You are on page 1of 8

Sosyedad at Literatura/Panitikang

Panlipunan

Kabanata 2

Panunuring Pampanitikan
Kabanata 2

Panunuring Pampanitikan

Panimula

PANUNURING PAMPANITIKAN
Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
paglalapat ng iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing
manunulat at katha.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at
pagpapaliwanag ng panitikan. Ito ay may dalawang sangay. Ang unang sangay ay ang Pagdulog.
Ang mga uri nito ay pormalistiko o pang-anyo. Ang pangalawa ay ang moralistiko. Ang
pangatlo ay ang sikolohikal. at ang huling uri ay sosyolohikal-panlipunan.
Ang pangalawang sangay ay ang Pananalig. Binubuo ito ng maraming uri. Ang mga uri
nito ay klasisismo, romantisismo, realismo, naturalismo, impresyunalismo,
ekspresyunalismo, simbolismo, eksistensiyalismo, at feminismo.

Sa pagtatapos ng kabanata, ang mag-aaral ay inaasahang:

1. Nabibigyang–katuturan ang ibat-ibang teorya ng panitikan


2. Nasusuri ang ibat-ibang akda at mga teoryang kinabibilangan ng mga ito.
3. Nakasusulat ng mga akdang pampanitikan gamit ang tamang balangkas ng pagsusuri.

Bilang Oras at Haba ng Pagtalakay


Kabanata 2: Panunuring Pampanitikan = 12 oras
(6 oras para sa talakayan; 6 oras
para sa mga gawain at
pagsasanay ng kabanata)

MGA SIMULAIN SA PANUNURING PAMPANITIKAN

1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso at


marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay ang organisasyon o balangkas


ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may kalinisan
ang wika at organisado ang paglalahad.

BAKIT MAHALAGA ANG PANUNURING PAMPANITIKAN?

 Mapahahalagahan lamang natin nang lubos ang isang akda kung tayo’y may kinalaman
sa pagsusuri nito.

MGA KATANGIANG DAPAT TAGLAYIN NG ISANG KRITIKO

1. Ang kritiko ay matapat sa sarili, itinuturing ang panunuri ng mga akdang


pampanitikan bilang isang sining.

2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang


pampanitikan at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.

3. Ang kritiko ay laging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa


panitikan.

4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na


sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.

5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim


sa paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.

6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang
pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang
pamimili.

PAGKAKAIBA NG CRITIQUE (PANUNURI) AT CRITICISM


(KRITISISMO)
CRITIQUE (PANUNURI) CRITICISM (KRITISISMO)
1. Naghahanap ng estruktura Naghahanap ng mali
2. Naghahanap ng kung ano ang
Naghahanap ng kulang
pwede
Nagbibigay agad ng hatol sa hindi niya
3. Nagtatanong upang maliwanagan
naunawaan
4. Naglalahad sa mabuti, matapat at Nakalahad sa malupit at mapanuyang
obhektibong tinig tinig
5. Positibo Negatibo
6. Kongkreto at tiyak Malabo at malawak
7. Tumitingin lamang sa kung ano Naghahanap ng pagkukulang sa
ang nasa pahina manunulat at sa akda

MGA TEORYANG PAMPANITIKAN


1. Teoryang Klasismo/Klasisismo - Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga
pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan,
karaniwan ang daloy ng mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita
at laging nagtatapos nang may kaayusan. Matipid sa paggamit ng wika ang mga klasista –
“hindi angkop ang paggamit ng mga salitang balbal. Hindi rin angkop ang labis na
emosyon.” Halimbawa nito ay Florante at Laura ni Francisco Balagtas.

Katangian ng Akdang Klasiko


 Pagkamalinaw
 Pagkamarangal
 Pagkapayak
 Pagkamatimpi
 Pagkaobhetibo
 Pagkakasunud-sunod
 Pagkakaroon ng hangganan

2. Teoryang Humanismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng
mundo ay binibigyang tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento at iba pa.

1. Pokus ng teoryang ito ay ang itinuturing na sibilisado ang mga taong


nakatuntong ng pag-aaral na kumikilala sa kultura.

2. Tao bilang sukatan ng lahat ng bagay kung kayat mahalagang maipagkaloob sa


kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at kalayaan sa pagpapasya.

3. Teoryang Romantisismo - Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan
ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig s a kapwa, bansa at mundong
kinalakihan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

4. Teoryang Realismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at


nasaksihan ng mag-akda sa kanyang lipunan, Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang
kasiningan at pagka-epektibo ng kanyang isinulat.

1. Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.

2. Ayon sa mga realista, ang sinumang tao, anumang bagay at lipunan, ay dapat
maging makatotohanan ang isasagawang paglalarawan o paglalahad.

3. PAKSA: Kahirapan, kamangmangan, karahasan, krimen, bisyo, katiwalian,


kawalan ng katarungan, prostitusyon, atb.
5. Teoryang Pormalistiko - Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais
niyang ipaabot gamit ang kanyang tuwirang panitikan, Samakatuwid, kung ano ang
sinasabi ng may-akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa–
walang labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na
malalimang pagsusuri’t pag-unawa.

1. tanging pisikal na katangian ng akda ang pinakabuod ng pagdulog na ito.

2. Tunguhin ng teoryang ito ay matukoy ang nilalaman, kaanyuan o kayarian at


paraan ng pagkakasulat ng akda.

