You are on page 1of 15

Pandiwa at Aspekto nito | At mga Halimbawa

BY BALOYDI LLOYDI , AT 9/08/2011 11:31:00 PM , HAS 32 COMMENTS


Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay binubuo ng salitangugat at panlapi.
Maaaring gumagamit ng isda o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na ito. Ang panlaping ginagamit sa mga pandiwa at
tinatawag na panlaping makadiwa.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nagyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.

Ang pandiwa ay salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigaybuhay sa isang lipon ng mga salita. Ito ay binubuo ng
salitangugat at panlapi. Maaaring gumagamit ng isda o higit pang panlapi sa pagbuo ng salitang kilos na ito. Ang
panlaping ginagamit sa mga pandiwa at tinatawag na panlaping makadiwa.

Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nagyari, nangyayari, o ipagpapatuloy pa ang kilos.

1. Aspektong Naganap o Perpekto – ito ay nagsasaad na tapos nang gawin ang kilos.

Halimbawa:

Umalis Sa kani-kanilang mga bansa ang mga dayuhang negosyante.

Pawatas Perpektibo

Umalis umalis

Magnegosyo nagnegosyo

Bigyan binigyan

Aspektong Katatapos – nangangahulugan itong katatapos pa lamang ng kilos o pandiwa. Nabubuo ito sa pamamagitan
ng paglalagay ng panlaping ka at paguulit sa unang pantig ng isang salita. Ito ay nasa ilalim din ng aspektong perpektibo.

Halimbawa:

Pawatas Katatapos

Magbigay kabibigay

Mag-ayos kaaayos

Mag-usap kauusap

2. Aspektong Nagaganap o Imperpektibo – ito ay nagsasaad ng ang inumpisahang kilos ay patuloy pa ring ginagawa at
hindi pa tapos.

Halimbawa:

Pawatas Imperpektibo

Magpasalamat nagpapasalamat

Ipaalam ipinapaaalam

3. Aspektong Magaganap o Kontemplatibo – ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.


Halimbawa:

Pawatas Kontemplatibo

Mabunga magbubunga

Kumita kikita

Kumilos kikilos

Ano ang Pandiwa?


Ang pandiwa o verb sa wikang Ingles ay isang salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng kilos o
galaw, pangyayari, o katayuan. Isa ito sa mga Bahagi ng Pananalita o Parts of Speech na nagbibigay

Uri ng Pandiwa
Ang pandiwa ay may dalawang uri; ang Palipat at Katawanin.

1. Palipat

Ang uri ng pandiwang ito ay nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap sa kilos upang mabuo
ang kaisipang nais nitong ipahayag. Ang tuwirang layon ay karaniwang kasunod ng pandiwa at
pinangungunahan ng “ng”, “ng mga”, “sa”, “sa mga”, “kay”, o “kina”.

Halimbawa:

 Nagsabit ng parol sa harap ng kanyang bahay si Ginang Chavez.


 Bumili ng gulay kay Aling Ising si Ana.
 Si Mang Berto ay lumilok ng palayok.
 Sinuotan ng damit ni Bea ang kanyang manika.
 Nagpadala ng mga pagkain sa mga raliyista ang ina ni Toto.
 Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Ginoong Bautista.
 Nagsampay ng damit si Clara.
 Nagpadala ng bigas at de lata ang Pangulo para sa mga nasalanta ng bagyo.
 Papunta kina Mang Victor ang nangongolekta ng buwis.
 Si Sheena ay magaling sumayaw ng hip hop.

2. Katawanin

Hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layon na tatanggap ng kilos dahil ito ay ganap o buo na
ang diwang ipinahahayag at nakatatayo na itong mag- isa.

