You are on page 1of 5

Komunikasyon sa

Akademikong Filipino
Ikalawang Linggo
Departamento ng Filipino

ANG BATAYANG Materyales


LEGAL/KONSTITUSYONAL Computer, Gawaing
Pampagkatuto,
printer
Itinakdang Bunga ng Pagkatuto
Sanggunian
Sa katapusan ng paksa, ikaw ay inaasahang:
 Nakapagbibigay ng kaiabahan ng 1. kwf.gov.ph/tungkol-sa-kwf/
Tagalog, Pilipino at Filipino https
 Nakapagbabahagi ng kahalagahan 2. https://www.academia.edu/27301287/A
ng_Kasaysayan_ng_Wikang_Filipino
sa pagsakakatuparan ng mga
batayang Konstitusyonal
 Nakakabisado sa mahahalagang konsepto
sa mga batayang legal o konstitusyonal

Pangalan: Jemirey Rose N. Galo Kurso/Taon/Sekyson: BSCE 2- Day

PANIMULA

Panimulang Tanong:
Pagsasanay (Practice)
Aktibiti 1: LINAWIN NATIN!

Panuto: Bigyang-depinisyon ang sumusunod:

TAGALOG

Ang tagalog ay wikang sinasalita sa rehiyong Tagalog kasama ang bulacan, bataan, batangas, cavite
quezon at sa national capital region o metro manila. Noong Disyembre 30, 1937 and wikang tagalog ay opisyal
na kinilala bilang batayan ng wikang pambansa.

PILIPINO

Tinawag na Pilipino ang tagalog noong Agosto 13, 1959 sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7.
Ang bansa nati’y Pilipinas kaya normal lamang na tawaging Pilipino ang wikang pambansa tulad ng mga
pangunahing wika sa daigdig na kung ano ang bansa ay siya ring pangalan ng wika

FILIPINO

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon. Ito
ang tinatawag na nasyonalismo sa mga taong nakatira sa Pilipinas.Ito rin ay wikang pambansa noong
1987.Ito ang wikang pambansa ng pamahalaan at ginagamit sa pakikipag ugnayan sa mga mamamayang
kanyang sakop at tinatawag itong tulay na wika.

Pagganap/Performans (Performance)

Aktibiti 2: PUNAN NATIN!


Panuto: Punan ang mga patlang upang mabuo ang sumusunod na pahayag.

1. Sek.8. Ang konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga
pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

2. Sek.9 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang k o m i s y o n ng wikang pambansa na binubuo ng


mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa mag-uugnay at
magtataguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino
at iba pang mga wika.
3. Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang
paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon bilang wika ng pagtuturo sa sistemang
pang-edukasyon.

4. Sek.7 Ang mga wika ng rehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
opisyal na pantulong na midyum ng pagtuturo.

5. Saligang Batas ng 1973 Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa
paglinang at pormal na adopsiyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.

6. Saligang Batas ng Biyak-na-Bato (1896) Ang wikang tagalog ang magiging opisyal na wika ng Pilipinas

7. Saligang Batas ng 1935 Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggang
hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang Ingles at Kastila_ ay patuloy ng gagamiting mga wikang
opisyal.

TAKDANG GAWAIN

Aktibiti 3: I-AREM NATIN!


Panuto: Tayo ay nasa ika-21 na siglo na at mahigit 30 taon na ang saligang batas ng 1987 ngunit hindi
pa rin naisakatuparan na maisabatas ang paggamit ng Filipino bilang wikang panturo at wika ng
pamahalaan. Dugtungan ang sumusunod na pahayag upang maging kongkreto. Kailangang naglalaman
ng (Answer, Reason, Example, Message) AREM ang idudugtong.

1. Napakahalaga ng Saligang Batas ng 1987 sapagkat tinatalaga ng batas na ito na ang wikang Filipino ay
ang wikang pambansa ng Pilipinas. Ang wikang pilipino ay dapat pagyabungin at payamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng PIlipinas at sa iba pang wika at dapat magsagawa ng mga hakbangin ang
pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na
komunikasyon at wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon. Halimbawa nito ay ang paglinang ng wikang
filipino sa mga paaralan. Kinakailangan natin ipaloob ang pagkamakabayan at nasyonalismo, palaguin ang
pag-ibig sa sangkatauhan, paggalang sa karapatang pantao,

2. Kung maisakatuparan ang saligang batas, ang laylayan ng lipunan ay magiging malakas dahil
nailunsad at naitatag na mga pamarisan na pinagbabatayan kung paano pinamamahalaan ang isang
estado o bansa. Ang Batas ng Republika ay isang piraso ng batas na ginamit upang lumikha ng patakaran
upang maisakatuparan ang mga prinsipyo ng Konstitusyon. Halimbawa, kung tayo ay may mga palatuntunin
sa paaralan ay dapat natin itong sundin upang maging mas matiwasay at maayos ang ating pamamahala
sa isang unibersidad. Ginawa ito at ipinasa ng Kongreso ng Pilipinas at inaprubahan ng Pangulo ng
Pilipinas. Maaari lamang itong mapawalang bisa ng isang katulad na kilos ng Kongreso.

3. Makatutulong ako sa pagpaunlad ng wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit nito sa pang araw-
araw na komunikayson, mas naisasaloob ko ang diwa na naroon sa mga salita. Magkakaroon ng kaalaman
kung paano ba payayamanin o kaya pauunlarin pa ang wikang ginagamit. Tayo mismo ang dapat
magsimula ng kamalayan, para ang ating wikang ginagamit ay higit na maging episyente para sa ating
pangangailangan. Halimbawa, sa oras ng asignaturang ito ay dapat kong gamitin ang wikang filipino upang
mahasa at malinang ako sa pag bigkas at pag sulat gamit ang wika. Nararapat lang na tangkilikin muna
natin ang sariling atin upang mapaunlad ang Wikang Filipino.

You might also like