You are on page 1of 1

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Partikular na Mga Pangyayari


Panahon
Prekolonyal na Panahon
- Ang ang baybayin ay naglalaman ng 17 simbolo, 14 na katinig at 3 patinig.
Sa Panahon ng Kolonyalismo ng Kastila
1792 - Nagkaroon ng pagtatakda ng ilang batas kaugnay ng paggamit ng wikang Kastila partikular sa
paaralan ng pamayanang Indio gaya ng ipinag – utos ni Carlos IV kaya mula sa baybayin ay
naipalaganap ang paggamit ng Alpabetong Romano bilang palatitikan.
1897 - Itinakda sa panahon ng Saligang Batas ng Biak na Bato kung saan nag – atas na wikang Tagalog
ang gagawing opisyal ng mga Pilipino. Ito ang nagging midyum sa mga pahatid – sulat sa Katipunan.
- Maraming akdang pampanitikan ang naisulat sa wikang Tagalog ng mga propagandista.
Sa Panahon ng Kolonyalismo ng Amerikano
1901 - Sa pamamagitan ng batas blg. 74 ipinag – utos na gamitin ang Ingles bilang wikang panturo sa
paaralang pangbayan.
- Nagkaroon ng monolingguwalismo at ipinatupad ang paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa
pamamagitan ng mga Thomasites.
1935 - Nagkaroon ng pagsusulong ng probisyong pangwika na magtatakda ng kikilalaning wikang
pambansa. Sa pamamagitan ng saligang batas 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3 ang Pambansang
Asembleya ay naatasang gumawa ng hakbang tungo sa paglinang at pagpapatibay ng lahat ng
wikang pambansa salig sa isa sa wikang katutubo. Sa panahong wala pang itinatakdang batas Ingles
at Kastila ang kinikilalang mga wikang opisyal.
Nobyembre - Ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na
13, 1936 may tungkuling magsaliksik ng mga diyalekto sa Pilipinas bilang magiging batayan ng wikang
Pambansa.
- Naging saligan sa pagpili ang wikang may maunlad na kayarian, mekanismo, literatura at ginagamit
ng nakararaming Pilipino.
- Si Jaime de Veyra ang nagging unang tagapangulo ng SWP
- Ipinahayag ni Pang. Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagsasabing Tagalog ang
gawing saligan ng wikang pambansa.
1940 - Sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 ipinahintulot ng pangulo na ipalimbag ang “ A
Tagalog English Vocabulary” at “Balarila ng WIkang Pambansa”.
- Sinimulang ituro ang wikang pambansa batay sa Tagalog.
Sa Panahon ng Kolonyalismo ng Hapon
Hulyo 1942 - Ipinagamit ang partikular na wika lalo’t higit ang Tagalog
- Higit na dumami ang akda na mula sa Tagalog at sumigla ang pagsusulat ng panitikan dahil sa
pagnanais mabura ang wikang Ingles.
- Ipinatupad ang Order Militar Blg. 13 na nag – utos na gawing wikang opisyal ang Tagalog at Hapon.
Sa Panahon ng Pagbabalik ng mga Amerikano
Hulyo 4, 1946 - Ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 70 na naghahayag sa wikang pambansa bilang wikang Pilipino
na isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, - Nilagdaan ni Pang. Magsaysay ang pagdiriwang ng “Linggo ng Wika” simula Marso 29 hanggang
1954 Abril 4 at Araw ni Balagtas ang Abril 2.
Setyembre - Inilipat ang pagdiriwang ng “Linggo ng Wika” sa Agosto 13 hanggang 19 sa bias ng Proklamasyon
23, 1955 Blg. 186 bilang pagkilala sa kaarawan ni Pang. Manuel L. Quezon na tinaguroang “A,a ng Wikang
Pambansa”.
1973 - Pagsasagawa ng hakbang ng sa pormal na adapsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na
tatawaging Pilipino ayon sa itinakda ng 1973, Artikulo XIV Seksyon 3. Hangga’t hindi binabago ang
batas, Ingles at Pilipino ang wikang opisyal.
Hulyo 10, - Ipinatupad ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 na tungkol sa pagpapatupad ng edukasyong
1974 Bilingguwal sa mga paaralan na nagsaaad ng hiwalay na paggamit ng Ingles at Pilipino bilang wikang
panturo at pagkatuto sa lahat ng antas.
1987 - Ipinatupad ang artikulo XIV, Seksyon 6 na ang wikang pambansa ay Filipino.
- Pinagtibay ang patakarang bilingguwalismo sa pamamagitan ng pagtuturo ng Filipino at Ingles.
- Nalikha ng Linangan ng Wika sa Pilipinas (LWP) alinsunod sa Tagapagpaganap Blg. 117 bilang
pamalit sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
90’s
Agosto 14, - Itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ayon sa Batas Republika Blg. 7104
1991
1997 - Inilipat ang “ Linggo ng Wika” tungo sa “Buwan ng Wika” ni Pang. Fidel V. Ramos
2000’s
2009 - Ipinatupad ang MTB – MLE sa mga mag – aaral sa pre – school hanggang ikatlong baiting alinsunod
sa Kautusan Blg. 74, 2009 ng Kagawaran ng Edukasyon na bahagi ng edukasyon ng K12.
Sanggunian:

Nuncio, R. N., Nuncio, E.M.,Valenzuela R., Alcantara – Malabuyoc, V., Saul, A.J.G., Dealino – Gragasin, J.M. at

You might also like