You are on page 1of 3

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik (PPTP)

Ikalawang Traymestre, T.P. 2019-2020

KOMUNIKASYON

▪ Galling sa salitan Latin na “communis” na ang ibig sabihin ay “common” o panlahat


▪ Kilala din ito sa tawag na pakikipagtalastasan
▪ Ang proseso ng paghahatid ng isang mensahe o pagpapalitan ng ideya, impormasyon,
karanasan at mga saloobin
▪ Isang sining at paraan ng paghahatid o paglilipat ng impormasyon, ideya at kaalaman ng
isang tao sa kanyang kapwa tao
▪ Isang likas na minanang gawaing panlipunan na nagbabagu-bago kasabay ng
pamumuhay ng tao o pangkat ng mga tao at ng panahon

Kahulugan ng Komunikasyon

▪ Ayon kay Atienza et.al. (1990), tahasan itong binubuo ng dalawang panig: isang
nagsasalita at isang nakikinig na kapwa nakikinabang nang walang lamangan.
▪ Ayon kay L.T. Ruben et.al. (1987), ang masining at mabisang pakikipagtalastasan o
komunikasyon ay ang maayos, maganda, malinis, tama at epektibong pagpapahayag ng
anumang maisip, madarama at nakikita sa paraang pasalita at pasulat.
▪ Ayon kay E. Cruz et.al. (1988), ang pakikipagtalastasan o komunikasyon ang proseso ng
pagbibigay at pagtanggap, nagpapalipat-lipat sa mga indibiduwal ang mga
impormasyon, kaalaman, kaisipan, impresyon at damdamin. Nagbubunga ang ganitong
pagpapalitan ng pagkakaunawaan at kaunlaran ng lipunan.
▪ Ayon kay Webster, ang komunikasyon ay pagpapahayag, paghahatid o pagbibigay ng
impormasyon sa mabisang paraan. Ito ay isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o
pakikipag-unawaan.
▪ Ayon sa S.S. Stevens, isang sikologo, ang komuniasyon ay ang napiling pagtugon ng
organism sa anumang bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaskyon.
▪ Ayon kay Bernales et.al., ito ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe sa pamamagitan ng simbolo na maaaring berbal o di-berbal.

URI NG KOMUNIKASYON

1. BERBAL NA KOMUNIKASYON – ito ay gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng


kaisipan, damdamin o saloobin, sa paraang pasalita.

2. DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON – naipahahayag nito ang damdamin o gusto sa


pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha, simbolo at iba pa.

Anyo ng Berbal ng Komunikasyon

1. Intrapersonal – kapag kinakausap ng tao ang sarili niya.


2. Interpersonal – nagaganap sa dalawang tao o isang tao at isang maliit na pangkat ng
mga tao.
3. Pampubliko – nagaganap sa isang tao at isang malaking pangkat ng mga tao.

Anyo ng Di-Berbal na Komunikasyon

1. Oras (Chronemics) – tinatalakay ang paggamit ng oras


2. Espasyo (Proxemics) – tinatalakay ang espasyong inilalagay
3. Katawan (Kinesics) – tinatalakay ang “body language” ng isang tao
4. Pandama (Haptics) – tinatalakay ang paggamit ng “sense of touch”

SENIOR HIGH SCHOOL


Ikalawang Traymestre, T.P. 2019-2020
5. Simbolo (Iconics) – tinatalakay ang paggamit ng mga simbolo o icons
6. Kulay – tinatalakay ang paggamit ng kulay
7. Paralanguage – tinatalakay ang paraan ng pagbigkas ng isang salita

Pinagmulan ng Komunikasyon

Noong likhain ng Diyos ang tao, nilikha Niya ito na makapiling ang iba pang kapwa niya tao. Sa
pakikipamuhay nya sa lipunang kinabibilangan ay dapat lamang na siya ay makisalamuha,
makibagay, makiisa at makipag-unawaan sa kanyang kasamahan. Dahil dito, pinagkalooban
siya ng matuwid na pag-iisip ng Diyos upang makagawa ng makabuluhang bagay. Kailangan ni
yang maipahayag ang kanyang kaisipan sa kapwa kaya’t pinagkalooban siya ng Diyos na
makapagsalita upang maipahayag ang saloobin.

Ayon sa mga iskolar, senyas at simbolo ang ginagamit sa pakikipagtalastasan kasama ng


pasalitang komunikasyon. Noong una, upang maipahayag ng unang tao ang kanyang kaisipan
at karunungan ay magsasalita ito.

