You are on page 1of 13

PANG URI

• Ang pang-uri o adjective sa wikang Ingles ang tawag


sa salita o lipon ng mga salita na naglalarawan o
nagbibigay turing sa tao, bagay, pook, hayop, o
pangyayari. Maari din itong maglarawan sa hugis,
sukat, at kulay ng pangngalan at panghalip. Kabilang
ang pang-uri sa mga Bahagi ng Pananalita o 
Parts of Speech.
• Uri ng Pang-uri
• May tatlong uri ng pang-uri: ang Panlarawan, Pantangi, at Pamilang.
• 1. Pang-uring Panlarawan
• Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangngalan o panghalip. Ito ay naglalarawan sa laki, kulay,
at hugis ng tao, bagay, hayop, lugar, at marami pang iba. Inilalarawan din nito ang ang anyo, amoy,
tunog, yari, at lasa ng bagay. Bukod dito, nailalarawan din ng ng mga pang-uring panlarawan ang mga
katangian ng ugali, asal, o pakiramdam ng tao o hayop. Maaring gamitin sa paglalarawan ang limang
pandama o five senses.
• Halimbawa:
• Maganda ang batang si Yesha.
• Minasdan ni Norie ang kanyang sarili sa salamin na parihaba.
• Si Keith ang babaeng nakasuot ng pulang bestida.
• Ang matabang bata ay nakatutuwang pagmasdan.
• 2. Pang-uring Pantangi
• Ito ay binubuo ng isang pangngalang pambalana at isang pangngalang pantangi. Ang pangngalang
pantangi (na nagsisimula sa malaking titik) ay naglalarawan o tumutukoy sa uri ng pangngalang
pambalana.
• Halimbawa:
• Uwian mo ako ng puto Biñan.
• Nagpabili si Jose ng pansit Malabon kay Wally.
• Mahilig si Noe sa pasta at iba pang pagkaing Italyano.
• Alam mo ba kung ano ang kulturang Espanyol?
• Marunong ka bang magsalita sa wikang Ingles?
• Sa paaralan ay pinag-aaral ang kultura ng mga katutubong Filipino.
• Maasim ba ang longganisang Lucban?
• 3. Pang-uring Pamilang
• Ang pang-uring pamilang ay nagsasabi o nagpapakita ng bilang, dami, o posisyon sa
pagkakasunod-sunod ng pangngalan o panghalip.
• Halimbawa:
• Mayroong dalawang babae na pumasok sa bahay ni Cardo.
• Sina Popoy at Basha ay may tatlong anak.
• Bumili ako ng isang litrong yakult sa tindahan.
• Higit sa dalawang daang pamilya ang nawalan ng tirahan.
• Si Pinky ang panlima sa sampung magkakapatid.
• Pangalawang pagkakataon mo na para ipagtanggol ang iyong sarili.
• Mayroong tatlong kaantasan ang pang-uri: ang Lantay,
Pahambing, at Pasukdol.
• 1. Lantay
• Naglalarawan ito ng isang pangngalan o panghalip na walang
pinaghahambingan.
• Halimbawa:
• Mabango ang bulaklak sa Baguio.
• Madilaw na ang mangga ng mabili ko.
• 2. Pahambing
• Naghahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.
• Halimbawa:
• Magkasinghusay umawit si Ester at Lanie.
• Magkasingdami lang ang kanin na nakalagay sa plato natin.
• Magkasingbango ng bulaklak na dala ni Osang at ni Opang.
• Higit na maganda ang laso ni Berta kaysa kay Mara.
• 3. Pasukdol
• Ito ang katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng
pinaghahambingan.
• Halimbawa:
• Pinakamabilis tumakbo si Jobert kaya naman siya ang pambato ng
kanilang paaralan.
• Ubod ng ganda ang dagat sa Boracay.
• Nais kong marating ang pinakamataas na bundok sa buong Pilipinas.
• 1. Payak
• Binubuo ito ng salitang-ugat lamang.
• Halimbawa:
• Ang ganda pala sa Luneta.
• Asul ang kulay ng karagatan.
• Bulok na ang nabili kong patatas.
• 2. Maylapi
• Mga salitang-ugat ito na kinakabitan ng mga panlaping ka-, ma-, main,-
hin, -in, mala-, kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-.
• Halimbawa
• Kapirasong tela ang ipinantakip niya sa butas ng kanyang palda.
• Ang bahay ni Lorna ay malaki.
• Malalambot ang unan sa silid na ito.
• 3. Inuulit
• Binubuo ito sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o
bahagi ng salita.
• Halimbawa:
• Dala-dalawa na ang pila ng mga sasakyan sa Edsa.
• Sinu-sino sa inyo ang sasama sa Tagaytay bukas?
• Mamula-mula ang pisngi ng bata.
• 4. Tambalan
• Binubuo ng dalawang salitang pinagtambal.
• Halimbawa:
• Kung hindi ka sana ningas-kugon ay malamang natapos
mo na ang proyekto mo.
• Si Pricila ay balat-sibuyas.
PANG-URI LANTAY PAHAMBING PASUKDOL

1. MADILAW MADILAW MAGKASING, UBOD


HIGIT , PINAKA

2. MAPULA MAPULA

3. MAGANDA MAGANDA

4. MANIPIS MANIPIS

5. MAKAPAL MAKAPAL

6. MAALAT MAALAT

You might also like