You are on page 1of 7

Mga pananaw, Kahulugan, at

Kasaysayan ng
Komunikasyong Teknikal
Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal
 Kasintanda na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang
komunikasyon. Sa katunayan, ang mga guro mga pilosopo, at mga iskolar ay
matagal nang tinutulungan ang mga hadlang tungo sa mabisang
Komunikasyon.
Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal
Ang Komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong anyo ng Komunikasyon.
Karaniwan na itong naihahantulad sa iba pag uri ng mga sulatin bagaman ito ay may
tiyak na awdiyens, layunin estilo pormat, sitwasyon, nilalaman , at gamit na siyang
pangunahing element ng Komunikasyong teknikal.
Makikita sa talahanayan ang ilang
halimbawa ang Komunikasyon teknikal.
 1)blogs 11)siyentipikong sarbey
 2)Papel katalog 12)website
 3)handbook 13)procedure manual
 4)dokumentong pampagsasanay 14)ebalwasyon
 5)ginabayang reperensiya
 6)grant at proposal
 7)polyeto
 8)materyal para sa presentasyon
 9)user manual
 10)ulat
Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal.

 1. Awdiyens – nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaring siya ay


isang tagapakinig, manonood, o mambabasa.
 2. Layunin – ito ang dahilan kung bakit kinakalangan maganap ang
pagpapadala ng mensahe.
 3. Estilo – kinapalolooban ito ng tono, boses, pananaw at iba pang
paraan kung papaanong mahusay na maipadadala ng mensahe.
 4. Pormat – tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng
ipadadala.
 5. Sitwasyon – pagtukoy ito estado kaugnay sa layuning nais iparating ng
mensahe.
 6. Nilalaman – ditto nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang
mensahe ng komunikasyon.
 7. Gamit – ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na
maipadala ang mensahe.
Mga Katangian ng Komunikasyon Teknikal

 1. Oryentasyong nakabatay sa Awdiyens – ang pangunahing prinsipyo sa


pagbuo ng komunikasyong teknikal ay ang pagsulat para sa
awdiyens.
 2. Nakapokus sa subject – sa pagsulat ng Komunikasyong teknikal, higit
na binibigyang pansin ang pangunahing paksa ng usapan dahil
ditto ibinatay ang lahat ng impormasyong sangkot sa pagtatalakay
 3. Kumakatawan sa manunulat – ang katangiang ito ang nagpapakilala
kung ano at sino ang sumulat o ang kultura ng organisasyong
kaniyang kinabibilangan.
 4. Kolaborasyon – maituturing itong proseso tungo sa mahusay na
pagbuo ng anumang uri ng komunikasyong teknikal.

You might also like