You are on page 1of 2

Nang sumapit ang panahon ng reboluston, marami na ring mga Pilipino ang naging matindi and

damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa ibang bansa upang mag-aral gaya nina Dr. Jose Rizal,

Garciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, at Marcel H. del Pilar. Samantala, itinakda noong 1897 sa panahon

ng himagsikan ng Saligang Batas ng Biak na Bato na nag-aantas na ang wikang Tagalog ang magiging

opisyal na wika ng mga Pilipino. Ito ang naging midyum sa mga pahatid-sulat at dokumento ng

Katipunan. Bunsod ng damdaming nasyonalismo, dumami ang mga akdang pampanitikang makabayan

na nasusulat sa wikang Tagalog (Badayos, et at, 2009). Pawang mga akdang nagsasaad ng pagiging

makabayan, masisidhiing damdamin laban sa mga Kastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga

isinulat.

Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mga Pilipino nang dumating ang mga Amerikano sa pamumuno

ni Almirante Dewey. Ginamit nilang intrumento ang edukasyon na sistema ng pampubliking paara;an at

pamumuhay na demokratiko. Sa kapangyarihan ng Batas Blg. 74 ng Komisyong Pampilipinas noong

1901, ipinag-utos na gamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralang bayan na itatatag (De

Vera, 2010:47) Ang mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasites ang mga naging guto noon.

Naniniwala ang mga kawal Amerikano na mahalagang maipalaganap agad sa kapuluan ang wikang ingles

upang madaling magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano.

Sa panahon ng pamahalaang Komonwelt noong 1935, nagkaroon ng pagsusulong para sa isang

probisyong pangwika na magtatakda ng kikilalaning wikang pambansa. Sa pamamagitan ng Saligang

Batas 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3, ang Pambansang Asembleya ay naatasang gumawa ng mga

hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng lahat ng wikang pambansa salig sa isa sa mga wikang

opisyal. Sa panahong wala pang natatakda and batas, Ingles at Kastila ang kinikilalang mga wikang

opisyal. Bunga nito, pinagtubay ang Pambansang Asembleya noong Nobyembre 13, 1936 ang Batas

Komonwelt Blg. 184 nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na may tungkuling magsaliksik sa
mga diyalekto sa Pilipinas bilabg magiging batayan ng wikang pambansa. Naging saigan sa pagpili ay ang

wikang maunlad sa kayarian, mekanismo at literatura, at ginagamit ng nakararaming Pilipino. Si Jaime C.

de Veyra ang unang tagapangulo ng SWP at matapos maisagawa ng Surian and atas ng batas, ipinahayag

ni Pangulong Quexon ang Kautusan Tagapagpaganap Blg, 134 na nagreerekomenda ng TAgalog ang

gawing saligan ng wikang pambansa. Taong 1940, sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263,

ipinahintulot ng Pambansa, Sinimulang din ituro sa mga paaralang publiko at probado ang wikang

pambansa na batay sa Tagalog

Ang pagsiklab ng ikalawang digmaang pandaigdig na nabunsod ng mga Hapon sa bansa, ipinagamit nila

ang katutubong wika partikular ang wikang Tagalog. Nagbunga ito ng pagdami

You might also like