You are on page 1of 5

Panahon ng Rebolusyong Pillipino

300 Daang taon ang pananakop ng mga Kastila namulat sila sa kaapihang dinanas. Sa panahong
ito, maraming Pilipino ang naging matindi ang damdaming Nasyonalismo at nagtungo sila
sa ibang bansa upang kumuha ng mga karunungan.
Ano nga ba ang Nasyonalismo?
Ito ay ang damdamin bumubugkos sa isang tao sa iba pang mga taong may pagkakapereho sa
kanyang wika, kultura o kailangan, at mga kaugalian o tradisyon

• Nagkaroon ang mga propagandista ng kilusan noong 1872 na siyang naging simula ng
kamalayan upang maghimagsik
• Sa panahong rebolusyon, sumisimbol sa mga maghihimagsik ang kaisipang “Isang Bansa,
Isang Diwa” Laban sa mga espanyol. Pinili nila ang tagalog sa pagsusulat ng mga
sanaysay, tula, kuwento, liham, at talumpati. Masidhing damdamin labas sa mga
Espanyol ang pangunahing paksa ang kanilang sinulat.

Si Jose Rizal ay naniniwala na ang wika ay malaking bagay upang mapag-


buklod ang kanyang mga kababayan

Noli Me Tangere
Ito ay isang nobela ni Jose Rizal na tumatalakas sa isang kinagisnang kultura ng Pilipinas sa
pagiging kolonya nito ng Espanya. Binaba-tikos din nobelang ito ang mga bisyo na nakasanayan
ng
mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay
ng Simbahang Katoliko.

La Solaridad
Opisyal na pahayagan noong Panahon ng Himagsikan. ang naging pangalan ng isang samahan ng
mga Pilipinong ilustrado sa Espanya na naghangad na magkaroon ng representasyon ang
Pilipinas sa Cortes Generales. Ito rin ang naging pangalan ng opisyal na pahayagan ng samahan
na itinatag noong 13 Disyembre 1888

El Filibusterismo
Ang pangalawang nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na
kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na Gomburza
o Gomez, Burgos, at Zamora
Konstitusyon ng Biak-na-bato noong 1899, ginawang opisyal na wika ang Tagalog, ngunit walang
isinasaad na ito ang magiging wikang pambansa ng repubilika.

Emilio Aguinaldo
Ang nagtatag ng unang republika kung saan isinasaad sa konstitusyunal na ang pag gamit ng
wikang tagalog ay opsyonal. Sa mga nangangailangan lamang ng wikang tagalog ito gagamitin,
ang pamamayani ng mga ilustrado sa asembleyang konstitusyunal ang naging pangunahing
dahilan nito

Andres Bonifacio
Ang nagtatag ng Katipunan, wikang tagalog ang ginagamit nila sa mga kautusan at pahayagan.
Ito ang unang hakbang sa pagtataguyod ng wika
 Panahon ng Amerikano
 Almirante Dewey
 Pagdagdag ng Ingles na nagkaroon ng malaking kaugnayan sa buhay ng mga Pilipino.

 Ginamit ang Wikang Ingles bilang wikang panturo


 Komisyong pinangunahan ni Jacob Schurman ay naniwalang kailangan ng Ingles sa
Edukasyong Primarya
 Nagtakda ng batas Blg. 74 noong ika-21 ng Marso 1901.

 Noong 1906 nagpadala ng mga Pilipinong iskolar ang pamahalaang kolonyal sa America.
 Bise Gobernador Heneral George Butte
Bernakular -ay tumutukoy sa anumang wika o diyalektong gin
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga dahilang nagtataguyod ng paggamit ng Ingles:

 Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magreresulta sa suliraning


administratibo.
 Ang paggamit ng iba't-ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng
rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo.
 Hindi magandang pakinggan ang nagkahalong wikang Ingles at Bernakular.

Malaki na ang nagasta ng pamahalaan para sa edukasyong pambayanat paglinang ng


Ingles upang maging wikang pambansa.
Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
Ingles ang wika ng pandaigdigang pangangalakal.
Ang Ingles ay mayaman sa katawagang pansining at pang agham.
Yamang nandito na ang Ingles ay kailangang hasain ang paggamit nito.

