You are on page 1of 36

KASAYSAYAN

NG
WIKANG
PAMBANSA
PANAHON NG KASTILA
•Noong panahon ng pre-kolonyal may (17)
labimpitong letra ang alibata, (3)tatlo ang
patinig, (14)labing-apat ang katinig.
* Ang mga katinig ay binibigkas na may kasamang
tunog ng patinig na /a/. Kung nais basahin o bigkasin ang
mga katinig na kasama ang tunog na /e/ o /i/ nilalagyan
ang titik ng tuldok sa itaas. Samantala , kung ang tunog
ng /o/ o /u/ ang nais isama sa pagbasa ng mga katinig,
tuldok sa ibaba nito ang inilalagay.
*Samantala, kung ang nais kaltasin ay ang
anumang tunog ng pantig na kasama ng katinig sa
hulihan ang isang salita, ginagamitan ito ng
panandang krus(+)bilang hudyat sa pagkakaltas
ng huling tunog.
• Ipinag-utos ng Haring Felipe II ang Espanya noong
1594 para sa ikakadali ng pag-aaral at pagkaunawa
sa wikang Pilipino .
• Ang mga misyonaryo ay lubusang nag-aral ng wika
para sa kanilang nasasakupan. Ayon kay Phelan
(1995) nahati ang mga Augustinian at Heswita sa
buong kabisayaan ; sa mga Dominiko sa
Pangasinan,Cagayan kasama ang pag-aaral ng
wikang Instik . Ang mga Franciskano ay itinalaga sa
Katagalugan.
• Ang dating baybayin ay napalitan ng Alpabetong
Romano na binubuo naman ng 20 titik , limang (5)
patinig at labinlimang (15) katinig.
a , e, i,o,u b,k,d,g,h,l,m,n,ng,p,r,s,t,w,y

• Pagpapalaganap ng Kristyanismo ang isa sa naging


layunin ng pananakop ng mga Kastila.
• Ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryo
at aklat-panggramatika,katekismo at mga
kumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nila
ng katutubong wika.

• Naging usapin ang tungkol sa wikang panturong


gagamitin sa mga Pilipino.
• Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa
pagtuturo ng pananampalataya subalit hindi naman ito
nasunod:
- Gobernador Tello - turuan ang mga Indio ng wikang
Espanol
- Carlos I at Felipe II - kailangang maging bilinggwal ang mga
Pilipino
- Carlos I - ituro ang Doctrinang Kristyana sa pamamagitan
ng wikang Kastila .
• Marso 2, 1634 - muling
inulit ni Haring Felipe II
ang utos tungkol sa
pagtuturo ng wikang
Kastila sa lahat ng
katutubo.
• Carlos II - siya ang
naglagda ng isang
dekrito na inuulit ang
mga probisyon sa mga
nabanggit na batas.
Nagtakda rin siya ng
parusa para sa mga
hindi susunod dito.
• Disyembre 29, 1792 -
nilagdaan ni Carlos IV ang
isa pang deskrito na nag-
uutos na gamitin ang
wikang Kastila sa mga
paaralang itatatag sa
lahat ng mga pamayanan
ng Indio.
Panahon ng Rebolusyong
Pilipino/Propaganda
• Namulat ang damdaming makabayan ng
mga Pilipinong natutong maghimagsik sa
pang-aabuso ng mga mananakop. Maraming
nasulat na panitikan na hitik sa damdaming
makabayan

• Matindi ang damdaming nasyonalismo.


•Nanguna sa pagpapayaman ng wika
noong panahon ito sina Dr. Jose
Rizal, Graciano Lopez-Jaena ,
Antonio Luna , Marcelo H. del Pilar.

•Maraming akda ang naisulat sa


wikang tagalog.
• Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging
makabayan, masisidhing damdamin laban sa
mga Kastila ang pangunahing paksa na
kanilang naisulat.
• Saligang-Batas ng Biak-na-bato (1896) - ang
Wikang Tagalog ang magiging opisyal ng Pilipinas

• Saligang-Batas ng 1935- Ang Kongreso ay gagawa


ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na
batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
• Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas , ang
Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang
opisyal .
Panahon ng Amerikano
• Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga
Pilipino nang dumating ang mga Amerikano
sa Pamumuno ni Almirante Dewey.

• Ginamit nilang instrumento ang edukasyon


na sistema ng publikong paaralan at
pamumuhay na demokratiko.
•Thomasites- tawag noon sa mga gurong
sundalo.

•William Cameron Forbes- naniwala ang mga


kawal Amerikano na mahalagang
maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang
Ingles upang magkaroon ng pagkakaunawaan
ang mga Pilipino at Amerikano.
• Nagtatag ng lupon si Mckinley na
pinamumunuan ni Schurman na ang layunin ay
alamin ang pangangailangan ng mga Pilipino.

1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng


mga Pilipino.

2. Mas pinili ng mga lider-Pilipino na gamitin


bilang wikang panturo ang Ingles.
• Jorge Bocobo - naniniwalang ang lahat ng sabjek sa
primaryang baitang, kahit na ang ingles ay dapat ituro sa
pamamagitan ng diyalektong lokal.

• N.M Saleeby - isang amerikanong Superintende - ayon sa


kanya hindi pa rin magiging wikang panlahat ang wikang
ingles dahil sa kanya kanyang wikang bernakular

• Bise Gobernador Heneral George Butte - naniniwalang


epektibong gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo
sa mga Pilipino.
• Labag man sa inutos ni Mc Kinley na gamiting wikang
panturo ang mga wikang bernakular sa mga paaralan
ay nanatili pa rin ang Ingles na wikang panturo at
pantulong naman ang wikang rehiyunal.
• Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing
instrumento sa pagtuturo kaya ang Hispinasasyon
ng mga Kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon.
Nang manungkulan si Manuel L. Quezon bilang
Pangulo ng Komonwelt at si Sergio Osmena bilang
pangalawang Pangulo, binigyang-pansin ang isyung
“nasyonalismo”.
• Pebrero 8, 1935-Artikulo XIV , seksyon 3 ng
Konstitusyon 1935-binigyanyang pansin ang layung “
nasyunalismo” na ang magiging bagong wika ay
ibabase sa mga kasalukuyang katutubong wika meron
sa ating bansa.
• 1935-pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
wikang pambansa batay sa mga umiiral na
katutubong wika. ( Seksyon 3, Artikulo . XIV)

• 1936 - inaprubahan ng Kongreso ang Batas


Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng
Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-
aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na
magiging batayan ng wikang Pambansa.
• Disyembre 30, 1937 - sa pamamagitan ng
kautusang tagapagganap blg. 134 ng Pangulong
Quezon ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa
TAGALOG.
• Abril 1, 1940 - Paglilimbag ng isang balarila at
isang diksyunaryo sa WIkang Pambansa sa mga
paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong
Hunyo 19, 1940.

• Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas komonwelt


Blg. 570 na nagtadhana na simula Hulyo 4 1946 ,
ang Wikang Pambansa ay isa a mga opisyal na
wika ng bansa.

You might also like