You are on page 1of 36

Mabuhay!

at Maligayang
Pagbabalik sa ating lahat.
5 Panuntunan
sa
Silid-Aralan
MGA DAPAT TANDAAN SA PAGDALO NG GOOGLE
MEET AT MESSENGER CLASS
Dumalo sa tamang oras.
Ang pagdalo sa tamang oras ay tanda ng
paggalang sa guro at handang matuto.
I-MUTE ANG MICROPHONE
Mahalaga na i-mute ang microphone upang
hindi makasagabal sa nagsasalita.
Makinig sa guro at kamag-aral
kapag nagsasalita
Ang pagkatuto ay bunga ng pakikinig
Makilahok sa Klase
Ibahagi sa klase ang iyong mga natutunan.
Huwag mahiya na magsabi o magtanong kung
may hindi naunawaan.
Pagpasa ng mga gawa sa
tamang oras
Tandaan, kinakailagan na magpasa ng mga
nagawang gawain sa tinakdang-oras.
5 Panuntunan sa Silid-Aralan
Dumalo sa tamang oras.
I-mute ang Microphone
Makinig sa guro at kamag-aral kapag nagsasalita
Makilahok sa Klase
Pagpasa ng gawa sa tamang oras
ARALIN 1
KARUNUNGANG-BAYAN; GABAY SA
AKING BUHAY
LAYUNIN
1.Naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan
2.Nauunawaan ang kahulugan ng karunungang-bayan
(Salawikain, Sawikain at Kasabihan)
3. Nasasagutan ng mga mag-aaral ang Gawain na ibinigay
(Tayain 1 at 2)
PANITIKAN SA PANAHON NG
KATUTUBO
Bago pa man dumating ang mga mananakop ay may sarili ng panitikan ang ating
bansa.

Panitikan
Ang Panitikan ay nagpapahayag ng kaisipan, mga damdamin, karanasan, hangarin at diwa
ng mga tao.

Ito ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.


Paraan kung paano napanatili
ang Panitikan
1. Pasalin-dila
2. Nasusulat

Noong unang panahon,


gumagamit ang ating mga
ninuno ng matalas na bagay
bilang panulat.

Sila ay nagsusulat sa mga


kahoy, kawayan, puno o sa mga
bato.
KARUNUNGANG-BAYAN

Kasama sa kabang-yaman ng karunungang-bayan ng ating bansa


bago dumating ang Espanyol ay ang salawikain, sawikain at
kasabihan. Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan.
SALAWIKAIN
Karaniwang patalinghaga na may kahulugang nakatago. Ito’y
karaniwang nakasulat nang may sukat at tugma kaya masarap
pakinggan kapag binibigkas.

Halimbawa:
1. Kung ano ang itinanim 2. May tainga ang lupa
Siya ring aanihin May pakpak ang balita
Kahulugan Kahulugan:
kung ano ginagawa o ipinapakita mo Mabilis kumalat ang balita na kadalasan
ay ganoon mo rin makukuha. ay may dagdag o bawas na.
SAWIKAIN O IDYOMA
Mga salita o pahayag na nagtataglay ng talinghaga. Isang paraan ng
pagsasalita na hindi gumagamit ng mararahas na salita upang
maiwasan ang makasakit ng loob. Samakatwid, ang sawikain ay
masasabing salitang eupemistiko patayutay o idyomatiko na ginagamit
upang maging maganda ang paraan ng pagpapahayag.

Halimbawa:
1. parang natuka ng ahas- natulala
2. malayo sa bituka- hindi malubha
3. itaga mo sa bato- pakatandaan
4. ilista sa tubig- kalimutan
5. lagot ang pisi- naubusan ng pera
6. butas ang bulsa- walang pera
KASABIHAN
Ang kasabihan ay iba sa salawikain sapagkat ito’y hindi gumamit ng talinghaga. Payak
ang kahulugan at karaniwang ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.

Halimbawa:

1. Ang anak na magalang ay kayamanan ng magulang.


2. Kung ayaw mong maghirap, ikaw ay magsikap.
3. Ang katotohanan ay magpapalaya sa kasalanan.
4. Kung walang katahimikan, walang pagsulong ang bayan
MAIKLING PAGSASANAY
Panuto: Tukuyin kung Salawikain, Sawikan o Kasabihan ang mga pahayag.
1. Kung sino ang masalita,
Salawikain
siyang kulang sa gawa
2. Ahas Sawikain

3. Kung ano ang puno Salawikain


siya ang bunga
4. Alog na ang baba Sawikain

5. Ang batang matapat,


Kasabihan
pinagtitiwalaan ng lahat
BALIK-ARAL
Panuto: Sa tulong ng mga larawan, ibigay
ang isang halimbawa ng sawikain.
Tengang Kawali
Balat Sibuyas
Nagsusunog ng Kilay
Ilaw ng Tahanan
Kape at Gatas
TALUDTOD
(LINE)

SAKNONG
(STANZA)

Ang isang tula ay


binubuo ng saknong.
Sa isang saknong ay may
apat na taludtod.

You might also like