You are on page 1of 2

CORDOVA, FRANCHESCA S.

BSEd-Fil 2-1

Pagsusuri ng Sanaysay

Makikita na sa unang bahagi ay nag bigay ng sariling opinyon ang manunulat at ibinahagi

niya dito ang reyalidad na pangyayari na talaga namang dapat dahil maganda na

naihahalintulad ang pangyayare noon sa ngayon upang maipakita sa mga mambabasa ng

malinnaw at maayos na mabatid. Ito ay isang sanaysay na nasa anyong malaya di pormal

na sanaysay sapagkat simple lamang ang paglalahad ng mga kaisipan. Ito ay pamilyar o

malapit sa damdamin ng mga mambabasa at parang nakikipag-usap lamang. Mapapansin

na ang inilahad ay batay sa kuro-kuro at karanasan ng may-akda. Binigyang diin ng

manunulat ang mga bagay-bagay mga karanasan o isyung maaaring magpakilala ng

personalidad ng manunulat o pakikisangkot niya sa mga mambabasa. Payak at

matalinghaga ang mga ginamit na salita,na nakatulong sa mambabasa upang lalo pa nila

maintindihan ang mga nais ipahiwatig nito. Sa tono naman ng pagbuo ng mga salita ay Tila

nakikipag-usap lamang ang may akda at nanghihikayat na unawain ang kanyang mga nais

ipabatid.Ang teoryang ginamit ng aking kamag aral sakanyang sanaysay ay Teoryang

Realismo, Ang teorya ng realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan

nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian,

kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno, dahil

kung ating matatandaan ang akda nito ni Jose Rizal ay tinatalakay ang mga kababaihan ng

taga malolos na namamaliit dahil sa sila any babae lamang na pumapasok sa


diskriminasyon. Kapansin- pansin din ang mga gramar sa kaniyang gawa na tama at

maayos ang pagkagawa o pagkabuo . Naiayos ang pag buo ng mga nilalaman lahat ay

direkta sa punto at maayos na nailahad ang ideya at saloobin. Sa pang wakas na bahagi

naman ay naibahagi niya ang kabuang pangkaisipan sa kanyang gawa na kanyang

naikonekta sa pangkasalukuyang panahon. Nagbigay din ang aking kamag aral ng kanyang

opinyon at aral sa pangwakas miyang bahagi na isang taglay ng sanaysay na dapat may

pang kabuuang paksa sa pang wakas na bahagi ng isang sanaysay upang may mabaon na

aral ang mag babasa ng kanyang sanaysay

You might also like