You are on page 1of 6

MODULE 1: KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA: PANAHON NG

ESPANYOL AT PANAHON NG AMERIKANO


Panahon ng mga Kastila
Maraming pagbabago ang naganap at isa na ritoang sistema ng ating pagsulat.
 Ang dating alibata ay napalitan ng AlpabetongRomano na binubuo naman ng 20 titik, limang (5)patinig at labinlimang
(15) katinig.
a, e, i, o, u b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, 

Pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang isasa naging layunin ng pananakop ng mgaKastila.

Ngunit nagkaroon ng suliranin hinggil sakomunikasyon.

Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mgapaaralang magtuturo ng wikang Kastila samga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng
mgaprayle.

Ang mga misyonerong Kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo.1. Mas madaling matutuhan ang wika
ng isangrehiyon kaysa ituro ito sa lahat ang Espanyol.2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisakung ang isang
banyaga ay nagsasalita ngkatutubong wika.

 Ang mga prayle’y nagsulat ng mga diksyunaryo
at aklat-panggramatika, katekismo at mgakumpesyonal para sa mabilis na pagkatuto nilang katutubong wika

Naging usapin ang tungkol sa wikang panturonggagamitin sa mga Pilipino.


Inatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubosa pagtuturo ng pananampalataya subalit hindinaman ito nasunod.

Gobernador Tello
 – turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol

Carlos I at Felipe II
 – kailangang magingbilinggwal ang mga Pilipino
Carlo I
 – ituro ang doktrinang Kristiyana sapamamagitan ng wikang Kastila
Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni HaringFelipe II ang utos tungkol sa pagtuturo ng wikang Kastila sa lahat ng
katutubo

Hindi naging matagumpay ang mga kautusangnabanggit kung kaya si Carlos II ay naglagda ngisang dekrito na inuulit
ang mga probisyon samga nabanggit na batas. Nagtakda rin siya ngparusa para sa mga hindi susunod dito.

Noong Disyembre 29, 1792, nilagdaan ni CarlosIV ang isa pang dekrito na nag-uutos na gamitinang wikang Kastila sa mga
paaralang itatatag salahat ng mga pamayanan ng Indio.

Panahon ng Propaganda

Sa panahong ito, marami na ring mga Pilipino angnaging matindi ang damdaming nasyonalismo.Nagtungo sila sa ibang
bansa upang kumuha ng mgakarunungan.

Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna,Marcelo H. del Pilar

Sa panahong ito ay maraming akdang naisulat sa wikang Tagalog. Pawang mga akdang nagsasaad ng pagigingmakabayan,
masisidhing damdamin laban sa mgaKastila ang pangunahing paksa ng kanilang mga isinulat.
Panahon ng mga Amerikano

Nagsimula na naman ang pakikibaka ng mgaPilipino nang dumating ang mga Amerikano sapamumuno ni Almirante
Dewey

Ginamit nilang instrumento ang edukasyon nasistema ng publikong paaralan at pamumuhay nademokratiko

Mga gurong sundalo na tinatawag na Thomasitesang mga naging guro noon.


 William Cameron Forbes
 – 
 naniniwala ang mgakawal Amerikano na mahalagang maipalaganapagad sa kapuluan ang wikang Ingles upangmadaling
magkaunawaan ang mga Pilipino at Amerikano

Nagtatag ng lupon si Mc Kinley napinamumunuan ni Schurman na ang layunin ayalamin ang pangangailangan ng
mga Pilipino1. Isang pambayang paaralan ang kailangan ng mgaPilipino2. Mas pinili ng mga lider-
Pilipino na gamitinbilang wikang panturo ang Ingles

 Jorge Bocobo
 – 
 naniniwalang ang lahat ngsabjek sa primaryang baitang, kahit na ang Inglesay dapat ituro sa pamamagitan ng
diyalektonglokal

N.M Saleeby, isang Amerikanong Superintende
 – 
 kahit na napakahusay ang maaaring pagtuturosa wikang Ingles ay hindi pa rin ito magiging wikang panlahat dahil ang
mga Pilipino ay maykani-kaniyang wikang bernakular nanananatiling ginagamit sa kanilang mga tahananat sa iba pang
pang-araw-araw na gawain

Bise Gobernador Heneral George Butte


 – 
 naniniwalang epektibong gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino

Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang bernakular samga paaralan ay nanatili pa
rin ang Ingles na wikang panturo at pantulong naman ang wikangrehiyonal
MODULE 2: KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA:
PANAHON NG KOMONWELT AT PANAHON NG HAPONES
Ang Pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay ang panahon sa Kasaysayan ng Pilipinas mula 1942 hanggang 1945,
noongIkalawang Digmaang Pandaigdig, kung kailan nilusob ng Imperyo ng Hapon ang Pilipinas na dating tinatabanan o
nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

