You are on page 1of 15

Talumpati

Speech, Oration, Address

Abril
2023
Ano ang Talumpati?
Ang Talumpati ay isang sining ng pagpapahayag ng
kaisipan o opinyon ng isang tao tungkol
sa isang paksa na ipinababatid sa pamamagitan ng
pagsasalita sa entablado.

Mananalumpati ang tawag sa taong gumagawa at


nagtatalumpati sa harap ng publiko o grupo ng mga tao.

BSIT1A
2
Layon nitong magbigay ng kaalaman o impormasyon,
tumugon, humikayat, mangatwiran, at maglahad ng
isang paniniwala. Isa rin itong uri ng komunikasyong
pampubliko kung saan ang isang paksa ay
ipinapaliwanag at binibigkas sa harapan ng mga
tagapakinig.

BSIT1A
3
Uri ng
Talumpati
Anim (6) na uri ng Talumpati o
Pananalumpati
• Talumpating Pampalibang
• Talumpating Nagpapakilala
• Talumpating Pangkabatiran
• Talumpating Nagbibigay-galang
• Talumpating Nagpaparangal
• Talumpating Pampasigla

BSIT1A
4
Talumpating Pampalibang
• Ang mananalumpati ay nagpapatawa
sa pamamagitan ng anekdota o
maikling kwento. Kadalasan ito ay
binibigkas pagkatapos ng isang salu-
salo.

BSIT1A
5
Talumpating Nagpapakilala
• Kilala rin ito sa tawag na panimulang
talumpati at karaniwan lamang na maikli
lalo na kung ang ipinapakilala ay kilala na o
may pangalan na. Layon nitong ihanda ang
mga tagapakinig at pukawin ang kanilang
atensyon sa husay ng kanilang magiging
tagapagsalita.
BSIT1A
6
Talumpating Pangkabatiran
• Ito ang gamit sa mga panayam, kumbensyon, at
mga pagtitipong pang-siyentipiko, diplomatiko
at iba pang samahan ng mga dalubhasa sa iba’t
ibang larangan. Gumagamit dito ng mga
kagamitang makatutulong para lalong
maliwanagan at maunawaan ang paksang
tinatalakay.

BSIT1A
7
Talumpating Nagbibigay-galang
• Ginagamit ito sa pagbibigay galang at
pagsalubong sa isang panauhin, pagtanggap
sa kasapi o kaya ay sa kasamahang
mawawalay o aalis.

BSIT1A
8
Talumpating Nagpaparangal
• Layunin nito na bigyang parangal ang isang
tao o kaya magbigay ng papuri sa mga
kabutihang nagawa nito. Sa mga okasyon
tulad ng mga sumusunod ginagamit ang
ganitong uri ng talumpati.

BSIT1A
9
• Paggawad ng karangalan sa mga nagsipagwagi sa
patimpalak at paligsahan
• Paglipat sa katungkulan ng isang kasapi
• Pamamaalam sa isang yumao
• Parangal sa natatanging ambag ng isang tao o grupo

BSIT1A
10
Talumpating Pampasigla
Pumupukaw ng damdamin at impresyon ng mga
tagapakinig kung saan kalimitang binibigkas ito ng:
• Isang Coach sa kanyang pangkat ng mga manlalaro
• Isang Lider ng samahan sa mga manggagawa o
myembro
• Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang mga kawani

BSIT1A
11
Uri ng Talumpati ayon sa
Pamamaraan
Dagli
• Ito ang uri ng Talumpati na hindi pinaghandaan.
Maluwag
• May panahon para maihanda at magtipon ng datos ang
mananalumpati bago ang kanyang pagsasalita.
Pinaghandaan
• Maaring isinulat, binabasa o sinasaulo at may sapat na pag-
aaral sa paksa.

BSIT1A
12
Bahagi ng Talumpati
Nahahati ito sa tatlong Bahagi: Ang Simula, Katawan, at katapusan.

Simula
- Sa bahaging ito inilalahad ang layunin ng paksa kasabay ng stratehiya upang
makuha sa simula pa lang ang atensyon ng tagapakinig.
Katawan o Gitna
- Dito nakasaad ang paksang tinatalakay ng mananalumpati.
Katapusan o Wakas
- Ito naman ang buod ng paksang tinalakay ng mananalumpati. Nakalahad dito
ang pinakamalakas na katibayan, katwiran at paniniwala para makahikayat ng
pagkilos mula sa mga tagapakinig ayon sa paksa ng talumpati.

BSIT1A
13
Paano Gumawa ng Talumpati?
• Pumili ng magandang paksa.
• Tipunin ang mga materyales na maaring pagkunan ng impormasyon
tungkol sa napiling paksa. Pwedeng mga dating kaalaman o karanasan o
kaya ay mga babasahin na may kaugnayan sa paksang gagamitin.
• Simulan ang pagbabalangkas ng ideya at hatiin ito sa tatlong bahagi; ang
simula, katawan at katapusan.
• Maging sensitibo. Kung maaari ay iwasan na pag-usapan lamang ang
tungkol sa sarili at pansariling kapakinabangan.
• Iwasan din naman na maging “boring” ang iyong pagtatalumpati. Kung
maari ay magkaroon ng “sense of humor” sa pagdedeliber ng talumpati at
laging isipin ang iyong tagapakinig.
BSIT1A
14
Maraming
Salamat!
Inedit nina: Joanna Encarnado
Sthian Elefan
Joean Esconde

Guro: Karlita Princess Belnas

You might also like