Halimbawa:

 Nabuhay si Mary.
 Sina Elpie at Jhen ay ikinasal.
 Lumilindol!
 Natuwa ang magulang sa mataas na marka ng kanyang bunso.
 Kumakain sa plasa ang mga kabataan.
 Ang magkakapatid ay nagdarasal ng sabay-sabay.
 Binura ni Magda ang nakasulat sa pader.
 Si Alona ay aawit sa Tawag ng Tanghalan.
 Nagkukwentuhan ang mag-asawa sa loob ng bahay.
 Inaantok si Lea.
Mga Aspekto ng Pandiwa
Ang aspekto ng pandiwa ay nagpapakita kung kalian nangyari, nangyayari, o ipagpapatuloy ang
kilos. May limang (5) aspekto ito; ang Naganap o Perpektibo, Pangkasalukuyan o Imperpektibo,
Naganap na o Kontemplatibo, Tahasan, at Balintiyak.

1. Naganap o Perpektibo

Ito ay nagsasabi na natapos na ang sinimulang kilos. Kung minsan, ang panlaping “nag” ay
karaniwang idinirugtong sa unahan ng pandiwang ginagamit sa pangungusap.

Halimbawa:

 Nagpaalam si Itay bago siya umalis.


 Katatapos ko lang kumain ng bigalang dumating ang Tiyo Alberto.
 Nagpirito ng manok si Pam.
 Kahapon kinasal si Aljon at Ana.
 Nagluto si Hana ng umagahan bago pumasok sa paaralan.
 Nagtanong ang guro kung sinong may lapis.
 Dumating kahapon ang balikbayang si Eunice.
 Nagtanim ng palay ang mga magsasaka.
 Naghugas ng kamay si Rosa bago kumain.
 Naglinis ng bahay ang kasambahay ni Perla.

2. Pangkasalukuyan o Imperpektibo

Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang nagaganap. Karaniwan itong


ginagamitan ng mga salitang “habang”, “kasalukuyan”, at “ngayon” o kaya naman ay dinurugtungan
ng panlaping “nag” ang unahan ng pandiwang ginamit sa pangungusap.

Halimbawa:

 Sinamantala kong maglinis ng sasakyan habang malakas ang ulan.


 Naglalaba si Inday.
 Habang si Mama ay nagluluto, ako naman ay naghahanda na sa hapag.
 Naglilinis ng kuko si Nita.
 Iluluto ko ang pansit dahil kaarawan ngayon ni Inay.
 Ngayon ang kuhanan ng aming kard.
 Nagbabasa ng libro si Marie nang biglang dumating si Joshua.
 Araw-araw ay pumupunta ako sa bukid at nagbubungkal ng lupa.
 Nagmimisa ang pari ngunit ang ilan ay inaantok pa.
 Kasalukuyan akong nakikinig sa radyo.

3. Naganap na o Kontemplatibo

Ito ang aspekto ng pandiwa na hindi pa nasisimulan, naisasagawa o nangyari. Plano pa lamang itong
gawin o aspektong magaganap pa lamang. Ilan sa mga halimbawa ng salitang ginagamit bago ang
pandiwang ito ay ang “bukas”, “sa susunod”, “sa makalawa”, “balang araw”, “pagdating ng panahon”
at marami pang iba.

Halimbawa:

 Balang araw, uunlad din ako.


 Gusto kong pumunta sa Paris sa susunod na taon.
 Bukas ko na kakainin ang prutas na bigay mo.
 Pagdating ng panahon ay pakakasal ako sa’yo.
 Plano kong manirahan sa Amerika kung mabibigyan lamang ng pagkakataon.
 Sa makalawa na yata ang dating niya.
 Bukas luluhod ang mga tala.
 Sa susunod na araw ay simula na ng pasukan.
 Ayoko namang umalis bukas nang hindi ka kasama.
 Pupunta ako sa inyo kung hindi uulan.

4. Tahasan
Sa aspektong ito ang pandiwa ang gumaganap na simuno sa isang pangungusap.

Halimbawa:

 Sinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere.


