You are on page 1of 20

TALUMPATI


Ang talumpati ay isang sining
ng pagpapahayag ng kaisipan o
opinyon ng isang tao tungkol sa
isang paksa na ipinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa
entablado.

Bahagi ng
Talumpati
1. SIMULA/
PANIMULA

Sa bahaging ito inilalahad ang
layunin ng paksa kasabay ng
stratehiya upang makuha sa simula
pa lang ang atensyon ng tagapakinig.
Kadalasan gumagamit ng anekdota
o di kaya nagpapatawa ang mga
mananalumpati
2. Katawan o Gitna/ Paglalahad

Dito nakasaad ang
paksang tinatalakay o isyu
ng mananalumpati.
Dito rin ipinapaliwanag
ng nagtatalumpati ang
layunin
3. Katapusan o Wakas

Ito naman ang buod ng paksang
tinalakay ng mananalumpati.
Nakalahad dito ang pinakamalakas
na katibayan, katwiran at
paniniwala para makahikayat ng
pagkilos mula sa mga tagapakinig
ayon sa paksa ng talumpati.

Uri
ng Talumpati
1.TalumpatingPampalibang

Ang mananalumpati ay
nagpapatawa sa
pamamagitan ng anekdota o
maikling kwento. Kadalasan
ito ay binibigkas pagkatapos
ng isang salu-salo.
2. Talumpating Nagpapakilala

Kilala rin ito sa tawag na panimulang
talumpati at karaniwan lamang na
maikli lalo na kung ang ipinapakilala
ay kilala na o may pangalan na. Layon
nitong ihanda ang mga tagapakinig at
pukawin ang kanilang atensyon sa
husay ng kanilang magiging
tagapagsalita.
3. Talumpating Pangkabatiran

Ito ang gamit sa mga panayam,
kumbensyon, at mga pagtitipong pang-
siyentipiko, diplomatiko at iba pang
samahan ng mga dalubhasa sa iba’t
ibang larangan. Gumagamit dito ng
mga kagamitang makatutulong para
lalong maliwanagan at maunawaan ang
paksang tinatalakay.
4. Talumpating Nagbibigay-galang

Ginagamit ito sa pagbibigay
galang at pagsalubong sa
isang panauhin, pagtanggap
sa kasapi o kaya ay sa
kasamahang mawawalay o
aalis.
5. Talumpating Nagpaparangal

Layunin nito na bigyang
parangal ang isang tao o kaya
magbigay ng papuri sa mga
kabutihang nagawa nito. Sa mga
okasyon tulad ng mga
sumusunod ginagamit ang
ganitong uri ng talumpati.
5. Talumpating Nagpaparangal

• Paggawad ng karangalan sa mga
nagsipagwagi sa patimpalak at
paligsahan
• Paglipat sa katungkulan ng isang
kasapi
• Pamamaalam sa isang yumao
• Parangal sa natatanging ambag ng
isang tao o grupo
6. Talumpating Pampasigla

Pumupukaw ng
damdamin at impresyon
ng mga tagapakinig kung
saan kalimitang
binibigkas ito ng:
6. Talumpating Pampasigla

Isang Coach sa kanyang pangkat ng
mga manlalaro
Isang Lider ng samahan sa mga
manggagawa o myembro
Isang Pinuno ng tanggapan sa kanyang
mga kawani

Iba’t ibang Uri ng
Talumpati Ayon
sa Paghahanda
1. Impromptu /Daglian

Ito ang uri ng talumpati na biglaan at
walang ganap na paghahanda (Mangahis,
Nuncio, Javillo 2008).
Karaniwang makikita ang mga ganitong uri
ng pananalumpati sa mga job interview,
ilang okasyon ng question and answer, at
pagkakataon ng pagpapakilala.
2. Extempore/ Maluwag

Sa uring ito masusubok ang kasanayan
ng mananalumpati sa paggamit ng mga
angkop na salita sa loob ng sandaling
panahon bago ang pagbigkas.
Ang mananalumpati ay binibigyang ng
maikling panahon para maghanda
pagkatapos maibigay ang paksa o
tanong
3. Isinaulong Talumpati

Ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna
pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati
(Mangahis, Nuncio, Juvilla, 2008).
Masusukat dito ang husay ng pagbabalangkas
ng manunulat, kaniyang pagpapaliwanag at
tibay ng kaniyang mga argumento bukod pa sa
husay niyang bumigkas.
4. Pagbasa ng Papel sa
Panayam o Kumperensiya

Higit na mas kaunti ang
alalahanin ng mananalumpati sa
uring ito dahil lubusang nabigyan
ng oras ang paghahanda sa
balangkas ng talumpati, ganap na
naisulat nang mahusay ang mga
argumento , at inaasahang
naensayo na ang pagbigkas.

You might also like