Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat NG Talumpati
Pagsulat NG Talumpati
• 1. Paghahanda
• a. Talumpating Maisusulat Pa Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip
nang mabutri sa paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging isipin na
mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o manonood sa
talumpati at mauunawaan nila ang punto ng pagbigkas.
• b. Talumpating Hindi Maisusulat Sa oras na malaman mo na ang punto
o isyung kailangang bigyan ng talumpati, linawin ang pag-iisip, huwag
masyadong magbanggit ng maliliit na detalye bagkus ay lagumin ang nasa
isip, mahalagang magsalita nang may kabagalan upang maunawaan ng
mga nakikinig ang iyong sinasabi at makapag-isip ka rin sa proseso, at
sumagot nang tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may oras lamang.
• 2. Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig
• Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa
iyong talumpati kung kaya’t mag-isip ng mga teknik sa pagsulat pa
lamang o paghahanda sa pagbigkas nito.
3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
• Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa
pinakamatinding emosyon , batay sa kanyang paksa, na siyang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
4. Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig
• Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa
pamamagitan ng pagbubuod sa mahahalagang puntong tinalakay sa
talumpati, magagawa mong magiwan ng mahalagang mensahe o diwa sa
mga tagapakinig sa iyong pagtatapos.
Iba’t ibang Uri ng Talumpati
Ayon sa Paghahanda
1. Impromptu
• Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda
(Mangahis, Nuncio, Javillo 2008).
• Karaniwang makikita ang mga ganitong uri ng pananalumpati sa mga job
interview, ilang okasyon ng question and answer, at pagkakataon ng
pagpapakilala.
2. Extempore
• Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng
mga angkop na salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas.
• Ang mga isyu, konsepto o usapang paglalaanan ng talumpati ay nasa
kaalaman na ng mananalumpati kaya maaari pa siyang maghanda ng
kaunting marka o palatandaan upag hindi magpaligoy-ligoy ang kaniyang
pagbigkas.
3. Isinaulong Talumpati
• Ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna pagkatapos ay isinasaulo ng
mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Juvilla, 2008). •Masusukat dito ang
husay ng pagbabalangkas ng manunulat, kaniyang pagpapaliwanag at
tibay ng kaniyang mga argumento bukod pa sa husay niyang bumigkas
4. Pagbasa ng Papel sa Kemperensiya
• Higit na mas kaunti ang alalahanin ng mananalumpati sa uring ito dahil
lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa balangkas ng talumpati,
ganap na naisulat nang mahusay ang mga argumento , at inaasahang
naensayo na ang pagbigkas.