You are on page 1of 10

Aralin 1: Pananaw sa Panunuring Pampanitikan

Paunang Siyasat

Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at


manunulat na Pilipino sina Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang
namumukod-tanging kritikong panitikang Filipino noong kanilang panahon.

Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay
nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon.
Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.

Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay


pinasok ni del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G.
Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang
Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang
pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.

Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang
sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa
mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng
panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika: Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan?
Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi
nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?

Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa


pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang
pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.

Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at


pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay.

Ang unang sangay ay ang Pagdulog.


Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang
pangatlo ay ang sikolohikal at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan. Panunuring
Pampanitikan

Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig.

Ang mga uri nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo,


ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at peminismo. Panunuring Pampanitikan
Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at


marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas


ng kalahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri. Sa pagsusuri ng anumang akda ay
dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.

Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling paksa,


mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas na
kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay,
may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at
makinis ang pagkakasulat.

Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillon at
Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng
Sanaysay - Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika
sa Pilipinas. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat panaigin.


Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng pangitain nito.
Ang simulaing ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa tula ay
ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay raw ng
sining ay nasa ubod at laman. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang
sukatan ng kakayahan ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang
pahalagahan at sukatin upang makagawa ng makatarungang paghatol ay kung
papaano ang pagkatula.
Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa pagtutulong-
tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na tula ay kailangang
matigib ng damdamin, kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi
mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring matibag sa mga taludtod nito ang
isang kagandahan. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan
Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,
makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa teoryang
pampanitikan. Mga Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay ng mga


sangkap ng pagsulat.

Aralin 1.1: Mga Dulog sa Panunuring Pampanitikan


Pagdulog sa Marxismong Pananaw

Ang Markismo ay isang pandaigdigang pananaw at pagsusuri ng lipunan na tumutuon


sa ugnayan at hidwaan ng mga antas ng lipunan na gumagamit ng materyalistang
interpretasyon ng takbo ng kasaysayan, at diyalektikong pananaw ng pagbabago ng
lipunan.

Ang marxismo ay isang teoryang pampanitikan na nagpapakita ng tunggalian ng


mayaman at mahirap, mahina at malakas, makapangyarihan at api.

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay


may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng mga tao sa pagtugon sa
suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa prostitusyon
bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at suliranin ng
lipunan.
Ang teoryang markismo ay inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan.
Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina
at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito
nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito
ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang
madapi ang nangaaping lakas

Ang teoryang ito ay tumatalakay din sa paglalaban-laban ng mahirap at mayaman. Ang


layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan
na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning
panlipunan at pampulitika.

Dalawang Alemang Pilosopo ng Markismo


1. Karl Marx
2. Friedrich Engles

Marxismo sa Pilipinas

Nagsimulang lumaganap ang ideolohiyang Marxismo simula pa nang unang maitatag


ang partidong komunista sa Pilipinas noong Nobyembre 30, 1930 sa pamumuno ni Crisanto
Evangelista. Siya ay isang Pilipinong komunista ng unang bahagi ng ika-20 siglo. Siya ang
pangunahing tagapagtatag at namuno ng (lumang) partidong komunista ng Pilipinas sa araw
ng 13 taon ng rebolusyong oktobre ng Russia. Kinulong siya sa bandang huli ng dekada
ngunit pinalaya ng gobyerno para lumaban sa mananakop na Hapon. Tinanggap niya ang
malupit na kamatayan sa duguang kamay ng pasistang Hapon noong Hunyo 2, 1942.
Pagdulog sa Realismong Pananaw

Ang realismo ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong


pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan, tulad ng korapyon, katiwalian,
kahirapan at diskriminasyon. Madalas itong nakapukos sa lipunan at gobyerno.

Layunin nito na ipakita ang karanasan at masaksihan ng may akda sa kanyang


lipunan. Higit na pinahahalagahan ang pagsasalaysay kaysa sa paksa.
Samakatuwid ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo
sapagkat isinasaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang
sinulat. Nagpapahayag ito ng katotohanan at pagtanggap sa buhay.
Ang pagdulog realismo ay ang paniniwala na ang karamihan ng mga cognitive bias
(kamalayang may kinikilingan) ay hindi pagkakamali, kundi lohikal at paaran
ng praktikal na pangangatwiran sa pakikitungo sa “tunay na mundo”. Kasáma nito ang
pagpapalagay na ang mga bagay ay mayroon pang mas malawak na kaalaman kaysa
sa kung ano ang sinasabi ng mga cognitive experimenter (mga sumusubok sa
kamalayan). https://tl.wikipedia.org/wiki/Teorya_ng_realismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa
kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang
totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagka- epektibo ng kanyang
sinulat. http://kadipanvalsci.blogspot.com/2010/08/mga-teoryang-
pampanitikan.html

Isang ulat sa https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-


36790003 ang nagsasabing ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at
lipunan, ay dapat maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad.
Ang karaniwang paksain na ipinapakita nito’y pumapatungkol sa kahirapan,
kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng katarungan, prostitusyon,
atbp.

