Professional Documents
Culture Documents
Week 4
Week 4
Pagsulat ng Talumpati
1.Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga tagapakinig.
2.Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.
3.Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag ng mga ideya sa
talumpati.
1. Paghahanda
a. Talumpating Maisusulat Pa
Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabutri sa paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging
isipin na mahalagang mapukaw ang interes ng mga makikinig o manonood sa talumpati at mauunawaan
nila ang punto ng pagbigkas.
1. Paghahanda
b. Talumpating Hindi Maisusulat Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung kailangang bigyan ng
talumpati, linawin ang pag-iisip, huwag masyadong magbanggit ng maliliit na detalye bagkus ay lagumin
ang nasa isip, mahalagang magsalita nang may kabagalan upang maunawaan ng mga nakikinig ang iyong
sinasabi at makapag-isip ka rin sa proseso, at sumagot nang tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay may
oras lamang.
•Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o interes ng mga tagapakinig sa iyong talumpati kung kaya’t
mag-isip ng mga teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa pagbigkas nito.
3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
•Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati o pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng pagbubuod sa
mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong magiwan ng mahalagang mensahe o
diwa sa mga tagapakinig sa iyong pagtatapos.
1. Impromptu
•Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda (Mangahis, Nuncio, Javillo 2008).
•Karaniwang makikita ang mga ganitong uri ng pananalumpati sa mga job interview, ilang okasyon ng
question and answer, at pagkakataon ng pagpapakilala.
2. Extempore • Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na
salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas. • Ang mga isyu, konsepto o usapang paglalaanan
ng talumpati ay nasa kaalaman na ng mananalumpati kaya maaari pa siyang maghanda ng kaunting marka
o palatandaan upag hindi magpaligoy-ligoy ang kaniyang pagbigkas.
3. Isinaulong Talumpati
•Ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna pagkatapos ay isinasaulo ng mananalumpati (Mangahis,
Nuncio, Juvilla, 2008). •Masusukat dito ang husay ng pagbabalangkas ng manunulat, kaniyang
pagpapaliwanag at tibay ng kaniyang mga argumento bukod pa sa husay niyang bumigkas.
•Higit na mas kaunti ang alalahanin ng mananalumpati sa uring ito dahil lubusang nabigyan ng oras ang
paghahanda sa balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang mahusay ang mga argumento , at
inaasahang naensayo na ang pagbigkas.
GAWAIN:
Sumulat ng isang talumpati batay sa larawan na nasa ibaba. Bigkasin at i-rekord ito at ipost sa group chat.