You are on page 1of 13

“MGA PANANAW,

KAHULUGAN,
AT KASAYSAYAN NG
KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL”
KASAYSAYAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
Kasintanda na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao
sa mabisang komunikasyon. Sa katunayan, ang mga guro,
mga pilosopo, at mga iskolar ay matagal nang tinutugunan
ang mga hadlang tungo sa mabisang komunikasyon. Gaya
na lamang ng pag-aaral ni Aristotle ng RETORIKA;
1. Panghihikayat - paraan kung paano maiangat ang interes
ng mambabasa o tagapakinig.
2. Argumento - wastong paggamit (pagsalansang) ng mga
mapanghikayat na ideya.
Ayon sa paliwanag nina Martinez et.al. (2011), ang
komunikasyong teknikal ay nagtataglay ng tiyak na
anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso.
Ang sulating teknikal naman ay isa lamang sa
maraming anyo ng komunikasyong teknikal na higit na
nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula
sa isang disiplina.Sa kasulukuyan, sinasaklaw rin
ng komunikasyong teknikal ang paggamit ng video,
audio, slides at iba pang uri ng multimedia na
kagamitan.
KAHULUGAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
•Isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon.

• Ito ay may tiyak ng awdiyens, layunin, estilo, pormat,


sitwasyon, nilalaman at gamit na siyang pangunahing
elemento ng komunikasyong teknikal.

• Kaiba ito sa mga akademikong sulatin at malikhain na


pagsulat.
HALIMBAWA NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
BLOGS GRANT AT Siyentipkong
PROPOSAL Sarbey
- Papel Katalog
- Handbooks - Polyeto - Website
- Dokumentong - Materyal para - Procedure
Pampagsasana sa Manual
y presentasyon - Ebalwasyon
- Ginabayang - User manual
Reperensya - Ulat
• Maituturing na applied na uri ng komunikasyon na ang
mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang
tagatanggap nito na nangangailangan ng agarang
pagtugon o paglunas sa isang suliranin.
• Mga kongkretong halimbawa ng komunikasyong
teknikal:
label, manwal, at at mga gabay sa paggamit ng mga
kongkretong halimbawa ng komunikasyong teknikal.

• Pangunahing binibigyang diin nito ang pagiging


malinaw, tiyak, maikli at madaling basahin at unawain.
MGA ELEMENTO NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
1. Awdiyens - nag sisilbing tagatanggap ng mensahe at
maaring sya ay isang tagapakinig manonood , o
mambabasa.
2. Layunin - ito ang dahilan kung bakit kailangan ang pag
papadala ng mensahe.

3.Estilo - kinapapalooban ito ng tono, boses, pananaw at


iba pang paraan kung paano ang mahusay na
maipapadala ang mensahe.
4.Pormat - tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng
mensaheng ipapadala.

5.Nilalaman - dito nakasaad ang daloy ng ideya nang


kabuang mensahe ng komunikasyon.

6.Sitwasyon - pag tukoy ito ng estado kaugnau sa layuning


nais iparating.

7. Gamit - ito ang pag papakita nang kung bakit


kinakailangan na maipadala ang mensahe.
MGA KATANGIAN NG KOMUNIKASYONG TEKNIKAL
1. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens – pagsulat para sa awdiyens.

2. Nakapokus sa subject – binibigyang pansin ang pangunahing paksa ng


usapan.

3.Kumakatawan sa manunulat – nagpapakilala kung ano at sino ang


sumulat o ang kultura ng organisasyong kaniyan kinabibilangan.

4.Kolaborasyon – proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng ano mang uri


ng komunikasyong teknikal.
‘MGA SUSING PATNUBAY SA KOMUNIKASYONG
TEKNIKAL SA MODERNONG PANAHON’
Interaktibo at Angkop
Pokus sa Mambabasa
Nakabatay sa Kolektibong Gawain
Biswal
Etikal , Legal , at Politikal na Katanggap - tanggap
Pandaigdigan at Tawid Kultural
Pagsusulit 1:
Ibigay ang pitong halimbawa ng mga elemento ng
komunikasyong teknikal at ipaliwanag ang bawat-isa base
sa iyong pagkakaunawa.
Pagsusulit 2:
Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng mga
susing patnubay sa komunikasyon teknikal sa modernong
panahon.

You might also like