Kung ang paglutang ng romantisismo ay bilang reaksyon sa klasisismo, masasabing


ang realismo ay isang reaksyon sa pananaw na itinaguyod ng romantisismo.

Pinapaburan ng realistang manunulat ang mga pangyayaring nagaganap sa buhay ng


nakararami tulad ng: pagkaapi, paghihirap, pagbaba ng katayuan ng mga nasa gitnang
uri, prostitusyon, pakikibaka ng mga manggagawa, karaniwang panahon at lipunan, nagtatala
ng mga kaganapan sa panahong iyon ng kanyang lipunan sa masining na paraan, pag-unawa
sa panahon o kaligiran o sa mga kontekstong kultural, pulitikal at pangkabuhayan kung
kailan naisulat ang akda.
Inuri naman ng mga realista ang Realismong Pagdulog sa anim (6): (1) Kritikal na
Realismo -Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga
aspektong may kapangitan at panlulupig nito. (2) Sosyalistang Realismo – kaapihan
ng mga uring manggagawa. (3) Sikolohikal na Realismo na nagpapakita ng pagkilos ng tao
bunsod ng damdaming likha ng nakapaligid sa kanya. (4) Pino o Mabining Realismo ay
may pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang anumang
pagmamalabis at kahindik- hindik. (5) Sentimental na Realismo ay naglalarawan ng mga
mithiin ng mga tauhan na nauuwi sa pangangarap ng gising, paghahangad ng magandang
wakas, mga pag-asang pinangingibabawan ng damdaming kaysa kaisipan sa paglutas ng
anumang suliranin. (6) Mahiwagang Realismo o Magic Realism ang pantasya at
katotohanan nang may kamalayan. Pinagsasama ng impluwesya ng mito at
karunungang-bayan sa takbo ng kwento upang masalamin ang mga katotohanang nagaganap
sa lipunan.

Naging masigla ang talakayin tungkol sa Realismo noong unang bahagi ng siglo
1900. Nakatulong dito ang kilusang anti- Romantisismo sa Alemanya kung saan mas nagtuon
ng pansin ang sining sa pangkaraniwang tao. Idagdag pa rito ang patataguyod ni Auguste
Comte (kilalang Ama ng Sosyolohiya) ng proditibistikong pilosopiya sa paglulunsad ng
siyentipikong pag-aaral; ang pag-unlad ng propesyunal na journalism kung saan inuulat nang
walang bahid ng emosyon o pagsusuri ang mga kaganapan at ang paglago ng industriya ng
potograpiya.

Pagdulog sa Formalistikong Pananaw

Sa dulog na ito’y pinagtutuunan ng pansin sa katha o akdang


pinag-aaralan ang mga elementong bumubuo sa katha. Madaling maipaliwanag ang kabuuan
ng mga akda kung ang mga elementong taglay lamang ng akdaang higit na pinag-uukulan ng
pansin.

Pormalistiko ang dulog ng pag-aaral ng isang akda kung kung inihihiwalay ang akda sa
buhay o pangyayaring kinasasangkutan ng may-akda pangkasaysayan man o panlipunan.

Ayon kay Soledad Reyes, “sa paggamit ng pormalistikong pagdulog ay


napagtutuunan ng pansin ang mga detalye at bahagi ng kuwento upang itanghal ang pagiging
masining at malikhain ng komposisyong ito.” Tinatalakay ang magandang pagkakaugnay-
ugnay ng mga bahagi sa katha-ang (1) Tema, (2) Tauhan, (3) Tagpuan, at (4)
pagkakasunod –sunod ng mga pangyayari sa dulog na ito.

Pagdulog sa Feminismong Pananaw

Babae Kami
Babae kami
Hindi manikang
Lalaruin, huhubaran
Bibihisan, ikukulong
Hindi pagkaing
Sa mesa ihahain
Babalatan, hihimayin
-Marra Lannot-

May mga teoristang nagsasabi na ang kagandahan ng feminismo ay nasa


pagiging postmodern nito---ayaw magpakahon sa alinmang kategorya. Ang kasaysayan ng
kritisismong feminismo ay puno ng kontradiksiyon. Nariyang halos subukan nitong ipasok ang
iba’t ibang teorya para lamang baliktarin at gamitin para tumbahin ang patriarkal na
ideolohiya.
Isa sa mga kahanga-hangang nangyari sa feminismo ay ang pagbuhay nito ng ‘awtor’ dahil
pinaniwalaang ‘patay’ na ang awtor sa kontemporaryong panahon. Binigyang-halaga at
importansiya ng feminismo ang autor dahil siya ang nakadanas ng karanasan at akma ng
paghulagpos. Mahalagang ‘marinig’ ng mambabasa ang tinig na pinipi ng dominante at
hegemonikong kalakarang patriarkal.

