You are on page 1of 1

Pangkat 3 at 6

3 – CARRANCEJA,COPINA, DILIG
6 – MADDELA, MANALO , PAZ

Timeline
1935 - sinulat ang konstitusyon na kung saan nabanggit ang pagkakaroon ng wikang pambansa. Nakasaad sa Artikulo 14
Seksiyon 3 na, ang kongreso ay gagawa ng paraan upang mapaunlad ang wikang Filipino.

1936 - Ang Pangulong Manuel L. Quezon ay nagtatag ng surian upang pamunuan ng pagaaral at pagpili ng wikang
pambansa. Si Jaime De Vera ang naging tagapangulo ng Komite na ito.

1937 - Pinalabas ni pangulong Quezon ang kautusang tagapagpaganap bilang 134 na nagaatas na ang wikang tagalog ang
gagamitin sa pag gawa ng wikang pang bansa.

1940 - ipinalabas ng Pangulong Quezon ang kautusang tagapagpaganap blg. 203 na nagpahintulot sa pagpapalimbag ng
Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang pang bansa. Nagsimula rin ang pagtuturo ng wikang pambansa sa lahat ng paaralan.

1959 - Nagpalabas si Jose Romero, Kagawaran ng Edukasyon, ng kautusan bilang 7 na nagsasaad na Filipino ang opisyal
na tawag sa Wikang Pambansa.

1973 - Panahon ng Pangulong Ferdinand Marcos na nakasaad ang Artikulo 15 Seksyon 2 at 3, na ang Batasang Pambansa
ay magsasagawa ng paraan upang mapaunlad ang pag gamit ng Pambansang Wikang Pilipino.

1987 - Sa panahon ng rebolusyonaryong gobyerno, sa ilalim ni pangulong Corazon C. Aquino ay muling binagonang
konstitusyon kung saan nakasaad sa Artikulo 14 Section 6 na ang Pambansang Wika ng Pilipinas ay Filipino. Ngunit ito ay
dapat na payabungin pa hango sa Wika ng Pilipinas at iba pang Wika

Bilang behikulo:
Ang pagkakaroon ng pilipinas ng maraming katutubong wika ay nagbigay daan upang magkaroon ng kaniya kaniyang
literatura ang bawat etnolongistikong grupo sa ating bansa.

Mahalaga ang papel ng mga wikang katutubo sa pagpapayaman ng filipino.

Bilang behikulo napagbubuklod-buklod ng wika ang iba't ibang pangkat etniko sa pilipinas.

Bilang instrumento ang wika ay ginagamit sa komunikasyon at pakikipagugnayan sa ibang lahi.

Ang wika ay isa rin sa mga paraan upang maipahayag ang ating ideya at saloobin.

Magagamit din ang sariling wika sa paglalahad ng ating sariling kwentong alamat, parabola at iba pang sulatin.

At ang paggawa ng liham pangangalakal, liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto
na nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay halkmbawa ng wika bilang instrumento.

Ang inang wika ay naging isa ring halimbawa sa pagpapaunlad ng ating kaalaman sa pagpapalaganap ng ating sariling
wika.

You might also like