You are on page 1of 19

Pakikipagtalastasan

Araling Panlipunan

Ang komunikasyon ay isang proseso ng


pagpapalitan ng impormasyon na
kadalasan na ginagawa sa pamamagitan
ng karaniwang sistema ng mga simbolo.
Ang araling pangkomunikasyon ang
disiplinang pang-akademya na pinag-
aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang
interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.
Ang komunikasyon (galing sa salitang
Latin na commūnicāre, na ang ibig sabihin
ay "ibahagi") ay aktibidad ng
pagpapahiwatig ng kahulugan batay sa
sistema ng mga senyales at batas
semiyotiko. Ang komunikasyon sa
biyolohiya ay kadalasang nangyayari sa
pamamagitan ng biswal, awditoryo, o sa
biyokimikal na paraan. Ang
komunikasyong pang-tao naman ay
kakaiba dahil sa malawak na gamit ng
wika. Ang hindi pang-taong komunikasyon
naman ay inaaral sa biyosemiyotiko.

Ang hindi pasalitang komunikasyon ay


naglalarawan sa proseso ng paglalathala
ng kahulugan sa pamamagitan ng mga
mensahe na hindi kinakailangan ang mga
salita. Ang mga halimbawa ng hindi
pasalitang komunikasyon ay ang
komunikasyong sa pamamagitan ng hipo
(haptic), komumikasyong kronemerika,
mga pagkumpas, wika ng katawan,
pangungusap ng mukha, pagkikita ng
mata, at kung paano manamit ang isang
tao. Ang pagsasalita ay maaari ring
maglaman ng mga elemento ng hindi
pasalitang komunikasyon tulad ng
mistulang wika, halimbawa. ritmo,
intonasyon, tempo at diin. Ayon sa
pagsasaliksik, 55% sa komunikasyon ng
tao ay pangungusap ng mukha at ang iba
pa ay 38% na mistulang wika o
paralanguage. Gayun din, ang mga
nasusulat na teksto ay naglalaman din ng
mga elemento ng hindi pasalitang
komunikasyon tulad ng estilo sa pagsulat
at ang paggamit ng emoji" upang
maipahayag ang nararamdaman sa
pamamagitan ng porma ng mga imahe.

Iba't ibang kahulugan


Diksiyunaryong Webster: Ang
komunikasyon ay pagpapahayag,
pagpapaalam, pagpapabatid o
pagbibigay ng impormasyon sa
mabisang paraan, isang pakikipag-
ugnayan, pakikipagpalagayan o
pakikipag-unawaan.
Barnhart (American College Dictionary):
Ang komunikasyon ay pagpapahayag at
pagpapalitan ng ideya, opinyon o
impormasyon sa pamamagitan ng
pagsasalita, pagsulat, o pagsenyas.
Sikologo: Napiling pagtugon o
reaksiyon.
Dalubwika: Ang komunikasyon ay ang
pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa
at pakikibagay niya sa kanyang
kapaligiran.
Aristotle: Nagsasalita, sinasabi,
nakikinig
Wilbur Schramm: Taong nagsasalita,
sumusulat, gumuguhit, kumukumpas
atbp.
Mensahe – pamamagitan ng
simbolo, mga usapan, liham atbp.
Destinasyon – taong nakikinig,
nagbabasa, nanonood atbp.
Richard Swanson at Charles Marquandt:
Ang pinanggalingan ng mensahe
(participant na nagsulat o nagbasa)
Ang ideya o mensahe (binuong
kaisipan)
Kodigo (wika, kumpas, ekspresyon
ng mukha)
Tsanel (paraan ng paghahatid sa
pamamagitan ng telepono,
teleponong selular, liham,
karaniwang usapan, atbp.)

Uri ng komunikasyon
Ito ang iba't ibang uri ng komunikasyon:

Komunikasyon ng hayop
Komunikasyong interpersonal -
Tinatawag itong interpersonal sapagkat
ito ay nagaganap sa pagitan ng dalawa
o mahigit pang (dami ng) tao. Kumpara
sa komunikasyong intrapersonal, ang
uring ito ay mas may konkretong daloy
kung saan ang mga elemento ng
komunikasyon ay makikita. Kasama dito
ay ang tagapagsalita, mensahe,
medium, ingay o balakid, at
tagatanggap. Mayroong apat na uri ng
komunikasyong interpersonal.
Marketing
Propaganda
Kapakanang pampubliko
Ugnayang pampubliko
Talumpati
Pangmadlang komunikasyon
Komunikasyong intrapersonal -
Bagaman sinasabi na ang
komunikasyon ay transaksyon sa
pagitan ng dalawa o higit pang tao,
itinuturing pa rin na uri ng
komunikasyon ang komunikasyong
intrapersonal. Isang tao lamang ang
gumagawa ng transaksyon na ito.
Kapag ang isang tao ay nag-iisip,
sinasabi na ito ay nagsasagawa ng
komunikasyon intrapersonal.
Samantala, mayroon namang pagtatalo
kung maituturing bang komunikasyong
intrapersonal ang pagdadasal. Para sa
mga sumasang-ayon dito, sinasabi na
wala naman talagang konkretong
katugunan na natatanggap sa
pagdadasal. Subalit para sa iba, ang
katugunan ay matatagpuan sa pang
araw-araw na kaganapan sa buhay ng
tao mismo.
Komunikasyong di pasalita
Komunikasyong pasalita
Komunikasyong cross-cultural
Telekomunikasyon
Komunikasyong gamit ang
kompyuter

