You are on page 1of 3

BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

MAIN CAMPUS
ANDREA MAE P. BANZON BSCS-ND 1A

WIKANG PAMBANSA

( ANG PINAGMULAN, PAGSIBOL AT PAGLINANG )

•ANG PINAGMULAN ( KOMUNIKASYON NG MGA SINAUNANG TAO)

ANG ALIBATA (BAYBAYIN)

Ito ang sinaunang alpabeto na ginamit ng mga katutubo bago pa man dumating ang mga manlalayag at
mananakop sa ating bansa. Ito ay binubuo ng tatlong patinig at labing apat na katinig. Sa pagdating ng
mga kastila sa ating bansa, kanilang inaral ang sinaunang alpabeto at ginamit upang ipangaral ang
kanilang prinsipyo at paniniwala.

Sa gitna ng pananakop ng mga kastila sa mga katutubo, hindi nila nagawang maituro ang kanilang wika
sa Indio ngunit pursigidong matuto ang ilang mga Indio at mga ilustrado ng wikang kastila. Dito sumibol
ang nasiyonalismo ng Pilipino. Nag-umpisang magsulat ng mga obra at akda ang mga ilustradong pinoy.
Ito ang nagbigay daan sa rebolusyon ng mga Pilipino laban sa mga kastila. Sa pagtatapos ng pananakop
ng mga kastila, ilan sa mga salitang espanyol ang naisalin sa wikang tagalog

• mundo (earth) • karwahe (carriage)

• telefono (telephone) • libro (book)

• lamesa (desk) • Enero (January) hanggang Disyembre (December)

at marami pang iba.

• ANG PAGSIBOL ( PAGSILANG SA ISANG WIKA PARA SA ISANG NAGKAKAISANG BANSA )

Sa pagdating ng mga Amerikano, naging bukas sa mga Pilipino ang mga paaralan ngunit ang wikang
ginamit bilang midyum sa pagtuturo ay Ingles. Noong 1936, ang kauna unahang kongreso ay nagpasa ng
batas upang itatag ang surian ng wikang pambansa. Upang magsagawa ng pag-aaral tungkol sa dapat na
gamitin ng wikang pankalahatan. Noong sumunod na taon, iminungkahi ng surian ng wikang pambansa
kay Pang. Manuel L. Quezon na tagalog ang maging wikang pambansa. Makalipas ang dalawang taon,
naisangkatuparan ang mungkahi ng surian ng wikang pambansa matapos magkabisa ang kautusang
tagapagpaganap bilang 134 na inilabas ni Pangulong Quezon. Noong 1940, inilimbag ang isang
diksyunaryo at gramar ng wikang pambansa. Sinimulan na rin ang paggamit ng wikang pambansa sa mga
paaralan. Dahil sa pagkilala nagkaroon na tagalog na bersyon ang mga salitang ingles.

• terminal • trak • peke • Nars •keyk •telebisyon

at marami pang iba.


• ANG PAGLINANG ( ANG PAGPAPALAWIG SA PAGGAMIT NG WIKANG PAMBANSA SA KINABUKASAN )

Sa pagdating ng mga hapon sa Pilipinas, naging mahigpit ang pagpagbabawal paggamit ng wikang ingles
sa komunikasyon, pahayagan at iba pang midya. Dito nagsimula sumibol ang mga akdang isinulat sa
wikang Tagalog ng mga manunulat gaya nila LopeK. Santos at NUM Gonzales. Nabuhay muli sa
panahong ito ang mga pahayagang tagalog gaya ng liwayway. Sa pamamagitan nito, nagkaroon ng
matinding pagsulong at paglinang sa wikang pambansa dahil halos ito lang ang maaring gamiting wika.
Ibinahagi din ng mga hapon ang kanilang wika, ang niponggo at ilan dito ay nasalin din sa ating
pambansang wika.

• apa • tamang- tama • jack-en-yoy • kimono • karaoke

at marami pang iba.

Sa pag-alis ng mga hapon sa pilipinas nabuhay muli ang paggamit ng ingles sa mga pahayagan at midya.
Dahil dito, sa panungkulan ni Pangulong Ramon Magsaysay, kaniyang pinangunahan ang pagdiriwang sa
linggo ng wika sa pamamagitan ng proklamasyon Bilang 12.

Una itong ipinagdiwang noong Marso 29, 1951 hanggang Abril 4, 1951 at taun-taon itong ginagawa. Ang
pagdiriwang ay itinapat sa kaarawan ni Francisco Balagtas bilang pagkilala sa kanyang ambag sa wikang
pambansa. Sa sumunod na taon, ipinalabas ni pangulong Magsaysay ang proklamasyon Bilang 186. Ito
ay upang ilipat ang pagdiriwang ng linggo ng wika sa buwan ng Agosto, sa pagitan ng ika-13 at ika-19
taun-taon.

Ang pagdiriwang ay itinapat naman sa kaarawan ng dating presidente Manuel L. Quezon upang
magbigay pagkilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa". Noong 1959, ang wikang pambansa na may
katawagang " WIKANG TAGALOG"ay pinalitan ng "WIKANG PILIPINO" sa bisa ng isang kautusan ng dating
kalihim ng edukasyon na si Jose Romero.

Noong panahon ng batas militar, lalo pang umigting ang pagsulong ng wikangwikang Filipino dahil sa
matinding nasyonalismo ng mga tao. Maraming mga pahayagan at manunulat ang gumamit ng wikang
Filipino upang mamulat ang mamamayan na labanan ang diktador na gobyerno. Dito rin umusbong ang
mga katha at mga awiting makabayan. Sa panahon ni Pangulong Corazon Aquino, pinagtibay ang
paggamit ng wikang Filipino bilang pambansang wika aa pamamagitan ng pagrapika ng Konstitusyon ng
1987.

CONSTITUTION OF THE PHILIPPINES

Isinasaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyon ng 1987 ang probisyong kumikilala sa Filipino bilang
wikang pambansa, at ito ay dapat linangin, pagyabungin, at pagyamanin. Noong Agosto 14, 1941,
nilagdaan ni Pangulong Aquino ang batas pambansa bilang 7104 na nagpapatibay sa pagtatayo ng
komisyon sa wikang Filipino. Sa panahong ring ito umusbong ang iba't-ibang mga awiting Filipino na
nakilala naman sa tawag na "OPM" o "Orihinal na Pilipinong Musika". Nagsilabasan din ang mga
dayuhang obra sa telebisyon na pinatungan ng boses na nagsasalita sa wikang Filipino. Sa kasalukuyang
panahon, marami na ring mga barayti na hango sa wikang Pilipino ang naglabasan.

You might also like