You are on page 1of 11

TALUMPATI

Ano ang Talumpati?


-buod ng talumpati o opinion ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita para sa mga pangkat ng tao.
-layuning humikayat,tumugon,mangatwiran ,magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala.
-uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag
tungkol sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng
tagapakinig.
-maaaring binabasa,sinasaulo o binabalangkas.
URI NG TALUMPATI
1.Impromptu
2.Extempore
3.Isinaulong Talumpati
IMPROMPTU
-tinatawag ding “talumpating
walang paghahanda o daglian
-ibinibigay ang paksa sa oras na
mismo ng pagsasalita
Ilang Paalala sa Biglaang Pagtatalumpati
Maglaan ng oras sa paghahanda
-Huminga nang malalim.Dahan-dahan tumayo at
lumakad patungong tanghalan.Gamitin ang oras na ito sa
pagbuo ng mga ideya na gagamitin mo sa pagbigkas.Mag-
isip din ng magandang panimula.
Magkaroon ng tiwala sa sarili
-Tingnan ang buong paligid at ngumiti sa mga
tagapakinig.Tumindig nang maayos.Huwag ilagay ang
mga kamay sa loob ng bulsa.Magsalita at kumilos nang
may tiwala sa sarili.
Magsalita nang medyo mabagal
-Ang pagsasalita ng mabagal ay makatutulong sa iyo na
mag-isip kung ano ang susunod na sasabihin.Nakatutulong
din ito upang mabawasan ang iyong nerbyos.
Magpokus
-Magpokus sa paksa habang nagsasalita.Iwasang mag-
isip ng neagtibo dahil sa kawalan ng kahandaan.Magsalita
nang tuwiran sa mga tagapakinig at ibigay o iangkop ang
sarili sa nakikitang reaksyon ng mga tagapakinig.Iwasan ang
paligoy-ligoy na salita.
EXTEMPORE
-tinatawag ding “panandaliang talumpati o maluwag”
-agarang pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at Malaya siyang
magbibigay ng sariling pananaw.
Tatlong kahirapan sa pagsasagawa ng pagbigkas ng extempore ayon kay James
M. Copeland
 Kawalan ng kahandaan sa pagbigkas
-ang paghahanda sa ganitong tipo o uri ng pagtatalumpati ay limitado sa oras sa pagitan
ng pagkuha ng paksa at mismong paligsahan.
 Pagtatakda ng oras sa pagtatalumpati
-sa ibang paligsahan,ang mananalumpati ay tinatanggal kung lalampas o kaya ay
kulangin sa oras.
 Pag-uulit ng Paksa
ISINAULONG TALUMPATI
-Sa bahaging ito ang tagapagsalita ay
gumagawa muna ng kanyang talumpati.
-May paghahanda na sa ganitong uri ng
pagtatalumpati
-kailangang memoryado o saulado ang pyesa
bago bigkasin ang talumpati
MGA KASANGKAPAN NG
TAGAPAGSALITA/MANANALUMPA
TI
1.Tinig
2.Tindig
3.Galaw
4.Kumpas ng mga Kamay
MGA BAHAGI NG
TALUMPATI
1.Panimula
2.Katawan
3.Paninindigan
4.Konklusyon
MGA KATANGIAN NG
MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA
1.Kahandaan
2.Kaalaman sa Paksa
3.Kahusayan sa Pagsasalita

You might also like