3. Kailangang masuri sa akda ang tema o paksa ng akda, ang sensibilidad at


paguugnayan ng mga salita, istruktura ng wika, metapora, imahen, at iba pang
elemento ng akda.

6. Teoryang Eksistensyalismo - Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang


tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).

7. Teoryang Feminismo - Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at


kakayahang pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling
matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag ng babae ang
pangunahing tauhan ay ipinayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

1. Ang mga babae ng panitikan ay inilarawan ng ilang manunulat bilang mahina,


marupok, tanga, sunud-sunuran, maramdamin, emosyonal, pantahanan at
masama.

2. Ito ang sistemang pangkababaihan bilang mga indibidwal na di-kapantay ng


kalalakihan.

8. Teoryang Markismo/Marxismo - Ang layunin nito ay ipakita na ang tao o sumasagisag


sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-
ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-
ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

1. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ang mga bahaging tiyakang nagpapakita


ng paglabanan ng malakas at mahina; mayaman at mahirap. Makabuluhan rin
kung paano natalo ng mahina ang malakas; ng mahirap ang mayaman.
Ginagamit ng mga oryentasyon na ito upang mabuksan ang mga isipan at ang
mga mata ng tao sa pang-aapi at pananamantalang nagaganap sa lipunan. Ito'y
sumibol sa Panahon ng Kastila at Hapon, at namayagpag naman sa makabagong
panahon.

2. Nagagamit ang Marxistang pananaw sa pagsusuri sa kalagayang panlipunan,


pag-uugali at motibasyon ng mga tauhan sa kwento. Bukod dito, binibigyang-
pansin ng pananaw na ito ang mga umiiral na tunggalian: tauhan sa sarili niya,
sa ibang tauhan, sa lipunan o sa kalikasan.
Hal. Walang Panginoon - Deogracias A. Rosario
Dahil sa tunog ng animas, naalala ni Marcos kung paanong naging
mahirap ang buhay nila sa pamamahala ni Don Teong at sa pagkamkam
nito sa kanilang natitirang kabuhayan gayundin ang pagiibigan nila ni
Anita na anak ni Don Teong at kung paanong ito ng naging sanhi ng
pagkamatay ng dalaga. Ang lahat ng ito ay naging gatong sa poot na
nararamdaman ni Marcos na nag−udyok na rin upang mabuo ang plano
ng binata na patayin ang Don.

Gabay sa Pagsusuri ng akda ni Nenita Papa

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Tagpuan
IV. Teoryang Pampanitikan
V. Buod
VI. Banghay
a. Simula
b. Saglit na Kasiglahan
c. Suliranin
d. Kasukdulan
e. Kakalasan
f. Wakas
VII. Kabisaan
a. Bisa sa isip
b. Bisa sa puso
c. Bisa sa sarili
d. Bisa sa Lipunan
VIII. Mga Puna

“Ang pinakamahalagang bagay ay hindi nakikita ng mga mata sapagkat ang tunay na halaga
ng bagay, puso lamang ang nakadarama.”- Aral mula sa Ang Munting Prinsipe niAntoine de
Saint- Exupery
SANGGUNIAN:
Abueg, Efren R. et.al. (2012) Muhon: Sining at Kasaysayan ng Panitikan ng Pilipinas. 16 Concia
St. Tinajeros, Malabon City: Jimczyville Publications
Arrogante, Jose A., etal. “Panitikang Filipino-Binagong Edisyon Pampanahong Elektroniko”,
2010
Barrios, Joi, Lumbera, Bienvenido., etal.,” Paano Magbasa ng Panitikang Filipino- Mga
Babasahing Pangkolehiyo”. 2006.The University Press- UP Campus, Diliman, Quezon City 1101
Buensuceso, S.T., etal. (1997) Panitikang Filipino. University of Sto Tomas Publishing House
Cruz, I.R., etal. Ang Ating Panitikan. Goodwill Bookstore
Evasco, E. (2011) Mga Pilat sa Pilak: Mga Personal na Sanaysay. UST Publishing House
Godoy, R. DL., etal. (2003) Panitikan at Rizal. St. Andrew Publishing House
http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-sa-kongregasyon-si-teo-s-baylen-bilang-
relihiyosong-makata/
http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-sa-kongregasyon-si-teo-s-baylen-bilang-
relihiyosong-makata/
http://pinoyweekly.org/new/2017/01/eskapismo-at-reyalidad-ng-sunday-beauty-queen/
https://brainly.ph/question/38137#readmore
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=118742551588707&id=11872665492363
0
https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-Dula-Ayon-Kay
https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-Dula-Ayon-Kay
Queaño, N. (1983) Ang Katutubo at Dalawa Pang Dula. New Day Publisers
Ramos, M.S., etal. (1980) Panitikang Pilipino. Katha Publishing Co., Inc.
Read more on Brainly.ph
Reyes, J. (1998) Talang Luma Buhat sa Tabarawan ng Isang May Nunal sa Talampakan. U.P.
Press
San Andres, T.C., etal. (2008) Ang Panitikan ng Pilipinas sa Bawat Rehiyon. St. Andrew
Publishing House
Torres-Yu, R. (2006) Kilates. The University of the Philippine Press: Quezon City
V.C., etal. (2007) Mga Butil na Hiyas ng Panitikan. El Bulakeño Printing House
Villafuerte, P. (2000) Panunuring Pampanitikan. Mutya Publishing House: Valenzuela City
Villanueva, Z.P. (1998). Panitikan ng Pilipinas. Merriam & Webster Bookstore, Inc.

You might also like