 Nagluto si Badet ng kanilang tanghalian.
 Umawit si Sarah Geronimo kanina sa ASAP.
 Pumili si Nene ng damit para sa paligsahan.
 Pumunta si Inday sa palengke para bumili ng gulay.
 Namitas ng bulaklak si Amanda sa bakuran.
 Tumakbo ang bata ngunit hindi naman maabutan.
 Sumayaw ang kanilang grupo sa pyesta.
 Tumugtog siya ng gitara.
 Kumain sila sa karinderya.

5. Balintiyak

Ang aspektong ito ng pandiwa ay kasalungat ng sa tahasang aspekto. Ang simuno ay hindi
gumaganap ng kilos o galaw bagkus ang taga-ganap ng kilos ay ang nasa hulihan ng pandiwa.

Halimbawa:

 Ang magandang balita sa telebisyon ay iniulat ni Mike Enriquez.


 Mabilis kong natapos ang trabaho ko.
 Ang pagtatayo ng gusali ay pinasinayahan ni Mayor.
 Masarap ang nilutong ulam ni Linda.
 Ibinato ni Baldo ang bola kay Jimbo.
 Sa bahay ni Kristel nag-praktis sumayaw si Elsa.

Iba pang mga Halimbawa ng Pandiwa


1. Tumakbo

Halimbawa: Nagpapaunahang tumakbo ang magkakabigan.

2. Kumain

Halimbawa: Kung alam ko lang na tapos na kayong kumain ay hindi na sana ako sumunod pa.

3. Gagawa

Halimbawa: Bukas na ako gagawa ng takdang aralin.

4. Maglalakbay

Halimbawa: Kailan tayo maglalakbay sa bundok ng Sagada?

5. Iinom

Halimbawa: Iinom ako ng sariwang tubig sa bukal.

6. Pumunta

Halimbawa: Sa makalawa na tayo pumunta ng mall.

7. Kumanta

Halimbawa: Ayoko pa sanang kumanta ngunit mapilit ka.

8. Magkita
Halimbawa: Sa susunod na taon na tayo magkita.

9. Naglakad

Halimbawa: Naglakad pauwi si Carlo.

10. Mag-igib

Halimbawa: Doon tayo mag-igib ng tubig.

11. Isinusulat

Halimbawa: Isinusulat ni Bella ang kanyang pangalan sa papel.

12. Magtanim

Halimbawa: Ang magtanim ay hindi biro.

13. Maligo

Halimbawa: Masarap sanang maligo sa ilog kaya lang ay naulan.

14. Pumunta

Halimbawa: Sa ibang araw na lang tayo pumunta kina Alvin.

15. Gawin

Halimbawa: Ngayon mo na gawin ang takdang aralin.

16. Nagluluto

Halimbawa: Nagluluto ng masarap na ulam si Nanay.

17. Magsimba

Halimbawa: Tayo na’t magsimba sa Antipolo.

18. Nag-aaral

Halimbawa: Nag-aaral ng mabuti si Pilo upang makapasa siya sa pagsusulit.

19. Maabot

Halimbawa: Maabot ko rin ang aking pangarap.

20. Sumayaw

Halimbawa: Sumayaw ng walang humpay ang kasama ni Anjie.

21. Naglalakad, makasalubong

Halimbawa: Naglalakad ako ng makasalubong si Pedro.

22. Humingi

Halimbawa: Humingi ako ng baon kay Tatay.


23. Kumakanta, sumasayaw

Halimbawa: Kumakanta siya habang sumasayaw.

24. Inagaw

Halimbawa: Inagaw ni Nathali and kendi ni Lily.

25. Umarte

Halimbawa: Si Diego ay magaling umarte.

26. Umiyak

Halimbawa: Malakas palang umiyak si Silvia.

27. Titigil

Halimbawa: Kung di ka pa natauhan ay di ka pa titigil sa iyong kahibangan.

28. Maglakad

Halimbawa: Bakit ba ang bilis mong maglakad?

29. Naghihintay

Halimbawa: Naghihintay na sa atin si Nancy.

30. Magbibigay

Halimbawa: Bukas pa magbibigay ng bigas si kapitan.

Ang pandiwa o berbo ay bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ito ay tinatawag na verb sa
wikang Ingles.