Habang nagaganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binomba ng hukbo ng mga


sundalong Hapones ang Pilipinas noong Disyembre 8, 1941. Naganap ito isang araw pagkaraang bombahin ng mga
Hapones ang Pearl Harbor, Hawaii, at Estados Unidos. Pagkaraan ng ilang mga linggo, umatras sina Heneral Douglas
MacArthur na kasama ang pamahalaan ni Manuel L. Quezon na noon ay nanunungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas.
Pinasok ng militar ng Hapon ang Maynila noong Enero 2 1942. Sumuko ang Bataan sa puwersa ng mga Hapones noong
Abril 9, 1942. Ang mga bilanggo ng digmaan ay pinaglakad ng mga Hapones (ang tinatawag na Martsa ng Kamatayan)
papunta sa isang kampo ng konsentrasyon sa Capas sa lalawigan ng Tarlac.[1]

Pagkaraan ng pagbagsak ng Bataan sa kamay ng Hapon, nagpunta si MacArthur sa Australia. Pinalitan siya sa
Corregidor ni Heneral Jonathan Wainwright, upang ipagpatuloy ang pakikipaglaban, hanggang sa mapilitang sumuko ang
mga Pilipino at Amerikano pagkalipas ng 27 mga araw. Nagtagal nang tatlong mga taon ang pananakop o okupasyon ng
mga Hapones sa Pilipinas. Nagtatag ang mga Hapones ng isang pamahalaang tau-tauhan lamang nila, na ang
nagsisilbing pangulo ay si Jose P. Laurel.[1]

Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga Hapones nang lumapag ang
mga puwersa ni Douglas MacArthur sa Tangway ng Leyte. Naproklaman bilang bagong pangulo ng Pilipinas si Sergio
Osmeña nang mamatay si Manuel Quezon. Malakas na nabomba ng mga sundalo ng Estados Unidos ang Maynila noong
Pebrero 1945. Nasukol ng mga Amerikano ang mga puwersang militar ni Heneral Homma sa Lalawigang
Bulubundukin (Mountain Province), na napilitang sumuko noong mabigo ang mga ito sa tinatangka nilang pagtakas

 
Bise Gobernador Heneral George Butte
 – 
 naniniwalang epektibong gamitin ang mga wikang bernakular sa pagtuturo sa mga Pilipino

Labag man sa iniutos ni Mc Kinley na gamiting wikang panturo ang mga wikang bernakular samga paaralan ay nanatili pa
rin ang Ingles na wikang panturo at pantulong naman ang wikangrehiyonal

Panahon ng Hapones

Sa pagnanais na burahin ang anumangimpluwensiya ng mga Amerikano, ipinagamitnila ang katutubong wika partikular
ang wikang Tagalog sa pagsulat ng mga akdangpampanitikan.

Ito ang panahong namayagpag ang panitikang Tagalog.

Ipinatupad nila ang Order Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapon

 
18
Panahon nga Malasariling
Pamahalaan

Saligang Batas noong 1935, Seksyon 3, ArtikuloXIV
 – 
 
“Ang Kongreso ay gagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibayng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika.”
 

Dahil sa probisyong ito, itinatag ni PangulongQuezon ang Surian ng Wikang Pambansa nangayon ay Sentro ng Wikang
Filipino upangmamuno sa pag-aaral sa pagpili ng wikangpambansa.
MODULE 3: KASAYSAYAN NG PAMBANSANG WIKA:
PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA HANGGANG
KASALUKUYANG PANAHON
Bawat bansa ay may kanya-kanyang wikang pambansa. Ang Pilipinas, na itunuturing na isang malayang bansa, ay
may sariling wikang pambansa. Ito ay ang Wikang Filipino. Bakit mahalagang magkaroon tayo ng wikang
pambansa? Sang-ayon kay Dr. Isidro Dyan, isang dalub-wika mula sa Malaya - Polinesya, "Malaking kahihiyan para
sa bansa kapag mayroong ginagamit na wikang dayuhan subalit di nag-aangkin ng sariling wikang pambansa.
Kailangang magkaroon ng wikang pambansa upang malinang ang pambansang paggalang at pagkilala sa sarili
Mahabang kasaysayan ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa Pilipinas - ang Pilipino na nagmula sa Tagalog
na pagkaraa’y naging Filipino. Ang kasalukuyang Filipino ay isang isyung naging sanhi ng pagsasalungatan lalo na
ang mga taga-Cebu. Sabi ng mga Cebuano ang Filipino daw ay hindi pambansa kundi Tagalog na sinasalita
lamang ng mga taong nasa katagalugan. Ngunit ipinaliwanag ng mga awtoridad sa Filipino na ang Wikang Filipino
ay hindi Tagalog kundi ‘sing wikang nabuo at kinilalang "lingua franca" ng Kalakhang Maynila na lumaganap na sa
buong kapuluan. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit na 7,100 mga pulo. Ito ay pinananahanan sa kasalukuyan ng
60 milyong mamamayan na gumagamit ng mga 87 na iba’t ibang wika. Kabilang sa mga pangunahing wika ay
Tagalog, Cebuano, Ilocano, Pampanga, Bicol, Pangasinan, Hiligaynon, Waray at Maranao.

