You are on page 1of 5

Komunikasyon sa

Akademikong Filipino
Unang Linggo
Departamento ng Filipino

Materyales
Computer, Gawaing
Pampagkatuto,
WIKA: KAHULUGAN AYON SA IBA’T printer
IBANG ANTAS
Sanggunian
1. Aldaca, Bernie B.; Villarin J. Imelda.
Itinakdang Bunga ng Pagkatuto
2012. Komunikasyon sa Akademikong
Filipino. Quezon City, Phils: Maxcor
Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang: .Inc
 naipapaliwanag ang katuturan, katangian at 2. Villarin, Imelda J. 2011. Filipino 1
kahalagahan ng wika; Manwal. - Ugot, Irma. 2007. Ang Wikang
 napag-iisa-isa ang mga antas ng wika at Filipino. -Mercene, Felisa P.,
nakapagbibigay ng halimbawa ng bawat isa ; at
 nakabubuo at nakagagawa ng poster ng Iba pang Sanggunian:
https://philnews.ph/2019/07/24/kahalagahan-
sariling pagpapakahulugan sa wika. ng-wika/
https://www.slideshare.net/thaddeussoria/kahul
ugan-at-kahalagahan-ng-wika
https://www.slideshare.net/xiaoxiaocamster/kah
alagahan-ng-wika-2
https://www.slideshare.net/ReyvherDaypuyart/a

Pangalan: Jemirey Rose N. Galo Kurso/Taon/Sekyson: BSCE 2- Day

PANIMULA

Panimulang Tanong:
Nabubuhay tayo sa daigdig ng mga salita (Fromkin at Rodman, 1983). Mula sa paggising
sa umaga patungong pagtulog sa gabi, nagsasalita tayo dahil nakikipag-usap tayo. May mga
taong kumakausap sa hayop, may mga taong kahit natutulog ay nagsasalita. Kinakausap din
natin an gating sarili sa ating pag-iisa o kahit may kaharap na iba pang tao. Kaya masasabing
walang panahong hindi tayo nagsasalita, malakas o mahina man, pabulong o sa isip lamang. At,
syempre, sa pagsasalita gumagamit tayo ng wika. Ngunit, ano nga ba talaga ang wika?

PROSESO NG PAGTUTURO
Paghahanda (Preparation)
Panimulang Gawain: Isulat sa loob ng bilohaba kung ano ang wika para sa iyo.

Midyum ng Representasyon
komunikasyon ng Kultura

Pagkakilanlan Tradisyon ng
WIKA Lipunan
ng isang bansa

Proseso sa Tulay para


papadala ng makapag-usap
mensahe GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 1
Pagsasanay (Practice)
A. Batay sa mga nailahad na kahulugan ng wika, bumuo ng sarili mong kahulugan ng wika sa
pamamagitan ng akrostik. Tiyaking nauugnay sa kahulugan ng wika ang bubuuing
akrostik.

W -ika ay ang sagisag ng kasarinlan


I -pagmalaki natin at pahalagahan
K -aisa natin tungo sa
pagkakaunawaan
A -t pagpapaunlad ng bayan

B. Isa-isahin ang mga antas ng wika. Magbigay ng mga karagdagang halimbawa kabilang na
ang kahulugan nito. Isulat ito sa loob ng talahanayan.

Antas ng Wika Mga Halimbawa Kahulugan

1. Pabalbal/ Balbal  Erap o repapeps para sa May katumbas itong “slang” sa


salitang pare Ingles at itinuturing na
 Tomhuts kapag gutom pinakamababang antas ng wika.

2. Kolokyal  Nasaan - Nasan Mga salitang ginagamit sa pang-


 Kailan - Kelan araw-araw na hinalaw sa pormal
 Paano - Pa’no na mga salita.

3. Lalawiganin/Panlalawigan  Tagalog- Alikabok Mga salitang ginagamit sa isang


 Cebuano- Abug lalawigan at hindi pamilyar na
 Ilokano- Tapok gamitin sa ibang lugar.

4. Pambansa/Lingua Franca  Anak Salitang higit na kilala o ginagamit


 Asawa sa pook na sentro ng sibilasyon at
 Ina kalakalan.
 Ama
5. Pampanitikan  Kabiyak ng aking puso Gumagamit ng idyoma, tayutay, at
 Ilaw ng tahanan iba’t ibang tono, tema, at punto
 Bunga ng aming
pagmamahalan

GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 2


Pagganap/Performans (Performance)

A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na katangian ng wika sa di-kukulangin sa tatlong


pangungusap. (5 puntos bawat bilang)

1. Ang wika ay daluyan ng komunikasyon.

Ang wika ay isang instrumento o daluyan ng komunikasyon dahil ito ang pangunahing
ginagamit upang magkaintindihan ang bawat tao. Bukod rito, ang wika ay nagiging tulay rin ng
komunikasyon dahil ito ang pinakamadaling paraan para ma intindihan ka ng mga tao sa iyong
komunidad o bansa. Dapat rin nating tandaan na ang wika ay hindi lamang ginagamit upang mag
pasa ng impormasyon, kundi pati na rin sa mga emosyon at damdamin ng tao.

2. Bawat wika ay may sariling kakanyahan.

Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling palatunugan, leksyon at
istrukturang panggramatika. Maykatangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang
may katangian namang natatangi sa bawat wika.

3. Ang wika at kultura ay magkaugnay.

Ang kultura ay hindi maipapasa o maipapahayag sa ilang henerasyon kung wala ang wika.
Taglay ng wika ang kultura ng lipunan na pinagmulan nito. Ang nag-uugnay sa mga tao sa isang
kultura ay ang wika dahil dito ang kultura ay madaling naiintindihan maging sa mga taong hindi
napaloob sa tinutukoy na kultura. Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa
lipunan, mundo, at kapaligiran.

GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 3


B. Dugtungan Tayo!

Dugtungan ang pahayag sa loob ng kahon para mabuo ang diwa.

Mahalaga ang wika…..


Bilang isang medium para makapagsalita, makasulat,
makabasa at makaintindi. Ito rin ang gamit sa
pakikipag-ugnayan sa pag-aaral at pagtuturo.

C. Poster mo, I-post mo!

Gamit ang isang kartolina, gumawa ng poster kung ano ang pakahulugan mo sa wika. Maging
malikhain sa paggawa ng iyong poster. Dalhin at ipakita ang poster sa klase. Maaari ding i-post ang
poster sa sariling Facebook wall; ang makukuhang bilang ng Facebook likes ay may karagdagang
puntos batay sa rubrik sa ibaba.

Rubrik sa pagtaya ng poster:

1. Para sa nagpaskil ng poster sa Facebook, maaaring bigyan ng marka ang poster batay sa
dami ng paggusto o Facebook likes na nakuha.
26- mahigit na paggusto - Napakahusay ng pagkakagawa ng poster (3
puntos) 11-25 na paggusto - Mahusay ang pagkagawa ng poster (2 puntos)
0-10 na paggusto - Medyo mahusay ang pagkagawa ng poster (1 punto)

2. Para sa mga nagdala sa klase, ito ang gagamiting pagtasa.

Malinaw ang isinulat na pagpapakahulugan sa wika - 25 puntos


Orihinal ang disenyo at konsepto - 15 puntos
Malikhain/ nakaaakit na disenyo - 10 puntos

Kabuuan - 50 puntos

40 - 50 – Napakahusay ang paggawa ng


poster 29 - 39 – Mahusay ang paggawa ng
poster
0 – 28 –Hindi gaanong mahusay ang paggawa ng poster

GEC-KAF KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO 4

You might also like