You are on page 1of 11

MODULE 3

I. Pamagat: Ang ikatlong modyul na ito ay tungkol sa

a. Mga modelo at proseso ng komunikasyon


b. Batayang sangkap o elemento ng komunikasyon

II. Para kanino ito: ang modyul na ito ay ginagawa para sa mga mag-aaral ng Navotas
Polytechnic College

III. Layunin: Nilalaman din ng modyul na ito na ang bawat mag-aaral ng Navotas Polytechnic
College na nag-aral ng kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino ay:
1. Maipaliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang mabisang wika sa
kontekstwalisadong komunikasyon sa mga komunidad at sa buong bansa base sa
modelo at sangkap ng komunikasyon.
2. Magamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na sitwasyong pangkomunikasyon sa
lipunang Pilipino gamit ang iba’t ibang modelo at sangkap ng komunikasyon.
3. Makagawa ng makabuluhan at mabisang materyales sa komunikasyon na akma sa iba’t
ibang konteksto na gamit ang modelo at sangkap ng komunikasyon.
4. Mapahalagahan ang sariling paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa iba’t ibang
antas ng larangan.

IV. Rasyunal: ang modyul na ito ay binuo para sa iyo upang malaman mo na ang mga modelo
ng komunikasyon, kung anu-ano ang mga prosesong nakapaloob ditto at kung ano ang mga
sangkap na ginagamit mo sa pakikipagtalastasan sa pang-araw araw mong pamumuhay.

V. Mga panuto sa paggamit ng modyul.


Mga dapat tandaan mo sa paggamit ng modyul na ito.
1. Basahin at unawain ang nakasulat ditto.
2. Pag- aralan ang bawat aralin
3. Sagutan ang mga pagsasanay at mga pagsusulit nang may kahusayan
4. Huwag dudumihan o sisirain ang mga pahina nito
5. Maging tapat sa sarili sa pagsagot sa mga pagsasanay at pagsusulit.

VI. Kahandaang Pangangailangan


Isa sa pinakamadaling paraan ng paglalarawan sa proseso at mga sangkap o element ng
isang bagay ay sa pamamagitan ng mga modelo o repesentasyong biswal sapagkat
nagagawa nitong simple ang isang komplikadong bagay, tulay ng komunikasyon.
VII. Paunang Pagsubok (Pre-test)
Sagutin: Tama o Mali
_____ 1. Maraming autor at iskolar ang nagdisenyo ng iba’t iabang modelo ng
komunikasyon.
_____ 2. Bawat isang modelo ay may pakinabang sa sinumang naglalayong maunawaan
ng ganap ang komplikadong proseso ng komunikasyon.
_____ 3. Nauuna sa proseso ang dekowding kaysa enkowding.
_____ 4. Ang tugon ay isang mahalagang paraan ng pagkontrol sa mga sagabal ng
komunikasyon
_____ 5. Bawat proseso ng komunikasyon ay maaaring magkaroon ng potensyal na
sagabal.

VIII. Tingnan natin mamaya ang kasagutan mo. Kapag ang nakuha mong iskor ay
5 = handang handa ka sa aralin
4-3 = may kaalaman ka na rin sa aralin
2-1 = mag-aral kang mabuti sa aralin
0 = magsipag ka upang matuto sa aralin

IX. Mga Gawain sa pagkatuto


Mga aralin:
a. modelo at proseso ng komunikasyon
b. sangkap o elemento ng komunikasyon

ARALIN: 1 MODELO AT PROSESO

Ang modyul o dayagram ang isang paraan upang mailahad ang mga teorya sa komunikasyon sa
pamamagitan ng pagpapakita rito sa biswal na paraan. Ito’y ang mga representasyon lamang ng isang
pangyayaring inilalarawan. Magagamit ang mga modelo upang higit na maipaliwanag at mabigyang
linaw ang proseso ng komunikasyon.
Ilan sa mga modelong ito ay:

a. Modelo ni Berlo
(Modelong SMR)

Pinanggalin Mensahe Mensahe


(Source) (Message) (Message)

Enkowding Dekowding

Linear ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa modelong ito. Binibigyang diin dito ang
direksyon ng proseso mula sa pinanggalingan (S) tungo sa tumatanggap (R). Ipinahihiwatig ditto na ang
mensahe (M) o ang pagpapadala at pagtanggap nito ay nkadepende sa enkowding at dekowding nito.
b. Modelo ni Aristotle sa Pag-eenkwod ng Mensahe

Pagtuklas Ng kaalamang lohikal, emosyonal o etikal


(Discovery)

