You are on page 1of 16

Ang nobela ay isang genre o uri

ng panitikan ng modernong
panahon. Sa literal na
pagpapakahulugan, ang ibig
sabihin ng nobela ay “bago”
(novel or new sa Ingles).
Ito ay isang mahabang kuwento
na hinati-hati sa mga kabanata.
Ito ay kathang-salaysay ng mga
pangyayaring
pinagsusunodsunod upang
makalikha ng isahang epekto.
Ito ay madalas na sumusunod sa
pag-unlad ng katauhan ng isang
karakter.
TELENOBELA
Ito ay nagmula sa dalawang salita; ang
telebisyon at nobela. Ito ay isang uri
ng panoorin na ineere sa telebisyon na
nakaaanyaya sa mga manonood. Ang
nobela at telenobela ay parehong
sumasalamin sa mga pangyayari sa
lipunan.
KONTEKSTUWAL NA PAHIWATIG
Ito ay mga kahulugang nakabatay
sa pahiwatig ng mga pahayag na
ginagamit sa pakikipagtalastasan.
Nababatay ang kahulugan nito sa
konteksto o gamit sa isang
pahayag.
Depinisyon – ang kahulugan ay
mababasa sa ibang bahagi ng
pangungusap.
Hindi niya masikmura at nakabababa
ng pagkatao ang mahahayap na
salitang binigkas ng kaniyang kaaway
sa pulitika.
Hindi niya masikmura at
nakakababa ng pagkatao
ang mahahayop na salitang
binigkas ng kaniyang
kaaway sa pulitika.
Salungatan – bukod sa
kasingkahulugan, higit na
mabuting malaman din ang
kahulugan sa pamamagitan
ng kasalungat din nito.
Ang kabuktutan ay
hindi dapat na
magkubli sa anino ng
kabayanihan.
Ang sanaysay ay isang sulating
gawain na kung saan ito’y
kadalasang naglalaman ng mga
pananaw ng may-akda.
Ipinahahayag ng may-akda ang
kaniyang damdamin sa mga
mambabasa. Ito ay essay sa Ingles.
Dalawang Uri ng Sanaysay
Pormal – tinatalakay ang
mga seryosong paksa na
nagtataglay ng masusi at
mapanuring pananaliksik.
Di-pormal – tinatalakay
naman nito ang mga paksang
karaniwang personal at
pang-araw-araw na mapang-
aliw sa mambabasa.
Mga angkop na salita o
ekspresyon sa…
Paglalarawan
Halimbawa:
dambuhala
maganda
mahusay
Mga angkop na salita o
ekspresyon sa…
Paglalahad ng sariling pananaw
Halimbawa: Sa aking palagay…
Sa tingin ko ay…
Para sa akin…
Ang paniniwala ko ay…
Hindi ako sumasang-ayon dahil…
Mga angkop na salita o
ekspresyon sa…
Pag-iisa-isa
Halimbawa: Pagkatapos
Saka
Sa dakong huli
Sumunod na araw
Mga angkop na salita o
ekspresyon sa…
Pagpapatunay
Halimbawa: Ayon sa nabasa kong datos…
Batay sa…
Pinatutunayan ni…
Tinutukoy sa/ni/ng …
Sang-ayon sa…

You might also like