Pinaniniwalaang ang mga sinaunang Pilipino ng hindi nagkaroon ng isang katutubong wika na masasalita at
mauunawaan ng lahat dahil sa pagkakahiwa-hiwalay nila ng pook ngunit mayroon din namang naniniwala na ang
wikang Tagalog ay ginagamit hindi lamang ng mga katutubo sa pulo ng Luzon kundi sa iba pang mga pulo. Nang
dumating ang mga Kastila sa ating bansa, hinangad nilang mapalaganap ang Kristiyanismo, kaya’t minabuti ng mga
prayle na mag-aral ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas sa halip na ituro ang kanilang wika sa mga katutubo. Sa
ganitong paraan, nakapg-ambag sa wika ang mga mananakop ng Kastila dahil sa pagkakasulat nila ng aklat
gramatika ng iba’t ibang wikain sa Pilipinas. Nang panahon ng himagsikan ng sumibol sa mga manghihimagsik na
Pilipino laban sa mag Kastila ang kaisipang "isang bansa, isang diwa." Kaya nga’t pinili nila ang Tagalog na siyang
wikang tagalog sa panahon ng propaganda - mga sanaysay, tula, kuwento, liham at mga talumpati na punung-puno
sa damdaming bayan. Kahit si Rizal at iba pang propagandista’y sumulat sa Kastila, batid nilang ang wika’y
malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila. Nang dumating ang mga Amerikano, biglang
naunsyami ang mithiin ng mga Pilipino ng itakda ng pamahalaan na ang Ingles ang gawing opisyal na wikang
panturo sa mga paaralan. Ipinagbawal ang paggamit ng bernakular sa paaralan at sa tanggapan. Ito ang dahilan
kung bakit simula noong pananakop ng mga Amerikano hanggang bago sumiklab ang pangalawang digmaang
pandaigdig, hindi umunlad ang ating wika. Ang ating mga lider na makabayan tulad nina Lope K. Santos, Cecilio
Lopez, Teodoro Kalaw at iba pa ay nagtatag ng kilusan nakung saan sila ay naging masigasig sa pagkakaroon ng
wikang pambansa. Nagharap ng panukula si Manuel Gillego na gawing wikang pambansa at wikang opisyal ang
Tagalog subalit patuloy pa ring namayani ang Ingles. Nang itatag ang Komonwelt, nagkaroon ng malaking hakbang
tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa. Ito ay utang natin sa naging Pangulong Manuel L. Quezon, ang
tinaguriang "Ama ng Wikang Pambansa."

Noong 1934, isang Kombensyong Konstitusyonal ang binuo ng Pamahalaang Komonwelt upang maisakatuparan
ang pangarap ni Quezon. At upang ipalilala ang kahalagahan ng wika, isang probisyon tungkol sa Wika ang isinama
sa ating Saligang Batas. Ito’y napapaloob sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon noong Pebrero 8, 1935. "Ang
Pambansang Kapulungan ay magsasagawa ng mga hakbangin tungo sa paglinang at paggamit ng pambansang
wikang batay sa isa sa umiiral na katutubong mga wika. Samantalang hindi pa itinatadhana ng batas, ang Ingles at
Kastila ay patuloy na mga wikang opisyal." Naitatag ang Surian ng Wikang Pambansa, binuo ng mga kinatawang
nagmula sa mahahalagang mga rehiyon sa Pilipinas bilang mga kasapi. Pagkatapos ng puspusang pag-aaral ng
iba’t ibang wika sa Pilipinas, ipinasya ng Surian na Tagalog ang siyang dapat pagbatayan ng Wikang Pambansa
pagkat ito’y nagtataglay ng nalinang nang panitikan at wikang sinasalita ng nakahihigit ng dami ng mga Pilipino.
Kaya, noong Disyembre 30, 1937, inihayag ni Pangulong Quezon na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay
Tagalog. Ang sumusunod ay iba’t ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating
wika: Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng
Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging
batayan ng wikang pambansa. Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog. Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang
Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo
19, 1940. Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946.
Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa. Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan
ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 -
Abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon. Agosto 12, 1959- Tinawag na
Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang
Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin. Oktubre
24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga
tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino. Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael
Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito
ay maisulat sa Pilipino. Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad
na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang
pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75. Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan
Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng
edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan. Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang
pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma. Pinagtibay ng
Komisyon ang Konstitusyon at dito’y nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

Artikulo XIV - Wika

Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at
pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng Batas
at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang midyum na opisyal na
Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at ,
hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal
sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang
Kastila ng Arabic.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng
iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa
Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanitili. Agosto 25, 1988 -
Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino na
nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-aaral ng Filipino. Gayon din,
pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga paaralan sa mga piling asignatura.

You might also like