Professional Documents
Culture Documents
Pagsulat NG Talumpati
Pagsulat NG Talumpati
TALUMPATI
Aralin 8
LAYUNIN
Unawain
MGA GABAY SA PAGSULAT NG TALUMPATI
• Paghahanda
• Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig
• Pagpapanatili ng Kasukdulan
• Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig
Talumpating Maisusulat Pa.
• Impromptu
• Extempore
• Isinaulong Talumpati
Impromtu
Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda
(Mangahis, Nuncio, Javillo 2008). Karaniwang makikita ang mga ganitong uri
ng pananalumpati sa mga job interview, ilang okasyon ng question and answer,
at pagkakataon ng pagpapakilala.
Hindi posible sa uring ito ang pagsulat pa ng bibigkasing talumpati ngunit
mahigpit ang pangangailangan dito ng kahusayan sa pag-oorganisa, paglilinaw,
at pagtatampok ng mga ideyang nais palutangin.
Extempore
Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit ng mga angkop na
salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas.
Kaiba sa impromptu, ang mga isyu, konsepto, o usapang paglalaanan ng talumpati ay nasa
kaalaman na ng mananalumpati kung kaya maaari pa siyang maghanda ng kaunting marka o
palatandaan upang hindi magpaligoy-ligoy ang kanyang pagbigkas.
Bukod pa rito, karaniwang inoorasan ang pagsagot ng mananalumpati kaya kinakailangan ang
malinaw na pag-iisip, bilis sa pagbabalangkas, at husay sa pamimili ng salita.
Isang karaniwang halimbawa nito ay ang Question and Answer portion sa mga beauty
pageant.
Isinaulong Talumpati
Ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna at pagkatapos ay isinasaulo ng
mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Juvillo, 2008).
Masusukat dito ang husay sa pagbabalangkas ng manunulat, kanyang
pagpapaliwanag, at tibay ng kanyang mga argumento bukod pa sa husay
niyang bumigkas.
Karaniwang makikita ang uri na ito sa mga Valedictory Speech.
Pagbasa ng Papel sa Kumperensiya