ng kastila:

Cahinahinayang cung ito i maputi


Cucupas ang bang, culai mauauacsi
At yaong may ibig na mangagcandili
Cusang babayaan sa pagcaruhagi.

- Mula sa Sa May Maga Anac na Dalaga ni Modesto Santiago


Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na lamang nang ganap sa bagong sistema ng pagsulat.
May mangilan-ngilang matatalinong bagamat gumagamit ng Abecedario ay nagpasyang
magsalamin ng tatak-Pilipino sa pagsulat. Isa sa kanila ay ang ating pambansang bayaning si Dr.
Jose Rizal.
Abecedario------>Abakada

Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at akiat sa gramatika ng Wikang


Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940,
binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na Abakada dahil sa
tawag sa unang apat na titik niyon. Ang abakada ay binubuo ng dalawampung titik; labinlimang
katinig at limang patinig, na kumakatawan sa isang makahulugang tunog bawat isa:
Abakada

/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/ /na/

/nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/

Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng dating Abakada sa malawakang panghihiram ng mga
salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging ngalan. Bunga nito, nilikha ng Surian ng Wikang
Pambansa ang Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral. Nagkaroon din ng
ilang public hearings ang Lupon sa Pambansang Wika ng Kumbensyong Konstitusyunal. Makalipas
ang tatlong buwan, inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan ng labing-
isang titik ang dating Abakada.
Abakada

Iminungkahi nilang idagdag ang mga sumusunod: C, CH, F, J, N [enye] , LL, Q, RR, V, X at Z na
gagamitin sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga pantanging ngalan.

***Ang ilan sa mga naging problema ng mungkahing alpabetong ito ay ang magiging katawagan
ng bawat titik at ang magiging kaayusan o order ng mga ito sa alpabeto. May ilang mga
mungkahi ang ikinonsider kaugnay nito. Una sa mga ito ay ang sumusunod:
/ey/ /bi/ /si/ /si eych/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/

/ dobol el/ /em/ /en/ /enye/ /en ji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /dobol ar/ /es/

/ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/.


Abakada

Narito naman ang isa pang mungkahi:

/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/

/na/ /nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/ /si/

/a-che/ /jey/ /elye/ /enye/ /kyu/ /erre/ /vi/ /eks/ /way/ /zi/.
Hindi pa mang ganap na nalilinaw ang mga tanong na kaugnay ng mungkahi ng Lupong
Sanggunian, inilathala ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang tuntunin sa
palabaybayang Pilipino noong Abril 1, 1976. Kaugnay nito, ipinalabas ng Kagawaran ng
Edukasyon at Kultura noong Hulyo 30, 1976 ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 upang
pagtibayin ang nasabing tuntunin ng palabaybayan nito.

Maraming mga iskolar ang tumutol sa nasabing tuntunin. Ilan sa kanilang mga argumento ay ang
mga sumusunod:
1. Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paano ito pagsusunud-sunurin.

2. Ang pagsasama ng digrapong CH, LL, RR at NG, gayundin ang may kilay na n ay isang
paraang di-matipid. Ang mga wika sa daigdig na may titik-Romano ay unti-unting nagbabawas
ng kanilang mga digrapo upang makapagtipid at upang maging praktikal na rin. Ang
pagdaragdag ng mga digrapo, kung gayon, ay isang hakbang na paurong.

Kung pagtuturo ng pagbabaybay ang pag-uusapan, kapag naisulat na ng isang mag-aaral ang C at
H nang hiwalay, maisusulat na rin niya ang digrapong CH. Gayundin ang letrang LL, RR at NG.
Ang letrang N naman ay may kilay lamang na N.
3. Mismong Malakanyang, sa isang liham sa Direktor ng SWP noong Enero 11, 1973, ay tumanggi
sa pagsasama ng mga digrapong CH, LL, RR at NG at iminungkahing dalawamput pitong letra
na lamang ang gamitin.

4. Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alpabetong may digrapo.
Bunga ng mga pagtutol at pag-aalalang ang mga ganitong pagbabago ay magbubunga lamang ng
kalituhan lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang matutong sumulat at bumasa sa mga
paaralang primarya, ang mga mungkahing pagbabago ay hindi tinanggap ng taong-bayan.
Ito ang dahilan kung bakit ang dating Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan at ng midya at
itinuro sa mga paaralan maging hanggang unang pitong buwan ng 1987.

Nagkaroon lamang ng malawakang pagtanggap sa mga pagbabago sa alpabeto noong mga


huling buwan ng 1987 nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino.

Simula noon, ang ating alpabeto ay nagkaroon na ng dalawamput walong titik na tinatawag
nang pa-Ingles maliban sa /enye/ at may pagkakasunudsunod na ganito:
Ito ang dahilan kung bakit ang dating Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan at ng midya at
itinuro sa mga paaralan maging hanggang unang pitong buwan ng 1987.

Nagkaroon lamang ng malawakang pagtanggap sa mga pagbabago sa alpabeto noong mga


huling buwan ng 1987 nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang
Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino.

Simula noon, ang ating alpabeto ay nagkaroon na ng dalawamput walong titik na tinatawag
nang pa-Ingles maliban sa /enye/ at may pagkakasunudsunod na ganito:
Mapapansing ang mga titik ng Bagong Alpabeto ay mula sa dalawampung titik sa dating
Abakada na dinagdagan lamang ng walong bagong titik na gagamitin sa pagbabaybay ng mga
pangngalang pantangi, salitang hiram, salitang pang-agham at teknikal, salitang may inkonsistent
na baybay at mga simbolong pang-agham. Mapapansin ding ang walong dagdag na letra ay mula
naman sa labing-isang iminungkahing idagdag noong 1971. Hindi na lamang isinama ang mga
digrapong CH, LL at RR para sa ekonomiya o pagtitipid. Pinanatili naman ang digrapong NG
dahil ito ay tatak na ng ating katutubong alpabeto.
May tatlong taon din ng mga pag-aaral at konsultasyon mula noong 2006 bago naipalabas ng
Sangay ng Lingguwistika ng KWF ang 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 104, s. 2009 ng DepEd. Ang mga titik sa alpabetong Filipino ay 28 pa rin at
ang pagkakasunud-sunod at tawag ay tulad pa rin sa 1987 Ang Alpabeto Tuluyan nang
isinantabi ang mga tuntunin sa 1987 at 2001 Revisyon, maliban sa mga tuntunin noong 1987
na pinanatili sa 2009 Gabay

You might also like