You are on page 1of 2

KASAY SAYAN NG WIKANG FILIPINO

PANGAHON NG KASTILA
Espanyol- ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo

PANGAHON NG AMERIKANO
Nang sakupin ng mga ameriko ang pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginagamit ng mga
bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon,
Ingles at Espanyol
Sa kalaunan, napalitan ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami na ang
natutong magbasa at magsulat sa wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay
sa rekomendasyon ng Komisyong Schurman noong Marso 4, 1899.
Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas ay nasa wikang Ingles na.
(Boras-Vega 2010).
Ngunit sa simula pa lamang ng pakikibaka para sa kalayaan, ginagamit na ng mga katipunero
nag wikang tagalog sa mga opisyal na kasulatan. Sa konstitusyong Probinsyonal ng Biak-na-Bato
noong 1897, itinadhang Tagalog ang opisyal na wika.
Noong marso 24, 1934, ipinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos
ang batas Tydings-Mcduffie ng nag tatadhanang pag kalooban ng Kalayaan ang Piliponas matapos
ang sampung taong pag-iral ng pamahalaang komonwelt.

Artikulo XIV Seksyon 3 ng Konstitusyon ng 1935 Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nag tatadhana ng


tungkol ng wikang Pambansa: “…ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad
at pagpapatibay ng isang wikang Pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
(Pebrero 8, 1935)

Katutubong wika/pangunahing wika sa Pilipinas:

Cebuano Pangasinan
Hiligaynon Kapampangan
Samar Leyte Tagalog
Bikol Ilokano

Oktubre 27, 1936


Itinagubilin ng pangulong Manuel Louis M. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea
Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng wikang Pambansa ng gagawa ng isang pag-aaral ng mga
wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang
panlahat na batay sa isang wikang umaiiral.

Nobyembre 13, 1936


Pinagtiabay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt
Blg. 184 na lumilikha ng isang surian ng Wikang Pambansa, at itinakda ang mga kapangyarihan at
tungkulin niyon.
Tungkuling ng SWP:
1. Pag -aralan ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man
lamang;
2. Paggawa ng pahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto;
3. Pagsusuri at pagtiyak sa fonetika at ortograpiyang Pilipino;
4. Pagpili ng katutubong wika na syang magiging batayan ng wikang Pambansa na dapat umaayyos
sa (a) ang pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, at (b) ang wikang tinatanggap at ginagamit ng
pinakaraming Pilipino.

Enero 12, 1937


Hinirang ng pangulong Manuel Quezon ang mga kagawad na bubuo ng surian ng Wikang
Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa pagkakasusog ng
batas Komonwelt Blg, 333

Ang mga nahirang na kagawad ay ang mga sumusunod:

Jaime C. Veyra (Visayang Samar) – Tagapangulo


Cecilio Lopez (Tagalog) – Kalihim at Punong Tagapagpaganap
Santiago A. Fonacier (Ilokano) – Kagawad
Filemon Sotto (Visayang Cebu) – Kagawad
Felix S. Rodriquez (Visayang Hiligaynon) – Kagawad
Casamiro F. Perfecto (Bikol) – Kagawad
Hadji Butu (Muslim), Kagawad

Mga Kagawad
Lope K. Santos (Tagalog)
Jose I. Zulueta (Pangasinan)
Zoilo Hilario (Kapampangan)
Isidro Abad (Visayang Cebu)

Nobyembre 9, 1937
Bunga ng ginagawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng batas komonwelt Blg. 184, ang
Surian ng Wikang Pambansa ay nagbitay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag na ang Tagalog
ang “Siyang halos na lubos na katutugon sa mga hinihingi ng Batas Komonwelt Blg. 184”,
Kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng Pilipinas ng iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang
Pambansa.

You might also like