You are on page 1of 2

Panahon ng Komonwelt

Pagkalipas ng mahigit tatlong dekada ng direktang control sa Pilipinas (1901-1935),


gumawa na rin ng malaking hakbang ang Estados Unidos upang maipagkaloob sa mga Pilipino
ang ganap na kalayaang pampolitika at mapamahalaan ang sarili. Pinatunayan ito ng Philippine
Independence Act, mas kilala sa tawag na batas Tydings-Mcduffie (sunod sa pangalan ng mga
may-akda nitong sina Senador Milard Tydings at Kinatawan John Mcduffie ng Estados Unidos),
na ipinasa ng Kongreso ng Estados Unidos at pinagtibay noong ika-24 ng Marso 1934.
Ang kalayaan ay batayang karapatan. Hindi ito utang ng isang bansa sa mga mananakop na
“nagbalik” nito sa kaniya. Taglay na ng bansa ang kalayaan bago pa man dumating ang mga
manlulupig.
Katutubong Wika/ Pangunahing Wika sa Pilipinas
- Cebuano - Ilokano
- Hiligaynon - Pangasinan
- Samar Leyte - Kapampangan
- Bikol - Tagalog
 Oktubre 27, 1936
-Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kaniyang mensahe sa Asemblea
Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-
aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at
makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.

 Batas Komonwelt Blg. 184


-Ito ay ipanatupad bilang probisyong pangwika sa Saligang Batas 1935 na pinamunuan
ni Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936 na naglalayong bumuo ng samahang
pangwika.

 Batas Komonwelt Blg. 333


- Ito ang batas na nagpapatibay sa pagkaroon ng nasabing samahan na Surian ng Wikang
Pambansa (SWP)

Layunin ng SWP:
1. Pag-aralan ang mga pangunahing wikang sinasalita ng hindi bababa sa kalahating
milyong Pilipino at magsagawa ng komparatibong pag-aaral sa mga bokabularyo ng mga
ito.
2. Patibayin at paunlarin ang isang pangkalahatang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.
3. Piliin ang katutubong wikang higit na mayaman sa panitikan, setro ng kalakalan at
ginagamit ng nakararaming Pilipino.

 Enero 12, 1937


- Hinirang ng Pangulong Manuel Quezon ang mga kagawad ng bumuo ng Surian ng
Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksiyon 1, Batas Komonwelt Blg. 184, sa
pagkakasusog ng Batas Komonwelt Blg. 333.
Mga Nahirang o Kasapi ng SWP

Unang Pangulo: Jaime C. de Veyra (Visayang Samar / Waray)


Kalihim at Punong Tagapagpaganap: Cecilio Lopez (Tagalog)
Mga Kagawad: Santiago Fonacier (Ilokano) Felimon Sotto (Cebuano)
Casimiro Perfecto (Bikolano) Felix Salas Rodriguez
( Hiligaynon)
Hadji Butu (Muslim) Lope K. Santos
Jose I. Zulueta (Pangasinan) Zoilo Hilario
(Kapampangan)
Isidro Abad (Visayang Cebu)
 Nobyembre 09, 1937
- Bunga ng ginawang pag-aaral, at alinsunod sa tadhana ng Batas Komonwelt Blg. 184,
ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y
ipinahahayag na ang Tagalog ang “siyang halos na lubos na nakatutgon sa mga mga
hinihinig ng Batas Komonwelt Blg. 184”, kaya’t itinagubilin niyon sa Pangulo ng
Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng wikang pambansa.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134
- Ito ay pinagtibay ni Pangulong Quezon noong Disyembre 30, 1937 na Tagalog ang
batayan ng wikang pambansa.
 Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (Abril 01, 1940)
- Sa bias nito nabuong ganap ni Lope K. Santos ang talatinigang may pamagat ng “A
Tagalog- English Dictionary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”

You might also like