You are on page 1of 1

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

PANAHON NG ESPANYOL NG REBOLUSIYONG PILIPINO

Taong 1550 ay may inilabas na dekri (decree) na nag-uutos para magtatag ng paaralan sa bansa upang
turuan ng wikang Espanyol ang mga Pilipino. Sa kasamaang palad, hindi ito natupan. Gayundin ang mga
dekring lumabas noong 1642 at 1752, hindi rin ito natupan. Noong 1792, naglabas ng dekri na nagbabawal
na gamitin ang mga wikang katutubo sa Pilipinas. Ngunit tulad ng mga nauna, hindi ito natupad. Hindi
natupad ang pagbabawal sa paggamit ng wikang katutubo sa pilipinas dahil hindi nila masisi ang mga Pilipino
na huwag gamitin ang katutubong wika sa pilipinas, dahil kung hindi nila gagamitin ang mga katutubong wika
wala itong gagamiting wika sa pakikipag usap. Dahil dito hindi naipatupad ang dekri na ito noong 1792.
Noong 1863 naman ay naglabas rin ng isang Dekri ang reyna ng Espanya sap pag-uudyok ni Jose dela
Concha. Naglalaman ito ng kautusan na ituro ang Espanyol at iba pang aralin tulad ng otograpiya. Hindi ito
sinunod ng mga prayle sa bansa sa kabila ng Multa sa hindi pagsunod sa batas na ito. Ang mga multa ay
pagbabayad ng Diez pesos sa unang paglabas habang pagsususpende ng 15 hanggang 6 na araw na
serbisyong walang bayad ang pinaka-mabigat na kautusan. Dahil ayaw ituro ng mga prayle ang kanilang wika
upang maipagpatuloy nila ang pananamantala sa mga Pilipino, napilitan na gamitin ang wikang katutubo sa
larangan ng edukasiyon sa bansa. Itinuro sa wikangh katutubo ang mga sumusunod (bata man o matanda):
Doktrina ng Kristiyanismo, Kasaysayan ng Espanya, Pagbabasa, Pagsusulat, Heograpiya, Artmetika,
Praktikal na Akrikultura at Pagkanta. Makikitang sa mga aralin/kasaysayang nabanggit, walang ni isa ang
pag aaral ng wikang Espanyol. Ito ay tuwirang paglabag sa utos o sinabi ng reyna ng espanya. Noong 1867,
marami ang nahikayat na mapasama sa mga “principalia” o mga nakapagsasalita, nakapagsusulat at
nakapagbabasa ng Espanyol dahil sa ipinalabas muling kautusan para makapag-aral ng Espanyol ang mga ito.
Noong 1889, may kautusan naming ipinalabas para gawing sapilitan ang pagpasok sa paaralan ng mga may
edad na 6 hanggang 12 taon. Ngunit katulad ng mga ibang dekri sa bansa, hindi parin ito napatupad.
Pareho ang mga ito na walang probisyon sa pagpatupad nito. Sa dinamirami ng kautusan, walang ni isang
naipatupad dahil sinasalungat ng mga prayleng Espanyol sa Pilipinas ang mga programang pang-edukasiyon
at pangwika sa bansa upang maipagpatuloy nila ang pananamantala sa mga kababayan natin.

Panahon ng Rebulusyong Filipino, sa panahong ito marami sa mga Pilipino ang nagkaroon ng damdaming
maka-bansa (diwa ng nasyonalismo), nagtungo sila sa ibang bansa upang magtamo ng karunungan
(illustrado) na nagbunsod upang makabuo ng mga kilusan. Sa panahon ding ito ang pangkat ni Bonifacio ay
gumamit ng tagalog para kanilang mga kautusan sa pagtatatag nito o pagpapatatag ng Republica ng biyak
na bato, tagalog ang ginamit. Tagalog ang kanilang ginagamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan.
Sinasabing ito ang unang hakbang sa debelopment ng Tagalog. Ang pagkilos na ito ay nagbigay diin upang
magkaroon ng pamahalaan ang mga Pilipino. Noong 1899, itinatag ang konstitusyon ng biak-na-bato.
Tagalog ang kanilang opisyal na wikang naitakda. Ng itinatag ang panahon ng unang republika sa ilalim ni
Gen. Emilio Aguinaldo, isinaad sa konstitusyong ito na ang paggamit ng Wikang tagalog ay Opsiyunal. Sa
makatuwid, gagamitin lamang ito kung kailangan lamang. Noong pamumuno ni Aguinaldo ang nagging wikang
opisyal ay Ingles, dahil ang pilipinas ay pinamumugaran na ng panahon ni Aguinaldo ng mga Amerikano noon.
Dahil din bumabangon na ang bansa natin at karamihan ng nasa Pilipinas noon ay mga Amerikano o mga
Amerikanong nag nenegosyan kaya ito’y naisipan ni Aguinaldo na ang Wikang Opisyal dapat ay Ingles. Mula
sa panahon ni Bonifacio at Aguinaldo, ang Wikang Opisyal ay Ingles.

You might also like