Pagsasaayos
(Arrangement) Ng mga kaalaman sa paraang estratehikal

Ng ideya sa malinaw na salita o pahayag


Pagbibihis
(Clothing)

Paghahatid Ng mensahe mula sa pinanggalingan


(Delivery) tungo sa tagatanggap

Kaugnay naman sa sub- prosesong enkowding ang modelong ito ni Aristotle, may aplikasyon ito
sa ano mang anyo ng diskurso, pasalita o pasulat. Batay sa modelong ito, ang ano mang mensahe ay
kailangang tuklasin, isiayos at bihisan bago maihatid.

c. Modelo ni Schramm

Lawak ng karanasan Lawak ng karanasan

Signal Tagatanggap
Pinanggalingan
Enkowding Dekowding

Enkowding

Sa modelong ito ni Schramm, ipinahiwatig ng bawat taong sangkot sa isang sitwasyong


pangkomunikasyon ay may kani- kaniyang field o experience o lawak ng nakaraan na maaaring
makaapekto sa bias ng komunikasyon.
d. Modelong Kontekstwal- kultura

Mensahe/ pidbak na nakapaloob sa makabuluhang konteksto.


Batay sa mga kultura ng ekspektasyon

Sa modelong naming ito, binigyang diin ang konteksto at kultura bilang siyang mga sentral na
element sa siklikal na proseso sa komunikasyon. Malaki ang impluwensya ng konteksto at kultura sa
komunikasyon.

e. Modelong ng Transakyon Komunikasyon


Inilalarawan naman sa modelong ito ang komunikasyon bilang isang transakyon. Tinutukoy din
ditto kung anu-ano ang mga salik na nakaaapekto sa pinanggalingan at tagatanggap ng mensahe at kung
paano nililimitahan o hinuhubog ng dayuhan ang mensahe.

f. Interaktib na Modelo ng Komunikasyon

Interaktib naman ang paglalarawan sa modeling oito ng komunikasyon. Ayon sa modelong ito,
ang interaksyon ng pinanggalingan at tagatanggap ay nakasalalay sa mensahe, daluyan, kaligiran, pidbak
at mga sagabal.

g. The Shannon- Weaver Mathematical Model, 1949

Matematikal naman ang ginawang lapit sa paglalarawan ng komunikasyon. Ipinahihiwatig nilasa


modelong ito na bias sa isang aktong pangkomunikasyon ay nakasalalay sa wastong kalkulasyon ng mga
salik na nakaaapekto rito tulad ng transmitter, channel, receiver at noise.
h. A Helical Model of Communication from dance, 1967

Helix naman ang ginawang representasyon ni Dance sa modelong ito. Ang paikot na modelong
ito ay nagpapakita sa katangian ng komunikasyon na maging dinamiko na nangangahulugang patuloy na
nagbabago sa paglipas ng panahon. Nagbabago ang mga modelo dahil sa komunikatibong sitwasyon.

Ngayon, nalaman mo na ang tungkol sa mga modelo at proseso ng komunikasyon ay bibigyan


kita ng pagsusulit.

B. Pagsasanay na pang- unawa


Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang T kung wasto ang diwang
pinapahayag nito. Kung ang diwa ay hindi wasto, isulat ang angkop na salita na dapat humalili sa salitang
may salungguhit upang ang diwa ay maging tama.

______ 1. Siklikal ang paglalarawan sa proseso ng komunikasyon sa modelo ni Berlo.


______ 2. Siyentipiko ang ginawang lapit sa paglalarawan ng komunikasyon nina Shannon at Weaver.
______ 3. Sa modelo ng transaksyong komunikasyon, inilarawan ang komunikasyon bilang isang
function.
______ 4. Sa modelo ni Schramm, ipinahihiwatig na ang bawat taong sangkot sa isang sitwasyong
pangkomunikasyon ay may kani-kaniyang lawak ng karanasan.
______ 5. Kaugnay ng sub- prosesong dekowding ang modelo ni Aristotle.

Kapag nawasto na ang yong mga kasagutan at nakakuha ka ng iskor na:


5 = mahusay ka at natutunan mong mabuti ang aralin
4-3 = katamtaman lang ang husay mo.
2-1 = kailangang pag-aralan mo muli ang aralin
0 = mag-aral kang mabuti.
Aralin 2. Elemento o Sangkap ng Komunikasyon
Ang proseso ng komunikasyon ay umiikot sa makrong kasanayan (pakikinig, pagsasalita, pagbasa
at pagsulat) sa pagpapalitan ng mga mensahe sa pagitan ng sumusulat at bumabasa,at sa nagsasalita at
nakikinig.
1. Pinagmulan (Source) – ito ang lumilikha sa mga mensahe. Ang pangunahing tungkulin ng
pinagmumulan ng komunikasyon ay simulant ng paghahatid ng mensahe.