Mahaba din ang pinagdaan ng kasaysayan ng kritisismong feminismo. Ipinaliwanag


halimbawa ni Elaine Showalter ang tatlong phases nito: ang feminine (1840-80), feminist
(1880-1920) at female (1920 hanggang kasalukuyan). Mula sa ‘panggagaya’ ng manunulat na
babae sa lalaki, papuntang radikal na paghiwalay at sa pagkonstrak ng sulat at
karanasan ng babae na mayroong “boses” na iba sa lalaki. Samantala, kinilala lamang ni Toril
Moi ang textong feminista ayon sa pagiging “feminist” (politikal na posisyon), “female”
(biyolohikal), at “feminine” (kultural at socially constructed) ---ang mga
kategoryang ito ay nabuo ayon na rin sa ‘conditioning’ at ‘socialization’ na dinanas/ipinadanas
sa mga babae sa mga akdang pampanitikan. Naging layunin kung ganoon ng feminismo na
ilantad ang mga ito at ipakita ang relasyon bilang mekanismo ng panlulupig ng patriarkal na
sistema.

Noong una ang kritisismong feminismo ay nakatuon lamang sa pagbasa ng texto


ngunit noong huli ay naiangat na sa pagteteorya at dumako na sa postistruktural at
postmoderno. Ang pagka-postmodern ng feminismo ay nalikha dahil sa paghalaw nito ng iba’t
ibang istilo, porma at genre sa pagsusulat; naging ‘eclectic’ na ang feminist writing. Sa isang
pagbasa, ang katangiang eclectic na ito ay nakonstrak dahil sa pagbalikwas sa dominanteng
porma na naghahanap ng organikong kaisahan; na sa isang katotohanan ay instrumento sa
pagpapanatili ng sistemang patriarkal at gitnang- uri. Ngunit masasabi rin, na itong eklektismo
ay ang pagsandig ng feminismo sa paniniwalang ang panulat ng babae (kailan man) ay hindi
magiging tulad ng sa lalaki: rasyunal, obhektibo at hindi emosyonal.

Isa sa mga patunay sa ganitong pananaw ay ang pagkilala, gamit ang linguistiko at
sikoanalitik na teorya, sa prosa o tuluyan bilang lalaking panulat. Handikap o magkakaroon ng
kapansanan ang babae kung ito ang gagamiting porma sa pagsulat. Dito naimbento ni
Kristeva ang ‘symbolic’ at ‘semiotic’ na maaring gamitin sa pagsulat at pagbasa ng akda. Sa
‘symbolic’ na aspeto ng texto pinaniniwalaang ang pagiging ‘fixed and unified’ ng kahulugan;
samantala,sa ‘semiotic’ ang texto ay malayang gumamitng wika sa paraang ‘displacement,
slippage, condensation.’ Higit nitong pinalilitaw ang katangian ng babae bilang hindi hayag
bagkus ay misteryoso. At mas naipapakita ito sa tula kesa sa prosa.
Sa kabuuan, ang kritisismong feminismo ay may layuning muling iakda ang babae sa
pagsusulat man o sa pagbasa ng panitikan. Sa ganitong layunin ay maiaangat ang estado ng
babae, mabibigyan ng boses, makalilikha ng sentro, mabigyang kapangyarihan at
mailalagay sa di establing posisyon ang sistemang Patriarkal-na ang lalaki ang may control ng
lipunan, na ang papel na ginagampanan ng babae’y tagasunod lamang sa lalake sa
lahat ng larangang kultural gaya ng relihiyon, pamilya, politika, ekonomiya, lipunan, batas,
sining (Mendiola, 1991).

Aralin 1.2: Panunuring Pampanitikan

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


1. Teoryang Klasismo/Klasisismo - Ang layunin ng panitikan
ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng
dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng
mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan. Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista –
“hindi angkop ang paggamit ng mga salitang balbal. Hindi rin angkop ang labis na emosyon.”
Halimbawa nito ay Florante at Laura ni Francisco Balagtas.
Katangian ng Akdang Klasiko
• Pagkamalinaw
• Pagkamarangal
• Pagkapayak
• Pagkamatimpi
• Pagkaobhetibo
• Pagkakasunud-sunod
• Pagkakaroon ng hangganan
2. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo
ay binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento at iba pa.
1. Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong nakatuntong ng
pag-aaral na kumikilala sa kultura.
2. Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kayat mahalagang maipagkaloob sa kanya ang
kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.