Mga aspekto ng pandiwa[baguhin]


Perpektibo o Naganap[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng kilos o gawang natupad na.

Halimbawa:
Nagdeposito ng pera sa bangko si Charles.

Imperpektibo o Nagaganap[baguhin]

Ito ay ang pagkilos na kasalukuyang ginagawa.

Halimbawa:
Ako ay nagugutom, gusto ko siomai rice ayehhh.

Kontemplatibo o Magaganap[baguhin]

Ito ay ang pagkilos na hindi pa nagagawa o gagawin pa lamang.

Halimbawa:
Magluluto siya ng masarap na betlog
Perpektibong Katatapos o Kagaganap[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng kilos na sandali lamang pagkatapos ito ginawa.

Halimbawa:
Kagagaling niya lamang sa probinsya kaya kailangan niyang magpahinga mula sa mahabang biyahe.

Mga tinig[baguhin]
Tahasan[baguhin]

Ako ay binigyan ako ng bahay malaki na mas malaki pa sa bahay ko, at iyon ay desk jocks.

Kailanan[baguhin]
Isahan[baguhin]

Ito ay kapag ang pandiwa ay nasa payak na anyo.

Halimbawa:
Ang aso ay nagbabantay ng bahay tuwing gabi.

ang guro ay nagtuturo sa mga bata.

Maramihan[baguhin]

Ito ay marami ang simuno at kilos na isinasaad.

Halimbawa:
Ang mga butiki ay nagsisipagbantay ng bahay tuwing gabi.

Mga panlaping makadiwa[baguhin]


Panlaping banghayin[baguhin]

Ito ay ang panlaping nagbabanghay sa sarili samantalang hindi nagbabago ang salitang-ugat.

isa, maki, magka, maging, magsa, mag, suma


Pawatas Naganap Nagaganap Magaganap
magbigay nagbigay nagbibigay magbibigay
magsagawa nagsagawa nagsasagawa magsasagawa

Panlaping makabanghay[baguhin]

Ito ay kapwa nababanghay ang panlapi at salitang-ugat na nilalapian.

i, in, o Ka- Ma-


Um Ma
hin an an
[1] An o Ma-
mag Naka mang
han in
Pag-
Pa-an Pag-in
an
Nyutral Naganap Nagaganap Magaganap
lumilipad lumipad lumilipad lilipad
tumatakbo tumakbo tumatakbo tatakbo

Pagbabanghay[baguhin]
Pandiwa sa Ma[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng kasadyaan o ikaaari.

mauna
nauna
nauuna
mauuna

Pandiwa sa Ipa[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng utos o mungkahi.

ipaabot
ipinaabot
ipinapaabot
ipaaabot
ipa
ipinaigib
ipinapaigib
ipaiigib

Pandiwa sa Ipag[baguhin]

Ito ay nagbibigay ng utos o pakikiusap.

ipagbili
ipinagbili
ipinagbibili
ipagbibili

Pandiwa sa Mag[baguhin]

Ito nagbibigay diwa sa pagganap.

magsabi
nagsabi
nagsasabi
magsasabi
Maraming salamat po😀

Pandiwa sa Maki[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng pakikisama sa gawa.

makibagay
nakibagay
nakikibagay
makikibagay
makikisakay

Panlaping Mapa[baguhin]

Ito ay nagbabadya ng maaaring maganap.

mapabuti
napabuti
napapabuti
mapapabuti

Panlaping Magka[baguhin]

Ito ay ginagamit para sa di-kusang pagkilos.

magkasundo
nagkasundo
nagkasusundo
magkasusundo

Panlaping Magsi[baguhin]

Ito ay para sa sabay-sabay na pagkilos.


magsikain
nagsikain
nagsisikain
magsisikain

Panlaping Maka[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng kasadyaang pagkilos.

makatakas
nakatakas
nakatatakas
makatatakas

Panlaping Magsa[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng magkatulad na pagkilos.

magsadula
nagsadula
nagsasadula
magsasadula

Mga pandiwang walang-banghay[baguhin]


Ipinagaalinlangan ang katumpakan ng seksyong ito. Sumali sa usapan upang mapabuti ang babasahing
ito.