Mga Katwiran sa paggamit ng Bernakular


 Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging
wikang pambansa.
 Nakasaad ang probisyong pang wika sa Artikulo XIV Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng
1935.
 Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad ng opisyal na paglikha sa Surian ng Wikang
Pambansa noong Nobyembre 13 1936.
 Napili ang Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa .
 Ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas
na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.
Panahon ng mga Hapones

Pinahintulutan ng mga Hapon na pamunuan ng mga Pilipino ang sariling pamahalaan


bagamat ito’y nasa pamamatnubay ng Batas Militar. Pilit nilang binura ang mga
impluwensiyang iniwan ng Anglo-Amerikano sa mga Pilipino.
• Enero 2, 1942 – pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila
• Abril 9, 1942 – sumuko ang Bataan sa pwersa ng mga Hapones

Co-Prosperity Sphere for Greater East Asia

Ito ay itinatag ng mga Hapones upang pagbuklurin ang iba’t ibang bansa sa Asya at tanggalin
ang mga impluwensiya ng mga Anglo-Amerikano sa kabuhayang pampolitikal at panlipunan
ng Pilipino.

Puppet Republic
Ito ay ang makasariling pamahalaan ng Pilipinas na naglayong mabigyang-boses ang mga
Pilipino sa pamamahala ngunit naging sunod-sunuran lamang sa ilalim ng kapangyarihan ng
mga Hapon

Pagsulong ng Wikang Pambansa


• Ipinagbawal ang paggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga
Pilipino maging ang mga aklat at peryodiko na tungkol sa Amerika.

• Sa mga akdang pampanitikan ay mga katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog,
ang ginagamit. Kaya masasabing namayagpag ang panitikang Tagalog sa panahong ito.
Ordinansa Militar Blg. 13 (Hulyo 24, 1942)
 Nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapones (Nihonggo).

Philippine Executive Commission


 Pinamunuan ito ni Jorge Vargas.
 Itinatag upang maitaguyod ang patakarang militar ng mga Hapones at propagandang
pangkultura.
 Nagpatupad ng mga pangkalahatang kautusan buhat sa Japanese Imperial Forces sa
Pilipinas

Pagkaraan ng ilang buwang pananakop ng mga Hapones


• binuksan ang mga paaralang bayan sa lahat ng antas.
• itinuro ang wikang Nihonggo sa lahat kasabay ng pagbibigay-diin sa paggamit ng
Tagalog upang maalis na ang paggamit ng Ingles.
• nagturo ang gobyerno-military na Nihonggo sa mga guro ng paaralang-bayan, at kapag
sila’y bihasa na, sila naman ang magtuturo.

Pagtuturo ng Nihonggo sa mga Guro


Binibigyan ng katibayan ang mga nagsipagtapos upang maipakita ang ang kanilang
kakayahan sa wikang Nihonggo. Ang katibayan ay may tatlong uri:
• Junior -Intermediate - Senior
KALIBAPI (Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas)
 Mga Layunin:

 Pagpapabuti ng edukasyon at moral na rehenerasyon


 Pagpapalakas at pagpapaunlad ng kabuhayan sa pamamatnubay ng Imperyong
Hapones
 Si Benigno Aquino ang nahirang na direktor nito.
 Ang pangunahing proyekto nito ay ang pagpapalaganap ng wikang Pilipino sa
buong kapuluan katulong ang Surian ng Wikang Pambansa.

Pagsulpot ng mga Debate sa Wika


 Nagkaroon ng usapin sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng wikang pambansa at
liberal na aral sa tradisyon ng mga Amerikano ngunit hindi ito lantarang ipinakikita
dahil sa Batas Militar.
 Mayroon ding debate sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga kapwa Tagalista
na nagtatalo tungkol sa maliliit na bagay, katulad ng kung saan gagamitin ang
gitling.
 Nagkaroon din ng argumento ang mga Tagalog sa di Tagalog.
 May usapin sa pagitan ng mga Tagalista laban sa mga may kaalamang
panglingguwistika na kapwa naman para sa wikang pambansa ngunit nagnanais
lamang na matalakay ang wika batay sa pagiging agham nito. Hindi sumang-ayon
ang mga Tagalista sa labis na pagiging tradisyonal ng mga may kaalamang
panglingguwistika dahil sa kanilang palagay ay hindi ito makatwiran.

Talakayan sa Wika

May tatlong pangkat na namayagpag sa usaping pangwika.


• Pangkat ni Carlos Ronquillo
• Pangkat ni Lope K. Santos
• Pangkat nina N. Sevilla at G. E. Tolentino
Bagamat maliliit na bagay lamang ang kanilang mga ‘di napagkakasunduan ay tumawag ito ng
pansin.

Pagbuhay sa Surian ng Wikang Pambansa

Tinuruan ni Jose Villa ang mga Hapones at mga ‘di Tagalog ng wikang Tagalog. Ginawa niya
ang kanyang tinawag na “A Shortcut to the National Language” upang madaling matuto ang
kanyang mga mag-aaral. Ito ay iba’t ibang mga pormularyo upang lubos na matutuhan ang
wika.

You might also like