3. Teoryang Romantisismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan
ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig s a kapwa, bansa
at mundong kinalakihan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang
ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

4. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at


nasaksihan ng mag-akda sa kanyang lipunan, Samakatuwid, ang panitikan ay hango
sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang isinulat.
1. Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.
2. Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat maging
makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad.
3. PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian, kawalan ng
katarungan, prostitusyon, atb.

5. Teoryang Pormalistiko - Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais


niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan, Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng
may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa– walang labis
at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pag-
unawa.
1. tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito.
2. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at paraan ng pagkakasulat ng akda.
3. Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at paguugnayan ng mga salita,
istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang elemento ng akda.

6. Teoryang Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang


tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).

7. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga


kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga
kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae
o sagisag ng babae ang pangunahing tauhan ay ipinayagpag ang mabubuti at
magagandang katangian ng tauhan.

1. Ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat bilang


mahina, marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin,emosyonal,
pantahanan at masama.

2. Ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay


ng kalalakihan.

8. Teoryang Markismo/Marxismo - Ang layunin nito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa


tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng
pang- ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang
mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo
para sa mga mambabasa.

1. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang


nagpapakita ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap.
Makabuluhan rin kung paano natalo ng mahina ang malakas; ng mahirap ang mayaman.
Ginagamit ng mga oryentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mga
mata ng tao sa pang-aapi at pananamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y
sumibol sa Panahon ng Kastila at Hapon, at namayagpag naman sa
makabagong panahon.

2. Nagagamit ang Marxistang pananaw sa pagsusuri sa kalagayang panlipunan, pag-uugali


at motibasyon ng mga tauhan sa kwento. Bukod dito, binibigyang- pansin ng
pananaw na ito ang mga umiiral na tunggalian: tauhan sa sarili niya, sa ibang
tauhan, sa lipunan o sa kalikasan.
Hal. Walang Panginoon - Deogracias A. Rosario Dahil sa tunog ng animas,naalala
ni Marcos kung paanong naging mahirap ang buhay nila sa pamamahala ni Don
Teong at sa pagkamkam nito sa kanilang natitirang kabuhayan gayundin ang
pagiibigan nila ni Anita na anak ni Don Teong at kung paanong ito ng naging sanhi ng
pagkamatay ng dalaga. Ang lahat ng ito ay naging gatong sa poot na nararamdaman ni
Marcos na nag−udyok na rin upang mabuo ang plano ng binata na patayin ang Don.
PANUNURING PAMPANITIKAN

Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri
at pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang
Pagdulog. Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang
moralistiko. Ang pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.

Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri
nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo,
ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at feminismo.

MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng


katalinuhan, seryoso at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa
kalayaan.

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o


balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.

3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may


kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.

BAKIT MAHALAGA ANG PANUNURING PAMPANITIKAN?


 Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo’y may kinalaman sa
pagsusuri nito.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO

1. Ang kritiko ay matapat sa sarili, itinuturing ang panunuri ng mga akdang


pampanitikan bilang isang sining.
2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang
pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
3. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong
nagaganap sa panitikan.
4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp
5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim
sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng
damdaming naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng
panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang
mga unang taon ng kanyang pamimili.
CRITIQUE (PANUNURI) CRITICISM (KRITISISMO)
Naghahanap ng estruktura
Naghahanap ng mali
Naghahanap ng kung ano ang pwede Naghahanap ng kulang
Nagtatanong upang maliwanagan Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya naunawaan

Naglalahad sa mabuti, matapat at obhektibong Nakalahad sa malupit at mapanuyang tinig


tinig
Positibo Negatibo
Kongkreto at tiyak Malabo at malawak
Tumitingin lamang sa kung Naghahanap ng pagkukulang
ano ang nasa pahina sa manunulat at sa akda

PAGKAKAIBA NG CRITIQUE (PANUNURI) AT CRITICISM (KRITISISMO)

Gabay sa Pagsusuri ng akda ni Nenita Papa


I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Buod
VI. Banghay
a. Simula
b. Saglit na Kasiglahan
c. Suliranin
d. Kasukdulan
e. Kakalasan
f. Wakas
VII. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
VIII. Mga Puna

Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga ng
bagay, puso lamang ang nakadarama.” - Aral mula sa Ang Munting Prinsipe ni Antoine de Saint-
Exupery

You might also like