Gampanin ng pinagmulan.

a. Alamin ang mga kahulugan- ito ang pinakapangunahing gampanin niya. Ang alamin ang
kahulugan ng mensaheng inihahatid.
b. Encoding – kapag nakapili na siya ng kahulugan, kailangan na niya itong i-encode. Ang encoding
ay nagaganap kung naisasalin niya ang mga kaisipan o damdamin sa tulong ng mga salita, mga
tunog at ekspresyon ng katawan na siyang bumubuo sa aktuwal na mensaheng kailangang
maihatid.
c. Paghahatid- ang paghahatid ay kinapapaloob ng kakayahang pinagmulan na makipag-ugnayan
sa pamamagitan ng paggamit ng boses at katawan upang ipahayag ang malinaw na kahulugan.
d. Pagbibigay reaksyon- kailangang mabigyang interpretasyon ang tugon ng tagatanggap ng
mensahe.

2. Mensahe (Message) – ito ang bagay na nakapagdudulot ng kilos o pag-iisip na likha ng


pinagmumulan. Binubuo ito ng mga salita, gramatika,hitsura,galaw ng
katawan,boses,pagkatao,estilo,kapaligiran at ingay.
3. Sagabal (Interference) – ano mang bagay na nakapagpapabago, nakapagpapababa at nakasisira
sa kahulugan ng sinadyang mensahe ay tinatawag na sagabal. Ito ay maaaring panlabas
(external) o pisikal gaya ng pagbalibag ng pinto, malakas na tunog ng radio,usok sa loob ng
kwarto, sobrang paggamit ng pabango, o ang pagsusuot ng mga di-karaniwang damit.
Ang sagabal ay maaari ring panloob (internal) o sikolohikal.
4. Daluyan (channel) – ito ang rota kung saan ang mensahe ay dumadaloy sa pagitan ng
pinagmumulan at ng tagatanggap. Ang mga karaniwang daluyan ng komunikasyon ng bawat isa
ay paraan kung saan ang liwanag at tunog ay dumadaan ngunit ito ay maaaring magkaiba.
5. Tagatanggap (Receiver) – siya ang nagsusuri, nagpapakahulugan sa mga mensaheng kapwa
sinadya o di-sadua. Habang ang isang tao ay nakikinig sa mensahe ng ibang tai, siya ay
tumutugon sa pamamagitan ng galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha.

Gampanin ng Tagatanggap
a. Tumatanggap (Receiving) – ang tagatanggap ay dapat may kawilihan, kakayahan at kagustuhan
bilang isang kalahok. Ang kagustuhang tumanggap ng isang mensahe ay hindi nagpapatunay ng
kawastuhan ng interpretasyon.
b. Nakikinig (Attending) – ang tagatanggap ay may tungkulin ding pakinggan ang mga mensaheng
inihahatid sa kanya. Ang mahusay na tagatanggap ay dapat na matutong magtuon sa tiyak na
bagay at maghawan ng mga balakid na maaaring mkasagabal sa pagtanggap at
pagpapakahulugan sa mensahe.
c. Nagpapakahulugan at Nagsusuri (Interpreting and Analyzing) – ang tagatanggap ay hindi lamang
nakikinig kundi binibigyang kahulugan at sinusuri ang mga mensahe. Ang tumpak na
interpretasyon ay nangangailangan ng kakayahang umintidi ng mga sinadyang kahulugan.
d. Nagpapaalala at Nag-alaala (Recalling) – ang kakayahang magpanatili ng mga mensahe ay nag-
iiba-iba bawat indibidwal. Maaaring ibatay ito sa kakayahan ng taong umunawa sa natanggap na
mensahe.
e. Tumutugon (Responding) – ang pagtugon ay maaaring simpleng pagtango o nagpapahayag ng
kuro-kuro o opinion na nagpapakita na ang mensahe ay natanggap at nauunawaan, o isang
pakiusap para sa karagdagang impormasyon.

6. Tugon (Feedback) – ito ay ang impormasyong inihahatid pabalik sa pinagmumulan. Ang tugon ay
maaaring magmula sa iyong sarili o mula sa ibang tao. Nagagawa ng tugon na alamin ng
tagahatid kung ang komunikasyon ay natanggap o naintindihan gaya ng inaasahan.
7. Kapaligiran ( Environment) – ito ay tumutukoy sa kapaligirang pisikal at sikolohikal kung saan
nagaganap ang komunikasyon. Ang kapaligiran ay kinapapalooban ng pag-uugali, pagkilala at
ugnayan.
8. Konteksto (Context) – tumutukoy naman ito sa kalagayan o pangyayari kung saan nagaganap
ang komunikasyon. Ilan sa mga karaniwang konteksto na kung saan nangyayari ang
komunikasyon ay sa negosyo, propesyonal na organisasyon, tahanan, paaralan, aheknsya ng
pamahalaan, sa mga malls atbp.