Ang pandiwang walang banghay ay hindi nagbabago kahit saan mang aspeto.

Ay[baguhin]

Ito ay tagatulong ng pandiwa at nagdurugtong sa simuno at panaguri. Halimbawa:

Ang aso ay natutulog sa bakuran.

May[baguhin]

Ito ay sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pang-abay, pandiwa, panghalip panao at pantukoy na mga.

Halimbawa:
May mga bagong tauhan si Ian Patrick.

Mayroon[baguhin]

Ito ay sinusundan ng kataga o panghalip na panao sa kaukulang palagyo.

Halimbawa:
Mayroon kaming luma at sira-sirang tindang damit.

Hala[baguhin]

Ito ay ginagamit kung ang diwang pinapahayag ay nakikiusap o nagbababala.

Halimbawa:
Hala ka, huli ka na.
Hala, mauna na kayo.

Mga pandiwang di-karaniwan[baguhin]


Maylipat na may pungos[baguhin]

Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng salita.

Tupdin (tuparin), tamnan (taniman) , sidlan (siliran)


Maypalit[baguhin]

Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na napalitan ng iba.

Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan (tawahan)

Maypungos[baguhin]

Ito ay kapag may nabawas na titik sa unahan ng salita.

magpasabi (pasabi) magpasulat (pasulat)

Pagkakaisa ng simuno at pandiwa[baguhin]


 Ang simunong nasa kailanang isahan ay nangangailangan ng pandiwang isahan din.

Halimbawa:
Si Neil Christian ay naglalakad sa kahabaan ng Dead Sea.

 Ang simunong nasa kailanang maramihan ay humihingi ng pandiwang maramihan din.

Halimbawa:
Sina Ian Patrick at Hazzan ay nagsipagtapos sa kolehiyo.

Pokus ng Pandiwa[baguhin]

Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa simuno.

Tagaganap o Aktor[baguhin]

Ang simuno o paksa ang gumaganap sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Si Ian Patrick ay bumili ng mga ari-arian.

Layon[baguhin]

Ang paksa ng pangungusap ay ang layon.

Halimbawa:
Ang basura ay ipatatapon ko bukas.

Ganapan[baguhin]

Ang lugar o pook kung saan ginanap ang kilos.

Halimbawa:
Ang bakanteng lote ay tinataniman nila ng palay.

Tagatanggap[baguhin]

Ang simuno ang pinaglalaanan ng kilos.

Halimbawa:
Ipagsasalok mo ng tubig ang bisita.

Gamit[baguhin]

Ang kasangkapan o bagay na ginagamit ang gagawa ng kilos.

Halimbawa:
Ang abaka ay ipantatali niya sa duyan.

Sanhi[baguhin]

Ang paksa ay nagpapahayag ng dahilan o sanhi.


Halimbawa:
Ikinagagalak niya ang pagtanggap sa kanyang pag-ibig.

Direksyon[baguhin]

Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang Chocolate Hills ay pinuntahan nila.

Kaganapan[baguhin]
Ito ay ang relasyon ng pandiwa sa panag-uri.

Tagaganap[baguhin]

Ito ay ang bahagi ng panag-uri ang gumaganap ng kilos ng pandiwa. Puwede itong tawaging aktor.

Halimbawa:
Ang unang anibersaryo ng kanilang kasal ay ipinagdiwang ng mag-asawang Dino at Raquel.

Layon[baguhin]

Ito ay kung ano ang bagay na tinutukoy ng pandiwa.

Halimbawa:
Sumasayaw ng tinikling ang mga taga nayon.

Tagatanggap[baguhin]

Ito ay kung sino ang nakikinabang sa kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Nagluto si Nida ng Spaghetti para sa kanyang mga anak.

