Group1 PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO •Pagkatapos ng 300 TAON na pananakop ng mga Kastila, namulat ang mga Pilipino sa kanilang kaapihang dinanas.
•Naging matindi ang damdaming
NASYONALISMO. Noong 1872, nagkaroon ng kilusan ang mga
•PROPAGANDISTA na siyang naging simula ng
kamalayan upang maghimagsik. Sumibol ang kaisipang "ISANG BANSA, ISANG DIWA"
Si Jose Rizal ay naniniwala na ang wika ay
malaking bagay upang mapagbuklod ang kanyang mga kababayan. KONSTITUSYON NG BIAK NA BATO- 1899 nang ginawang opisyal na wika ang Tagalog ngunit walang isinaad na patakaran na ito ang magiging wikang pambansa.
ANDRES BONIFACIO nagtatag ng Katipunan na
kung saan Tagalog ang ginagamit sa mga kautusan at pahayan. - Ang paggamit ng Tagalog ay sinasabing unang hakbang sa pagtataguyod ng wika.
EMILIO AGUINALDO- itinatag ang Unang Republika
na kung saan isinasaad na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opsiyonal at gagamitin lang kung nangangailangan. NOLI ME TANGERE- nobela ni Jose Rizal na tumatalakay sa kinagisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya ng
Espanya. LA SOLIDARIDAD- opisyal na
pahayan noong Panahon ng Himagsikan.
EL FILIBUSTERISMO- inialay sa tatlong
paring martir na kilala sa bansag na "GomBurZa" o Gomez, Burgos at Zamora.. Kasaysayan ng wika sa panahon ng Amerikano • Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging tagapagsagip ang mga Amerikano nang dumating sila noong 1898 sa pamumuno ni Almirante Dewey na tuluyang nagpabagsak sa pamahalaang Kastila.
• Edukasyon naman ang naging
pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. • BATAS BLG. 74 (pitompu't apat) itinakda noong ika-21 (dalawampu't isa) ng Marso 1901 (isang libo siyam na raan at isang taon)
-nagtatag ng mga paaralang
pambayan at nagpahayag na wikang Ingles ang gagawing wikang panturo
• NOONG 1925, sa pamamagitan ng
sarbey ng Komisyong Monroe. • Hindi naging madali para sa mga nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles, at hindi nila maiwasan ang paggamit ng bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag-aaral. Dahil dito. inirekomenda na ipagamit ang bernakular bilang wikang pantulong.
• NOONG 1931, si George Butte, ang Bise
Gobernador-Heneral, ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral.Sumang-ayon dito sina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw. 📌Ang mga katwiran naman ng nagtataguyod ng paggamit ng bernakular ay ang mga sumunod.
• Walumpung porsiyento ng mag-aaral
ang nakaaabot ng hanggang ikalimang grado lamang.
• Kung bernakular ang gagamiting
panturo,magiging epektibo ang pagtuturo sa primary.
• Nararapat lamang na Tagalog ang
linangin sapagkat ito ang wikang komon sa Pilipinas. • Ang paglinanang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo.
• Nararapat lamang na magsagawa ng mga bagay
para sa ikabubuti ng lahat katulad ng paggamit ng bernakular.
• Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa
wikang Ingles ang mga Pilipino.
• Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang
panturo upang magamit ang bernakular, kailangan lamang itong pasiglahin. 📍 Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat na maging wikang Pambansa kaya naman ipinalabas noong 1973 ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag- aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang Pambansa.
📍 Nang panahon ding iyon ay hindi gaanong
naging mahalaga sa mga manunulat na Pilipino kung hindi pa rin sila ganap na malayang makasulat ng talagang nais nilang isulat. 📍Para sa mga manunulat na Pilipino, ang pinakamahalagang naganap ay nakakawala sila sa galamay ng kaisa-isang paksang maari nilang talakayin sa panahon ng Kastila.
📍 Sa ilalim ng batas sedisyon ay hindi sila maaaring magsulat
nang lantaran laban sa mga Amerikano.
📍 Samantala, inilahad naman sa Pinoypanitik ang pagkakahati-
hati ng yugto sa panahon ng mga Amerikano 1901-1942 (a) Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan; (b) Panahon ng Romantisismo sa Panitikan (c) Panahon ng Malasariling Pamahalaan.
📍 Umusbong sa mga panahong ito ang iba't ibang mga akdang
pampanitikan. 📍Katulad din ng mga ito, kung ano ang sigabo at siglang ipinamalas ng mga nobelista sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ay ganoon din ang panlulupaypay at halos paglalaho nito nang sumunod na panahon.