Ngayon alam mo na ang element ng komunikasyon ay bibigyan kita ng pagsusulit.

Gawaing Pang-unawa :
Kilalanin kung sino o ano ang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa patlang ang tamang
katawagan.
______ 1. Siya ang nagbibigay, naghahatid o magbabahagi ng ipormasyon.
______ 2. Elemento ng komunikasyon na tumutukoy sa impormasyong inihahatid pabalik sa
pinagmula.
______ 3. Gampanin ng pinagmumulan kung saan naisasalin ang mga kaisipan o damdamin sa
tulong ng mga salita,mga tunog o ekspresyon ng katawan.
______ 4. Siya ang nagsusuri, nagpapakahulugan sa mga mensahe.
______ 5. Ito ang bagay na nagdudulot ng kilos o pag-iisip ng likha ng pinagmulan.

Pagwinasto mo ang iyong kasagutan, malalaman mo kung anong kahulugan ng iyong iskor. Kapag ikaw
ay nakakuha ng:
5 - Mahusay ka. Nag-aral kang mabuti
4-3 - katamtaman lang ang husay mo, mag-aral pa
2-1 - mag- aral ka nang mabuti
0 - balikan mo ang aralin at pag-aralan itong mabuti.
X. Ngayon naman ay gagawin mo ang pang-wakas na pagsusulit (Post test)

Tandaan: sa pagsagot mo sa pagsusulit na ito ay tandaan mo ang mga sumusunod.


1. Sagutan ang mga pagsusulit sa loob ng tatlong araw.
2. Ipapadala mo ito sa aking e-mail add. na epventaep@gmail.com. Kailangan matanggap ko ito ng
ika-apat na araw sa ganap na ikatlong hapon.
3. Kapag hindi ko ito natanggap bago o ganap na ikatlo ay makakakuha ka nan g marking 0 sa iyong
pagsusulit.
4. Sanay masundan mo ang panuto upang hindi ka makakuha ng mababang marka sa asignaturang
ito.

I. Bakit mahalaga ang mensahe sa aktwal na komunikasyon?

Ipaliwanag ang kasagutan sa pamamagitan ng paggamit ng 15-20 salita.

II. Alin sa mga modelo sa proseso ng komunikasyon ang sa paglagay mong epektibo? Bakit?
Gumamit ka ng 10 pangungusap upang pangatwiran ang iyong sagot.
III. 1. Manuod ka ng isang balita sa telebisyo. Hinaan mo ang volume nito hanggang sa mawala.
Magtala ka ng detalyeng nakuha sa panonood.

2. manood muli ng balita subalit panatilihin malakas ang volume. Magtala muli ng detalye.

3. gumawa ng paghahambing sa dalawang proseso gamit ang venn diagram tungkol sa mga
detalye ng balita pinanood.
Bumuo ng kongklusyon tungkol dito sa pamagitan ng 10 pangungusap.
Talaan ng Kasagutan:

Paunang Pagsubok (Pretest) Aralin 2 – Pagsasanay na pang-unawa


1. Tama 1. Pinanggalingan
2. Tama 2. Tugon
3. Mali 3. Encoding
4. Tama 4. Tagatanggap
5. Tama 5. Mensahe

Aralin 1 – Pagsasanay na pang-unawa


1. Linear
2. Matematikal
3. Transaksyon
4. Tama
5. Enkowding

Mga Sanggunian

Acopra, J.,Soriano, M.A.L., RUIZ, M.J., et. al. (2018). Kontekstwalisadong Filipino sa Malayuning
Komunikasyon.Mindshapers Co. Inc. Intramuros, Manila

Austero, C., Mateo, E. Suguran, T., et. al. (2014). Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Rajoch
Publishing House. Sta. Mesa. Manila

Bernales, R., Cordero M.E., Cabanlong,A.,et al. (2018). Malayuning Komunikasyon sa lokal at
global na konteksto, Mutya Publishing House, Malabon City

Bernales, R., Bernardino, E., Cantillon, A., et al. (2014). Wika at Komunikasyon sa Nagbabagong
Panahon, Mutya Publishing House, Malabon City

Mangahis, J., Nuncio, R., Javillo, C.,(2008). Komunikasyon sa Akademikong Filipino C&E
Publishing, Inc., Quezon City.

You might also like