You are on page 1of 2

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA

PANAHON NG ESPANYOL
Espanyol – ang opisyal na wika at ito rin ang wikang panturo
PANAHON NG AMERIKANO
Nang sakupin ng mga Amerikano ang Pilipinas, sa simula ay dalawang wika ang ginamit ng mga
bagong mananakop sa mga kautusan at proklamasyon, Ingles at Espanyol. Sa kalaunan, napalitan
ng Ingles ang Espanyol bilang wikang opisyal. Dumami na ang natutong magbasa at Magsulat sa
wikang Ingles dahil ito ang naging tanging wikang panturo batay sa rekomendasyon ng Komisyong
Schurman noong Marso 4, 1899. Noong 1935 halos lahat ng kautusan, proklamasyon at mga batas
ay nasa wikang Ingles na. (Boras-Vega 2010)

Isang arkipelago ang Filipinas kung kaya nagkaroon ito ng maraming katutubong wika. Ang
maganda sa penomenong ito ay nagkaroon din ng kaniya-kaniyang literatura ang bawat
etnolingguwistikong grupo. Dahil dito, maraming mulat na mga kritiko katulad ni Isagani R. Cruz
ang nagsasabing “isa sa pinakamayamang literatura sa mundo ay ang literatura ng Filipinas." Noon
pa mang sinulat ang 1935 Konstitusyon, nabanggit na ang pagkakaroon ng wikang pambansa.
Nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 3 na, “Ang Konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na
katutubong wika." (Art. 14, Sek. 3) Noong 1936, itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian
upang mamuno sa pag-aaral at pagpili sa wikang pambansa. Tungkulin ng Surian na magsagawa ng
pananaliksik, gabay at alituntunin na magiging batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng
Filipinas. Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at
napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa." Ipinalabas ni Pangulong Quezon
noong 1937 ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng
wikang gagamitin sa pagbubuo ng wikang pambansa. Dahil sa pagsusumikap ni Pangulong Quezon
na magkaroon tayo ng wikang pagkakalilanlan, hinirang siyang “Ama ng Wikang Pambansa."
Noong 1940 ipinalabas ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapaganap Blg. 203 na
nagpapahintulot sa pagpapalimbag ng Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang
Pambansa. Pinasimulan din nito ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng mga paaralan sa
buong bansa. Noong 1959 nagpalabas si Kagawaran ng Edukasyon Kalihim Jose Romero ng
Kautusang Blg. 7 na nagsasaad na Pilipino ang opisyal na tawag sa wikang pambansa. Sa 1973
Konstitusyon noong kapanahunan ng diktador na si Pangulong Ferdinand Marcos, nakasaad sa
Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 na “ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa
pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Pilipino. Hangga’t hindi binabago
ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas." Noong
panahon naman ng Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino muling
binago ang Konstitusyon noong 1987 kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Seksiyon 6 na: “Ang
wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika." Mahalaga ang papel
ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng Filipino, na sa ngayon ay nagbabago ang anyo.
Idinagdag sa alfabetong galing sa Tagalog ang mga letra na
f, j, q, v, at z

PANAHON NG KATUTUBO
Bago pa man dumating ang mga Espanyol at sakupin ang Pilipinas, mayroon ng sining, pamahalaan
(barangay), batas, panitikan at wika ang mga katutubo noon. Karamihan samga panitikan nila’y
yaong mga pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain, at
awiting bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at mga
katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinnakaunang anyo ng dula sa bansa. Habang
kadalasan ay pasalin-dila, gumamit din sila ng mga biyas ng kawayan, dahoon ng palaspas at balat
ng punong kahoy upang maging pinakapapel noon.

Ang ginagamit nilang panulat ay ang dulo ng matutulis na bakal (lanseta). Ito ang ginagamit upang
isulat ang ating alibata na may lambim pitong letra, tatlo ang patinig, labing-apat ang katinig.
Pinatunayan ni Padre Chirino ang kalinangan ng Pilipinas sa kaniyang

Relacion de las Islas Filipinas

(1604).

Ayon sa kanya, mayroong sariling Sistema ng pagsulat ang mga katutubo noon at ito ay tinatawag
na Baybayin o Alibata. Ang mga gawa ng mga katutubo noong ay sinunog ng mga Kastila dahil ito
daw ay gawa ng demonyo.

You might also like