Hindi pa noon sumusulat ang tao. Kailangan nila ito upang maitago ang mahalagang tala na
kailangang ingatan. Isa ito sa pinakakaraniwang paraan ng pkikipagtalastasan sa lahat ng
larangan.

Ito ang pinakadakilang tuklas ng tao, nagsimula raw ito sa larawang iginuhit ng mga unang tao.
Pinatutunayan ito ng mga larawang nakaguhit sa Espanya at Kanlurang Pransya noong unang
panahon.

Ang mga ito ay ginamit nila sa pakikipag-unawaan at pagpapahayag. Ito ay tinawag nilang
pictographs – simpleng larawan ng mga bagay na madaling maiguhit o maililok. Sa mga
simpleng larawang ito ay nakapagbibigay sila ng kahulugan.

Halimbawa sa pagguhit ng pana, nais nilang ipahatid ang pananakot at labanan.


Mula sa pictographs ay natuklasan ang paggamit ng mga pinagsama-samang tunog na siyang
humantong sa pagkakatuklas ng alpabeto. Sa pinagsama-samang tunog ng mag titik ay
nakalikha ng iba’t ibang salita na ginamit sa pagpapahayag ng saloobin sa kapwa . Ganyan
nagsimula ang komunikasyong pasulat. Kasunod ng pagsulat ng tao ay ang paglialimbag. Unang
nakilala ang paglilimbag sa Tsina noong ika-11 daan taon at kumalat at naging palasak.

Ang komunikasyong di-kuryente ay nagsimula sa pagkakatuklas ng telegrapo noong 1840.


Pagkatapos nito, lumitaw naman ang telepono noong 1876. Natuklasan at ginamit noong 1895,
nagkaroon ng radyo noong 1921, hanggang lumitaw ang komunikasyong satilayts (telstar) noong
1963.
Sa kasalukuyan payuloy nag pag-unlad ng komunikasyong dulot hg makabagong teknolohiya at
kasabay ng pag-unlad nito ay ang pag-unlad ng kaisipan at pamumuhay ng mga tao sa buong
daigdig.

Komunikasyon Bilang Isang Proseso

Isang proseso ang komunikasyon na kinapapalooban ng marami pang proseso. Hindi lamang ito
kinasasangkutan ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe. Halimbawa, bago
makapagpadala ng mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang isipin niya muna kung ano
ang mensaheng ipadadala niya, paano niya ito ipadadala, anu-anong salita ang kanyang
gagamitin, paano niya ito isasaayos upang maunawaan sa anong daluyan niya ito pararaanin at
ano ang inaasahan niyang reaksyon ng pagpapadalhan niya ng mensahe. Itong ang tinatawag
na encoding o ang proseso ng pag-eencode ng mensahe. Kapag natanggap na ng ibang tao
ang mensahe, iisipin niya (tagatanggap) naman kung ano ang kahulugan ng mensaheng iyon,
ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano niya iyon tutugunan at sa paanong paraan
niya ipadadala ang kanyang reaksyon. Ito naman ang tinatawag na decoding o proseso ng
pagde-decode ng mensahe.

Pahina| 2
Balangkas ng Kurso
SENIOR HIGH SCHOOL
Ikalawang Traymestre, T.P. 2019-2020
Layunin ng Komunikasyon

▪ Magbigay ng daan tungo sa pag-uunawaan ng mga tao


▪ Magpakalat ng tamang impormasyon at kapaki-pakinabang na mga kaalaman
▪ Magbigay-diin o halaga sa mga paksa o isyung dapat mabigyang-pansin, talakayin, at
dapat suriin ng mga mamamayan
▪ Magbigay ng daan sa iba’t ibang kaisipan, damdamin at saloobin ng mga tao

Kahalagahan ng Komunikasyon

▪ Dahil sa paghahatiran at pagpapalitan ng ideya, impormasyon, karanasan at mga


saloobin ng tao, nagaganap ang iba’t ibang uri ng Gawain
▪ Kumikilos ang tao dahil sa bias ng komunikasyon
▪ Paraan sa pagtuklas sa iba’t ibang larangan pati na ang kalawakan, kaya’t ang mga
bansang may maunlad at mabisang paraan ng komunikasyon ay higit na progresibo
▪ Daan ng tagumpay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kaunlaran at katahimikan ng
daigdig at Pambansang kaligtasan
▪ Nagpapaikot ng mundo ng tao

Pahina| 3
Balangkas ng Kurso
SENIOR HIGH SCHOOL
Ikalawang Traymestre, T.P. 2019-2020

You might also like