Ganapan[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng lugar na ginaganapan ng kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Nag-aararo sa bukid ang ama ni Ian Patrick.

Kagamitan[baguhin]

Ito ay kung anong bagay o instrumento ang ginagamit upang magawa ang kilos ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang lamesa ay pinunasan ni Ian Patrick ng basahan.

Direksyon[baguhin]

Ito ay nagsasaad ng direksyon ng kilos na taglay ng pandiwa,

Halimbawa:
Ang mga panauhin naming balikbayan ay ipinasyal namin sa Luneta .

Mga gamit ng pangngalang pandiwa[baguhin]


Ang pangngalang-pandiwa ay binubuo ng panlaping pag- at salitang ugat.

pag + sukat = pagsukat


pag + tulong = pagtulong

Bilang simuno ng pangungusap[baguhin]

Halimbawa:
Ang pagtulong sa kapwa ay MABUTI

Bilang tuwirang layon sa pandiwa[baguhin]

Halimbawa:
Si Patrick Joshua ay mahilig sa PAGKAIN

. Hays

Bilang kaganapang pansimuno[baguhin]

Halimbawa:
Ang susi sa tagumpay ay pagtitiis.

Bilang di-tuwirang layon[baguhin]

Halimbawa:
Si Engineer Patrick ay magtatayo ng paaralan ukol sa pagtuturo ng Tagalog at Ingles

Bilang layon sa pang-ukol[baguhin]

Halimbawa:
Ang paksa ng pag-uusap ay tungkol sa pagsugpo ng kahirapan.

Halimbawa: Para sa kalikasan ang ginawang pagsisikap ng mga magulang

Uri ng Pandiwa[baguhin]

katawanin[baguhin]

Tinatawag nating katawanin kung ang pandiwa ay makapagiisa o buo ang kilos ng pangungusap.
Halimbawa
Nagiyakan ang mga tao sa kanyanag pagbabalik.
Lumahok sa paligsahan si Narciso Reyes sa pagsulat.
 ↑ perpektibo ng aral gamit ang panlaping MAG
<img src="//tl.wikibooks.org/wiki/Special:CentralAutoLogin/start?type=1x1" alt="" title="" width="1"
height="1" style="border: none; position: absolute;" />
Kinuha mula sa "https://tl.wikibooks.org/w/index.php?title=Tagalog/Pandiwa&oldid=23642"
Kategorya:

 Tagalog

Menu ng paglilibot
Mga kagamitang pansarili

 Hindi naka-login
 Usapan
 Mga inambag
 Lumikha ng account
 Mag-login

Mga ngalan-espasyo

 aklat
 Usapan

Naiiba pa

Mga anyo
 Basahin
 Baguhin
 Tingnan ang kasaysayan

Higit pa

Hanapin

Natatangi:Maghan Puntahan

Paglilibot

 Unang pahina
 Portada ng pamayanan
 Mga kasalukuyang pangyayari
 Mga huling binago
 Random na pahina
 Tulong
 Magkaloob

Ilimbag/iluwas

 Lumikha ng isang aklat


 Ikargang-pakuha bilang PDF
 Bersyong maaring imprentahin

Mga kagamitan

 Mga nakaturo dito


 Kaugnay na mga pagbabago
 Mag-upload ng file
 Mga natatanging pahina
 Permanenteng kawing
 Impormasyon ng pahina
 Isangguni ang pahinang ito

Mga wika

Add links

 Huling binago ang pahinang ito noong 14:33, 13 Agosto 2019.


 Makukuha ang teksto sa ilalim ng Lisensiyang Creative Commons Atribusyon-Pagpapamahaging
Magkatulad; maaaring may bisa rin ang karagdagang mga patakaran. Mangyaring tingnan ang Terms of
Use para sa karagdagang impormasyon.

 Patakaran sa paglilihim
 Tungkol sa Wikibooks
 Mga pagtatanggi
 Mga tagapagpaunlad
 Statistics
 Cookie statement
 Bersiyong pantelepono

You might also like