Professional Documents
Culture Documents
Kolehiyo/Departmento ng Filipino
FIL 27: Panunuring Pampanitikan
Semester of A.Y. 2020-2021
INTRODUKSYON
Ang modyul na ito ang hinggil sa mga teoryang pampanitikan. Tatalakayin din sa modyul na ito ang
mahahalagang katangian na dapat taglayin ng manunuri.
LAYUNIN
1. Nababatid ang iba’t ibang mga teoryang pampanitikan.
2. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang akdang pampanitikan sa pamamagitan ng mga teorya / pananalig
pampanitikan.
3. Natutukoy ang mga teorya / pananalig pampanitikan na napapaloob sa mga akda.
4. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang
NILALAMAN
TEORYA
- pormulasyon ng palilinawing mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng malinaw
at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito
TEORYANG PAMPANITIKAN
- Isang sistema ng mga kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng
panitikan, kabilang ang layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong panitikan na ating
binabasa.
1. Bayograpikal
- Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-
akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya
niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.
Mga Halimbawa:
‘Si Boy Nicolas’ ni Pedro L. Ricarte
‘Utos ng Hari’ ni Jun Cruz Reyes
‘Reseta at Letra: Sa Daigdig ng Isang Doktor-Manunulat’ ni Dr. Luis Gatmaitan
Florante at Laura: Kay Selya ni Francisco Balagtas
‘Mga Gunita’ ni Matute
‘Sa mga Kuko ng Liwanag’ ni Edgardo Reyes
2. Historikal
- Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang
kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
Mga Halimbawa:
‘Noli Me Tangere’ at ‘El Filibusterismo’ ni Dr. Jose P. Rizal
‘Ang Tatlong Panahon ng Tulang Tagalog’ ni Julian Cruz Balmaceda
‘Ang Pagkaunlad ng Nobelang Tagalog’ ni Inigo Ed Regalado
3. Klasismo (Grecia bago isinilang si Kristo)
- Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba
ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at
piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.
Gintong Panahon (80 B.C) nakilala ang panulaan bilang pinakamahalagang genre
sa pagsulat at pagsusuri (epiko, satiriko, tulang liriko at pastoral)
Nakasentro sa mga dulang itinatanghal
Komedya at Trahedya; bilang dalawang pinakatanyag na uri ng dula.
Panahon ng Pilak
Paglaganap ng prosa at bagong komedya.
Talambuhay, liham-gramatika, pamumuna at panunuring pampanitikan.
Paniniwala: kahit ang diwa ng tao ay nakabatay sa bagay, ang pisikal na bagay at espiritu ay
dapat isabuhay at dakilain.
Pinapahalagahan ng mga klasista ang pagsasabuhay ng isang dakilang kaisipan
sa isang dakilang katawan.
DALAWANG URI:
1. Romantisimong Tradisyunal – nagpapahalaga sa halagang pantao.
2. Romantisismong Rebolusyonaryo – pagkamakasariling karakter ng isang
tauhan.
Makatang Romantiko:
Mga Halimbawa:
6. Pormalistiko
- Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan.
Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais
niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi
humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.
Halimbawa:
‘Ako ang Daigdig’ ni Alejandro G. Abadilla
‘Aanhin Nino ‘Yan?’ Panitikang Thai Salin ni Lualhati Bautista
Batay sa ideyang walang permanenteng kahulugan ang teksto dahil ang wika ay di matatag
at nagbabago.
Higit na mahalaga ang mambabasa kaysa sa may-akda sa pagtiyak ng kahulugan ng teksto.
Layunin ng pag-aanalisa ang paglalantad sa mga magkakaslungat na kahulugan o
implikasyon ng teksto at ng mga salita at
pangungusap.
Halimbawa:
‘Tata Selo’ ni Rogelio Sicat
‘Kay Estella Zeehandelaar’ salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo
11. Feminismo
- Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae t
iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan
ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.
Mga Halimbawa:
‘Sa ngalan ng Ina, ng Anak ng Diwata’t Paraluman’ ni Lilia Quindoza Santiago (tula)
‘Sandaang Damit’ ni Fanny Garcia (maikling kwento)
‘Sumpa’ ni Rowena Festin (tula)
‘Paano Tumutula ang Isang Ina’ ni Ligaya G. Tiamson-Rubin (tula)
Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay nagsimula ng
pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon. Ang panunuri at pamimiling ito
ay tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo ang
larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa pamamagitan
ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932, na sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang
pamimili ng pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.
Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang sanaysay ni Isagani R.
Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga
nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika:
Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang mga isyu na
nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo ngayon sa kritika?
Tulad ng pagiging manunulat ng alinmang akdang pampanitikan, ang isang kritiko sa panitikan ay dapat
ding magtaglay ng magagandang katangian. Dahil dito, iminumungkahi ng manunulat ng aklat na ito ang
sumusunod na mga katangiang dapat taglayin ng isang kritiko:
1. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang pampanitikan bilang isang
sining.
2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan at hindi manunuri
ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
3. Ang kritiko ay lagging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa panitikan.
4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na sumasandig sa ibang
disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa paraan ng pagbuo o
konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming naninindigan
upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang pagmamalasakit, ay ipinakilala ng
mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang pamimili.
ASSESSMENT
1. Magsumite ng pagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang balangkas na nasa ibaba:
I. Saligan
II. Buod (Maikli lamang)
III. Kahulugan ng pamagat
IV. Mga Teorya / Pananalig Pampanitikang Napapaloob sa Akda
REPLEKSYON
Panuto: Sumulat ng repleksyon/reaksyon na may sampu o higit pang pangungusap hinggil sa mga paksang
tinalakay sa modyul na ito.
SANGGUNIAN
Mabait, M. (2014, July 09). Teoryang Pampanitikan. Retrieved September 13, 2020, from
https://www.slideshare.net/GinoongGood/teoryang-pampanitikan-36790003