You are on page 1of 7

TALUMPATI KAHULUGAN) ANG TALUMPATI AY

ANG PORMAL NA PAGTALAKAY NG ISANG


PAKSA PARA SA MGA TAGAPAKINIG. DAGDAG
PA RITO, ITO AY ISANG URI NG
KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO NA
NAGPAPALIWANAG SA ISANG PAKSA AT ITO AY
BINIBIGKAS SA HARAP NG MGA TAGAPAKINIG.
Bahagi Ng Talumpati
Batay sa nabasa ninyo sa itaas tungkol sa kung ano ang
kahulugan ng talumpati, narito naman ang mga bahagi
ng talumpati.
BahagiKahulugan
Pamagat Sa parteng ito kinukuha ang atensyon ng mga
tagapakinig. Dito rin inilalahad ang layunin ng talumpati.
Katawan Sa bahaging ito binabanggit nang husto ang
paksa at mga ideya at pananaw.
Katapusan Ito ang pinakasukdol ng buod ng talumpati.
Dagdag pa rito, dito isinasaad ang mga pinakamalakas
na punto ng talumpati.
Mga uri ng talumpati.
Talumpating Pampalibang
Madalas itong binibigkas pagkatapos ng isang salu-salo
o kainan. Sa Uring ito, ang mananalumpati ay
nagpapatawa sa pamamagitan ng anekdota o maikling
kwento.
Talumpating Nagpapakilala
Kilala din ito sa tawag na panimulang talumpati. Ito ay
karaniwang maikli lalo na kung ang ipinapakilala ay
kilala na o may pangalan na. Pakay nitong ihanda ang
mga tao at pukawin ang kanilang atensyon sa galing ng
kanilang magiging tagapagsalita.
1.Talumpating PangkabatiranSa uri ng talumpating ito ay gumagamit ng mga kagamitang
makatutulong para lalong maliwanagan at maunawaan ang paksang tinatalakay. Ginagamit
ito sa mga panayam, kumbensyon, at mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko at iba
pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t ibang larangan.
2.Talumpating Nagbibigay-galangIto ay magandang talumpati sa pagbibigay galang at
pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap sa kasapi o kaya ay sa kasamahang mawawalay
o aalis.
3.Talumpating Nagpaparangal Sa mga okasyon tulad pagbibigay ng parangal sa isang tao o
kaya magbigay ng papuri sa mga kabutihang nagawa nito ginagamit ang ganitong uri ng
talumpati.

Ginagamit rin ito sa iba pang okasyon kagaya ng paggawad ng karangalan sa mga
nagsipagwagi sa patimpalak at paligsahan, paglipat sa katungkulan ng isang kasapi,
pamamaalam sa isang yumao at parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo.
Talumpating PampasiglaAng talumpating ito ang siyang
pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga tagapakinig
kung saan kalimitang binibigkas ito ng isang Coach sa
kanyang pangkat ng mga manlalaro, isang Lider ng samahan
sa mga manggagawa o myembro at isang Pinuno ng
tanggapan sa kanyang mga kawani.
Uri Ng Talumpati Ayon Sa Layunin
Narito naman ang mga layunin ng talumpati.

Humikayat
•Tumugon
•Maglahad ng paniniwala

•Magbigay ng impormasyon

•Mangatwiran

You might also like