Anyo at sangkap ng
komunikasyong pantao
Nakikipagusap ang mga tao upang
maipamahagi o matukoy ang karanasan at
kaalaman ng bawat isa. Maaari din na
intrapersonal o interpersonal ang
komunikasyon. May mga ilang teoriya ng
komunikasyon na sinusubukang
ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao.
Ito ay isang sistemang pagkaiintindihan sa
bawat taong nagkakaintindihan. Maaari na
intensiyonal o di intensiyonal, interaktib,
transaktib,ang komunikasyon; maaari din
na di pasalita o pasalita ito. puwede rin
intrapersonal o kaya'y interpersonal ang
komunikasyon pantao. May mga ilang
paktor ng komunikasyon na sinusubukang
ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao.

Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal - pakikipagusap sa
sarili; pinakamababang antas;
tumutukoy sa pakikipag-usap ng
indibidwal sa sarili-sa kanyang
replektibong pag-iisip, pakikinig sa
sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay
kapag pinakikiramdaman ang
paggalaw ng sarili.
2. Interpersonal - pakikipagusap sa
ibang tao; pakikipagtalastasan sa
iba't-ibang indibidwal.
3. Pampubliko - pakikipagusap sa
maraming tao; ang halimbawa nito ay
ang valedictory address
4. Pangmasa - panglahatan; halimbawa
nito ay ang SONA
5. Pangorganisasyon - para sa mga
grupo
6. Pangkultura - pakikipagusap tungkol
sa kultura
7. Pangkaunlaran - ito ay ang
komunikasyong naglalayong gamitin
sa pagpapa-unlad ng bansa.

Teknolohiya ng
komunikasyon
Sa telekomunikasyon, nangyari sa
pinakaunang transatlantic na
pamamahayag gamit ang two-way radio
noong 25 Hulyo 1940. (Tingnan din:
semaphore, telegraphy, telephony, at
radioteletype- kilala din bilang Public
Switched Telephone Network,
communications satellites, ethernet, at ang
internet - isang network ng mga kabit-kabit
na computer network.)

Habang bumabalangkas ang teknolohiya,


kailangan din bumalangkas ang
communication protocol; halimbawa,
kailangang matuklasan ni Thomas Edison
na kaunti lamang pagiging ambiguous ng
pagbati ng hello sa pamamagitan ng
boses sa malayong distansiya; di
maintindihan o nawawala ang
transmission ng mga naunang pagbati
katulad ng hail.

Maaaring paghiwalay ang


pagkomunikasyon ng bawat tao sa iba't
ibang larangan sa pagtubo ng palitang
kaisipan sa pagitan ng maliliit na
numerong ng tao (debate, talk radio, e-
mail, personal na sulat) at sa mga
malawak na pagkakalat ng isang payak na
mensahe (ugnayang pampubliko,
telebisyon, pelikula).

Hindi nagtatapos sa salitang ugat ng Latin


na "communicare" ang pagkakautang natin
sa mga Romano sa larangan ng
komunikasyon. Sila ang kauna-unahang
gumawa na maaari nating tawagin na
tunay na sulat o sistemang koreo upang
gawing sentro ang pagkontrol sa buong
imperyo ng Roma. Dahil sa sistemang ito,
madaling natipon ng Roma ang kaalaman
ukol sa kaganapan ng karamihan sa
kanilang laganap na lalawigan.

Isang mahalagang usapin sa


komunikasyong gamit ang kompyuter ang
virtual management.

Nagbabago ang komunikasyon sa


pagunawa nito. Habang nagbabago ang
mundo, nagbabago din ang paraan kung
paano makipag-usap at mag-organisa. Sa
katotohanan, ang pagbabago sa
teknolohiya ng komunikasyon ang
gumagawa sa pinakamalimit at laganap
na pagpababago ng pilipino - tignan natin
ang halimbawa ng pagtaas ng gamit ng
web cam chat at iba pang biswal na
komunikasyon na gumagamit ng network
sa pagitan ng mga magkakalayong tao.

Mga hadlang sa
komunikasyon
Communication apprehension o pangamba
sa komunikasyon ang tawag sa
komunikasyon na may kasamang
pagkabalisa. Maaring naimpluwensiyahan
ng sariling-pagkakilala ang pagkabalisang
iyon. Maaari din maging sagabal sa
komunikasyon ang bypassing
(lumalagtaw), diskriminasyon at
polarisasyon. Isa sa mahalagang hadlang
sa maraming pook sa mundo ang
pagkabigong ibahagi ang karaniwang
wika.

Tingnan din
Komunikasyon ng mga hayop

Kinuha sa "https://tl.wikipedia.org/w/index.php?
title=Pakikipagtalastasan&oldid=2035285"
Huling pagbabago: 09:28, 29 Hulyo 2023. •
Maaaring gamitin ang nilalaman sa ilalim ng CC
BY-SA 4.0 maliban kung nabanggit.

You might also like