You are on page 1of 3

Saligang Batas ng Biak-na-bato, Artikulo 8: “Ang wikang Tagalog ay siyang

mananatiling wika ng Republika”

Panahon ng mga Amerikano 1901-1930s


- Nagkaroon ang mga batang Pilipino ng pagkakataon na makapag-aral sa
pamamagitan ng libreng pampublikong edukasyon.
- Natuto ang mga Pilipino ng Ingles at nag-umpisang humusay sa wikang ito. Isa sa
mga pinakaunang maikling kuwentong naisulat sa Ingles ng isang Pilipino ay
pinamagatang “Dead Stars” ni Paz Marquez Benitez noong 1925. Sinasabi na ito ‘yung
sulating naging “landmark of the maturity of the Filipino writer in English” (para.
8,
Quindoza-Santiago, n.d.).
- Naging opisyal na wika ang Ingles sa bansa.
- Di kalaunan ay napirmahan ang Tydings-Mcduffee Law o ang Philippine
Independence Act na nagbibigay ng probisyon para sa isang transitionary government
para sa tuluyang paglaya ng Pilipinas.

Taong 1935
- Iniatas sa kongreso ang pagpapaunlad ng isang pambansang wika ngunit HINDI pa
ito ang opisyal na pagtatatag ng Filipino bilang pambansang wika.

Nobyembre 13, 1936


- Naipasa ang Batas Komonwelt Blg. 184 o "An act to establish National Language
Institute and Define its Power and Duties". Sa bisa nito, naitatag ang Surian ng
Wikang
Pambansa (SWP).

Disyembre 30, 1937


- Batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na “Proclaiming the National
Language of the Philippines Based on the Tagalog Language”, nilagdaan ni Pangulong
Manuel L. Quezon ang batas na nagtatakda na ang wikang Tagalog ang magiging
batayan ng wikang Pambansa. Naging epektibo ito noong 1939.

Abril 1, 1940
- Ipinasa ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 "“Authorizing Printing of the
Dictionary and Grammar of the National Language, and Fixing the Day From which
said Language Shall be Used and Taught in the Public and Private Schools in the
Philippines.”
- Hunyo 19, 1940, sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 1, nang iutos na ituro
ang Pambansang Wika sa ikaapat na taon sa mataas na paaralan sa lahat ng
pampubliko at pribadong paaralan, at sa Ikalawang taon naman sa mga paaralang
normal.

July 24, 1942


Order Militar Blg. 13 Ito ang nag-utos na gawing opisyal na wika ang Tagalog at ang
wikang Hapon.

Batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 10 na nilagdaan ni Pang. Jose P.


Laurel, sapilitang ituturo ang wikang pambansa sa lahat ng paaralan, maging
pamahalaan at sarili.

Hunyo 1946
- Nang sumunod na taon, ika-apat ng Hunyo 1946, naging Wikang Pambansa ang
Filipino batay sa Batas Komonwelt Blg. 570. Ito ay nauna nang pinagtibay ng
Pambansang Asembleya noong 1940. Sinasabi rin sa ikalawang seksyon ng batas na
lahat ng textbooks sa mga paaralang primarya ay isusulat na sa Wikang Pambansa. Ito
ay sasailalim sa superbisyon ng Kagawarang ng Edukasyon at sa pag-aapruba ng
Surian ng Wikang Pambansa.
Marso 26, 1954
- Taong 1954, Marso, sa bisa ng Proclamation no. 12 ni Presidente Ramon Magsaysay,
ang
Linggo ng Wika ay gaganapin tuwing ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril. At nang
sumunod na taon, Setyembre 1955, nilipat ito sa bisa ng Proclamation no. 186,
tuwing
Agosto 13- Agosto 19 na ang Pambansang Linggo ng Wika.

Manila, Philippines late 1950s. Post Office in distance, M ...


Paglaya ng Bansa Mula sa Estados Unidos hanggang Sa Kasalukuyan

Marso 26, 1954


- Taong 1954, Marso, sa bisa ng Proclamation no. 12 ni Presidente Ramon Magsaysay,
ang
Linggo ng Wika ay gaganapin tuwing ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril. At nang
sumunod na taon, Setyembre 1955, nilipat ito sa bisa ng Proclamation no. 186,
tuwing
Agosto 13- Agosto 19 na ang Pambansang Linggo ng Wika.

Agosto 13, 1959- Ibinaba ang Kautusang Pangkagawaran blg. 7 ni Kalihim Jose B.
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon. Naglalayon ang kautusan na paikliin ang tawag sa
pambansang wika, mula sa Wikang Pambansang Pilipino, tungo sa pinaiksing
"Pilipino" na
lang

1. Oktubre 24, 1967 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 ni Pang.


Ferdinand E. Marcos, naisa-Filipino ang pangalan ng mga edipisyo, gusali, at
tanggapan ng
pamahalaan.
2. 1969 - Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 - nag-uutos na gamitin ang wikang
Pilipino sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangay ng
pamahalaan
sa lahat ng komunikasyon, at transaksyon.

Taong 1973
- Saligang Batas 1973 Ang pambansang wika ay tatawaging Filipino. Ngunit hindi
tinukoy
kung ano-anong wika sa bansa ang gagamitin upang ito ay payabungin.

Taong 1987- Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap blg. 117 upang mabuo ang
Linangan ng mga Wika sa Pilipinas o (LWP) na pumalit sa Surian ng Wikang Pambansa
(SWP) na panahon pa ni Pangulong Quezon itinatag.

Saligang Batas 1987, Article 14, Sec. 6-9 - Paglinang sa wikang Filipino at
pagtatatag ng
isang komisyon sa wika.Taong 1991- Agosto 14, 1991. Ipinasa ang Batas Republika
7104 o
ang "Commission on the Filipino Language" na nagsilang sa Komisyon sa Wikang
Filipino.
Inaatasan ito na bumuo ng mga polisiya, plano, at programa upang matiyak ang
pagpapaunlad, pagpapayabong, paglaganap at pagpreserba ng wikang Filipino at ng iba
pang wikang katutubo sa Pilipinas (R.A. 7104, Sec. 14a).

Taong 1997
- Pinahaba ang selebrasyon ng
selebrasyon ng pambansang wika. Mula
sa dati na Linggo ng Wika tungo sa
Buwan ng Wika kung saan isang buwan
ipinagdiriwang ang Wikang Pambansa. Ito
ay sa bisa ng Proklamasyon blg. 1041 ni
Pang. Fidel Ramos.

>Alibata o Baybayin - binubuo ng labing-apat na katinig at tatlong patinig.


>Alpabetong Romano na dala ng Kastila sa bansa - mayroong mga titik na ch, ll, at
rr.
>ABAKADA - ito ang alpabetong naglalaman ng 20 titik na ipinakilala ni Lope K.
Santos
noong 1940 sa kanyang libro na Balarila ng Wikang Pambansa.
>Pinagyamang Alpabeto ng 1971 - binubuo ng 31 letra kasama ang ch, ll, rr, ñ, at
ng.
Nirebisa ito at naging 28 na letra na lamang.
>2001 rebisyon ng alpabetong Filipino - gagamitin nang gabay sa pagtuturo ng
alpabeto
ang "2001 Revisyon ng Alfabeto Patnubay sa Ispeling at Wikang Filipino", ngunit sa
kahilingan ng KWF, ito ay ipinatigil noong 2006.

6. Borador ng Ortograpiya ng Wikang Pambansa noong 2007.

7. At noong 2008 ay inilibas ang Gabay sa Ortograpiya ng Wikang Pambansa.

You might also like