You are on page 1of 3

Pagsulat ng Talumpati

Ang talumpati ay sining ng pagsasalita na maaaring nanghihikayat, nangangatwiran, o


tumatalakay ng isang paksa para sa mga tagapakinig. Masusukat sa sining na ito ang
katatasan, husay, at dunong ng mananalumpati sa paggamit ng wika at katatagan ng
kanyang paninindigan. Karaniwang nagkakaiba-iba ang talumpati, batay sa
paghahanda sa mga ito (Mangahis, Nuncio, 2008) 
Sa paghahanda nito, kinakailangang tandaan na ang isang mahusay na talumpati ay
dapat nakapagbibigay-impormasyon, nakapagpapaunawa, nakapagtuturo, at
nakahihikayat ng mga konsepto at paninindigan sa mga manonood at tagapakinig.

Mga Kasanayang Pampagkatuto

- Nasasabi ang uri ng talumpating nabasa/napakinggan

- Naiuugnay sa sarili ang talumpating nabasa/napanood

- Nakasusulat ng isang talumpati mula sa mahalagang karanasang natutuhan

- Nakabibigkas ng talumpati sa harap ng camera

- Napagtitibay ang natamong kasanayan sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng


pinakinggang halimbawa

Unawin Natin

Nais mo bang matutuhan ang pagsulat ng talumpati? Kung ganoon, dapat mong
tandaan ang sumusunod na mga gabay sa pagsulat ng talumpati.

1. Isaalang-alang ang uri ng wikang dapat mong gamitin na kaaya-aya sa mga


tagapakinig.

2. Gumawa ng balangkas na dapat sundin sa isusulat na talumpati.

3. Iayon ang mga salita, tayutay, kasabihan, o salawikaing gagamitin sa pagpapahayag


ng mga ideya sa talumpati.
Narito naman ang mga dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa gagawing
talumpati.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagtatalumpati

1. Paghahanda

a. Talumpating maisusulat Pa Ihanda ang iyong sarili na makapag-isip nang mabuti sa


paksa ng talumpating iyong isusulat. Palaging isipin na mahalagang mapukaw ang
interes ng mga makikinig o manonood sa talumpati at mauunawaan nila ang punto ng
pagbigkas.

b. Talumpating Hindi Maisusulat Sa oras na malaman mo na ang punto o isyung


kailangang bigyan ng talumpati, linawan ang pag-iisip, huwag masyadong magbanggit
ng maliliit na detalye bagkus ay lagumin ang nasa isip, mahalagang magsalita nang
may kabagalan upang maunawaan ng mga nakikinig ang iyong sinasabi at
makapag-isip ka rin sa proseso, at sumagot nang tuwid dahil maaaring ang pagsagot ay
may oras lamang.

2. Pagpapanatili ng Kawilihan ng Tagapakinig


Tiyaking hindi mawawala ang kawilihan o enteres ng mga tagapakinig sa iyong
talumpati kung kaya't mag-isip ng mga teknik sa pagsulat pa lamang o paghahanda sa
pagbigkas nito. Maaaring mag mga bahagi sa talumpati na nagkukuwento. Pukawin ang
diwa ng mga tao sa paggamit ng matatalinghagang pananalita at mga tayutay.

3. Pagpapanatili ng Kasukdulan
Dapat maihatid ng mananalumpati ang kanyang tagapakinig sa pinakamatinding
emosyon na siyang pinakamahalagang mensahe ng talumpati.

4. Pagbibigay ng Kongklusyon sa Tagapakinig


Ito ang huling bahagi ng pagsulat ng talumpati  o pagbigkas nito. Sa pamamagitan ng
pagbubuod sa mahahalagang puntong tinalakay sa talumpati, magagawa mong
mag-iwan ng mahalagang mensahe o diwa sa mga tagapakinig sa iyong pagtatapos.

Iba't Ibang Uri ng Talumpati Ayon sa Paghahanda


Nabanggit na sa unang bahagi ng araling ito na karaniwang nagkakaiba-iba ang
talumpati batay sa paghahanda sa mga ito. May mga talumpating kinakailangang isulat
at mayroong hindi kailangang isulat ngunit tiyak na susubok sa kakayahan ng
mananalumpati na magsaayos ng mga kaisipan.

1. Impromptu---Ito ang uri ng talumpati na biglaan at walang ganap na paghahanda


(Mangahis Nuncio, Javillo 2008). Karaniwang makikita ang mga ganitong uri ng
pananalumpati sa mga job interview, ilang okasyon ng question and answer, at
pagkakataon ng pagpapakilala. Hindi posible sa uring ito ang pagsulat pa ng
bibigkasing talumpati ngunit mahigpit ang pangangailangan dito ng kahusayan sa
pag-oorganisa, paglilinaw, at pagtatampok ng mga ideyang nais palutangin na siya ring
kauna-unahang kahingian sa pagsusulat.

2. Extempore---Sa uring ito masusubok ang kasanayan ng mananalumpati sa paggamit


ng mga angkop na salita sa loob ng sandaling panahon bago ang pagbigkas . Kaiba sa
impromptu, ang mga isyu, konsepto, o usapang paglalaanan ng talumpati ay nasa
kaalaman na ng mananalumpati kung kaya maaari pa siyang maghanda ng kaunting
marka o palatandaan upang hindi magpaligoy-ligoy ang kanyang pagbigkas. Bukod pa
rito, karaniwang inoorasan ang pagsagot ng mananalumpati kaya kinakailangan ang
malinaw na pag-iisip, bilis sa pagbabalangkas, at husay sa pamimili ng salita. Isang
karaniwang halibawa nito ay ang Question And Answer portion sa mga beauty pageant.

3. Isinaulong Talumpati---Ito ang uri ng talumpati na isinusulat muna at pagkatapos ay


isinasaulo ng mananalumpati (Mangahis, Nuncio, Juvillo, 2008). Masusukat dito ang
husay sa pagbabalangkas ng manunulat, kanyang pagpapaliwanag, at tibay ng
kanyang mga argumento bukod pa sa husay niyang bumigkas. Karaniwang makikita
ang uri na ito sa mga Valedictory Speech.

4. Pagbasa ng Papel sa Kumperensiya---Higit na mas kaunti ang alalahanin ng


mananalumpati sa uring ito dahil lubusang nabigyan ng oras ang paghahanda sa
balangkas ng talumpati, ganap na naisulat nang mahusay ang mga argumento, at
inaasahang na-ensayo na ang pagbigkas. Tanging aalalahanin na lamang ay ang bisa
ng tinig at bigat ng pagbanggit sa mahahalagang punto ng talumpati. 

You might also like